This chapter is the continuation of Chapter XXXI-CONFESSED, that time when Ino asked Aya to tell him the truth behind the killings.
Anyways, nice to be with you again! Enjoy reading💕
__________Halos ayaw ng gumana ng utak ko dahil sa mga ikinuwento ni Aya, hindi ko kayang tanggapin ang lahat ng impormasyong ibinahagi niya.
Sobrang napakadetalyado ng iba, na kung saan kitang kita ko pa na parang ipinagmamalaki niya.
N-nakaya niyang gawin ang lahat ng iyon?
Argh! Bakit ko pa ba tinatanong eh nasaksihan na mismo ng dalawa kong mga mata ang ginawa niya kay Ma'am Reese kanina.
Pinatay niya ito ng walang kahirap hirap, na para bang sanay na sanay siyang gawin ang gawaing iyon.
Hindi ako makapaniwala na kaya iyong gawin ni Hira, buti na lang at hindi pala siya ang may kagustuhang pumatay.
Pero mas hindi kapani-paniwala na nasa katawan ngayon ni Hira ang matagal ng yumaong si Ayana.
Paano nangyari ang bagay na iyon? Patay na siya, bakit? Papaanong nakapasok siya sa katawan ni Hira?
Pero ang tanong na bumabagabag sa isip ko ay,
Nasaan si Hira?
"Anong ginawa mo kay Hira? Nasaan siya Aya? Nasaan!" Galit na galit ko siyang sinigawan, hindi ko nagustuhan ang lahat ng sinaysay niya.
Lahat ng iyon ay hindi makatarungan kahit paman sabihin niyang ginawa niya iyon upang maghiganti dahil sa ginawa nila sa kaniya.
"Nakakulong ang kaluluwa niya sa isang Libro Ino, makakabalik lamang siya kapag lilisanin ko na ang katawan niya." Mas nagalit ako sa itinuran niya.
"Can you please stop this nonsense? You're destroying other people's life. Pati si Hira na walang ginawa dinadamay mo pa sa mga hinaing mo sa buhay!" Bumalantay sa mukha niya ang sakit dulot ng mga salitang umalpas sa aking labi.
"Hinaing ko sa buhay? Gusto ko lang gawin ang tama Ino! Pero anong ginawa nila?! Pinag mukha nilang ako pa ang may mali! Gusto ko lang naman mabuhay ng marangya, pero tingnan mo ang ginawa nila? Ipinagkait nila sa akin ang buhay na gustong kong madama!" Kahit mukha ni Hira ang aking nakikita, nararamdaman ko ang pighati niya bilang si Ayana.
Pero mali ang punto niya, maling mali.
Isang kamalian na dapat iwasto, hindi ko alam ngunit nararamdaman kong ako lamang ang makakapag tama nito gayong sinabi niya na bumalik siya para sa akin.
Dahil may unfinished business siyang hindi natapos dito sa lupa at ako ang bagay na iyon.
"Sabihin mo sa akin Aya, naging masaya ka ba sa lahat ng ginawa mo?" Nagbago ang ekspresyon niya dahil sa naging tanong ko.
Mula sa galit na galit, ngayon ay naging mahinahon ito na parang pinagalitan ng isang Ina.
"Hindi ba't parang isa ka narin sa kanila dahil ginagaya mo sila? Hindi ka nalalayo sa kanila Aya, kung mga wala silang puso.. mas lalo kana. Taglay mo ang kahayupang mayroon sila. Isa isa mo lang naman silang pinatay. Mas malaki ang kasalanang mayroon ka." Pagpapaliwanag ko, gusto kong maunawaan niya ang gusto kong iparating.
"Violence is the last refuge of the incompetent-ika nga ni Isaac Asimov. Tama siya Aya, kung inaakala mong mas malakas kana dahil sa ginawa mo, o mas tama ka dahil sa ginawa mo.. pinapatunayan mo lang na isa kang mahinang nilalang. Kahit kailan hindi ka tama Aya, at kahit kailan wala ka sa katarungan." Diretso niya lamang akong tinitingnan habang pinapaunawa ko sa kaniya ang mga kamaliang ginawa niya.
BINABASA MO ANG
"YOU'RE DEAD" (COMPLETED)
Horror[TAGLISH STORY] Hira was just an average student who wanted to live peacefully on this wrecked world, but everything changed when she picked up a mysterious book dropped by an old lady. Starting from that day, her life turned upside down without he...