PROLOUGE

332 27 0
                                    

"Mama o' si Azumi nang-aaway!" malakas na tili ni Seu matapos ko siyang kurutin sa tagiliran

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Mama o' si Azumi nang-aaway!" malakas na tili ni Seu matapos ko siyang kurutin sa tagiliran.

"Ang arte arte mo kasi," singhal ko sa kaniya at muli siyang kinurot na dahilan ng pagtili niya. 

"Seurina! Pumasok ka nga ditong bata ka! Anak ka talaga ni berting e, napaka-tigas ng ulo mo sinabi ko ng 'wag kang makikipag laro sa batang 'yan!" galit na galit na lumabas si Aling Nelya at lumapit saamin ni Seu. 

Si Aling Nelya 'yong tindera dito saamin na binibilhan ng lahat, kaso lang bawal ang umutang sa kanya. Pero siya pa rin binibilhan ng lahat kahit gaano pa kalayo  bahay nila sa tindahan nila.

"Kinurot nanaman ako ni Azumi, Mama!" sumbong uli niya. 

Kunot noong tumingin sa akin si Aleng Nelya kaya sinuklian ko rin siya ng tingin.

"Halika na nga!" sigaw ni Aling Nelya habang hinihila  si Seu pauwi na ngumangawa. Agad akong napangiti. Kasalanan naman 'yon ng anak niya e, kung 'di lang siya maarte e 'di sana hindi ko siya nakukurot. 

Tsaka parehas lang naman ginawa ko sa kanya at ginagawa ni Mama sakin tuwing nag-iinarte ako. Ginaya ko lang si Mama kasi nag-iinarte siya pero hindi ako naiyak tulad ni Seu.

Naglakad-lakad na lang muna ako hanggang sa makapunta na ako sa kabilang bahay kung saan may nakita akong mga batang naglalaro ng pogs. Kaya agad naman akong lumapit sa kanila para matingnan ko sila nang malapitan.

"Hello!" masiglang bati ko sa kanila. 

Napatingin naman ako bigla do'n sa isang bata dahil sa hawak niya na paper doll sa kabilang kamay. Tumabingi ang ulo ko sa pagtataka. Bakla ba siya?

"Hi.." ulit ko dahil kahit isa sa kanila ay 'di ako pinansin. Napasimangot naman ako, grabe ang sungit hindi man lang namamansin.

Magsa-salita sana uli ako kaya lang may umepal bago ko pa maibuka ang bibig ko.

"Do'n ka nga bawal babae dito," naiirita na sita niya sa'kin.

Agad na umarko ang kaliwang kilay ko sa sinabi niya sabay tingin sa paper doll na hawak niya.

"Hoy! Alam mo bang mas magaling pa ako mag pogs sayo!" inis na sagot ko sa kanya at nilagay ang dalawang kamay ko sa bewang ko. "Madami rin kaya akong pogs sa bahay namin! Kalabanin pa kita e--ubusin ko 'yang pogs mo," dagdag na pagyayabang ko. Masyado niya 'kong minamiliit samantalang mas malaki nga 'ko sa kanya, tsaka hindi niya 'ko kaya baka kurutin at hampasin ko lang din siya.

Tumayo naman siya bigla mula sa pagka-kaupo at masamang tumitig sa'kin kaya sinamaan ko rin siya ng tingin.

"Den.. 'wag mong awayin baka umiyak 'yan," pigil ng isang bata sa kanya. Ayos sana mga mukha nila kaya lang inaasar nila ako tsaka may mga paper dolls, yak! Ako nga babae wala niyan e .

"Ako iiyak? Ha! Ako kaya ang nagpapa-iyak," proud na proud na sabi ko.

Totoo naman e, si Seu lagi kong napapa-iyak nakukurot ko lang naman. Samantalang si Mama nasasabunutan at nakukurot pa'ko hindi man lang ako umiyak. Baka strong ako!

"Weh?" sabay sabay na sabi nila na puno ng pagdududa.

"Oo kaya, palag ba kayo? Ano kukunin kona pogs ko."

"Sige nga kunin mo," sagot ng isang bata na parang kalbo.

Agaran akong kumaripas ng takbo pauwi sa bahay para kunin 'yong limang dangkal na pogs ni Kuya Rai. Malapit-lapit lang rin bahay namin kaya hindi nako nahirapan kuhanin 'yong mga pogs ni Kuya. 

Marunong naman talaga ako mag-pogs kaso wala nga lang ako. Wala kasi akong pera pambili e, may pera ako kaso pangkain ko kasi 'yon sa tindahan ni Aling Nelya.

"Azumi! Sa'n ka na naman pupunta? Ang asim asim mo na!" sigaw ni Mama bago ako makalabas ng gate.

"Diyan lang po ma, mag-popogs ako!" sigaw ko pabalik at tumakbo na uli palabas.

Nakalagay lang din siya sa container ng ice cream kaya kayang-kaya ko. Hindi rin ako nahirapan sa paghiram nito kasi wala naman do'n Kuya ko kaya wala siyang angal.

Nang malapit na 'kong makarating sa mga batang nag-popogs ay bigla akong nakaramdam ng malaking bato sa dinadaanan ko. Bago pa ako makarating sa kanila ay nasubsob ako sa lupa.

Mabilis ang pagkasubsob ko kaya hindi agad ako nakapag-react sa nangyari. Nakita ko na lang na lumapit sa'kin 'yung batang may hawak ng paper doll.

"Ang lampa mo naman." Mabilis akong napatayo dahil sa sinabi niya.

"Hin-hindi ako lampa!" Tinitigan ko siya ng masama habang sumisinghot.

"Hindi ka lampa pero umiiyak kana kasi nadapa ka?" Anong umiiyak? Pinunasan ko ang mata ko at napagtanto ko na umiiyak nga 'ko. Hindi dapat ako iiyak sabi ko strong ako! "O panyo."

Tinitigan ko muna ng ilang segundo ang kulay orange na panyo na inaabot niya sa'kin bago ko kuhain at ipunas sa mukha ko. Andami-daming kulay sa buong mundo bakit pa orange na panyo ang binigay sa'kin.

"'Di ka kasi nag-iingat kaya ka lampa. Akala ko ba ikaw nagpapaiyak?"

"'Yung...'yung lupa kasi 'yon! Hindi ko naman kasalanan e," humihikbi kong saad at sumingha sa panyo. Napailing naman siya sabay tingin sa tuhod ko na kumikirot.

Napayuko rin ako at tinignan ang tuhod at siko ko na may gasgas ngayon. Patay, yari ako kay Mama nito kapag nakita niyang may bago nanaman akong sugat.

"Tara na," biglang aya niya.

"Ha?" Ano kaya sinasabi nito ni batang paper doll? 

"Sabi ko 'tara na' gagamutin natin 'yang sugat mo sa bahay." Mabilis na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Naalala ko bigla 'yung napanood ko sa YouTube na parang ganto rin tapos biglang dinukot 'yung bata.

"Ayoko." Nakita ko agad kung paano napaangat ang kaliwang kilay niya dahil sa sagot ko. "Baka kaya mo 'ko sinasama sa inyo kasi may balak kang gawin akong padugo sa mall." dagdag ko pa. 

Kung kanina mukha siyang nanghahamon ng away ngayon mukha naman siyang kinikiliti dahil sa pagtawa niya. May itsura naman pala talaga siya, parang bakla lang rin.

"Hindi ko naman gagawin yon," paninigurado niya sakin. "Hindi rin bagay dugo mo do'n, dugong matibay kailangan nila hindi dugong lampa." 

"Anong sabi mo?!" 

"Wala." Tinignan ko ulit siya ng masama dahil meron naman talaga siyang sinabi. "Tara na, baka mamaya lumala pa 'yung sugat mo." Napatango na lang ako at akmang maglalakad na sana nang bigla siyang lumuhod.

"Oy! Akala ko ba tara na?"

"Teka lang, pupulutin ko muna 'tong pogs na kinalat mo." 

Ngayon ko lang rin pala naalala 'yung mga pogs. Hala yari ako kay Kuya Rai! Baka mamaya kulang-kulang na.

Luluhod na rin sana ako para tulungan siya kunin 'yung mga pogs pero pinigilan niya agad ako. "Ako na, kaunti lang naman 'yung kumalat. Magkaka-impeksyon 'yang sugat mo kapag lumuhod ka." Atomatiko naman akong napangiti. Mabait naman pala si batang paper doll hindi siya masungit!

Hinintay ko na lang rin  siya matapos pulutin 'yung mga pogs bago kami pumunta sa bahay nila. Pwede ko na siya maging friends kaso hindi ko pa pala alam name niya.

"Psst.. Kuya paper doll." Napalingon naman siya agad.

"Anong Kuya paper doll?.." nagtatakang tanong niya.

"Ikaw, Kuya paper doll. May hawak ka kasing paper doll." 

"Ahh.."

"Hindi ko rin kasi alam pangalan mo e. Ano ba pangalan mo? Para 'di na Kuya paper doll tawag ko sa'yo."

"Paper doll," ngising sagot niya. "Okay na 'yon."

Sumimangot naman ako dahil sa sagot niya. Tinatanong ko siya ng maayos e. 'Di bale pwede na sa kanya 'yung Kuya Paper Doll o 'di kaya Kuya Bakla. Bagay nga sa kanya. 

"O 'di sige." ngiti ko sa kanya,

City Series 1: Listen To The Rhythm Of The Falling RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon