The following words, sentences and phrases may contain depictions of violence that may be upsetting for some readers.
Viewers/ readers discretion is highly advised.
__________
Ayaw sana akong papasukin ni Mama ngayong araw dahil ang dami ko daw'ng pasa sa katawan, gawa kasi ito nung pambubugbog na ginawa nila Phoebe at Chessy sa akin.But I initiated to go. Sayang din kasi yung mamimiss ko na lessons kapag umabsent ako. As long as kaya ko pang tumayo at lumakad, papasok ako.
The whole school is quiet as I enter the gate. Usually kada pasok ko halos di ko na marinig sarili kong sasabihin dahil sa sobrang dami ng nag-uusap na tao sa labas.
Pero ngayon ang tahimik yet marami parin namang tao.
Ano bang meron?
Pagpasok ko sa room, narinig ko yung mga kaklase kong nagbubulungan na pinatawag daw sila Chessy sa guidance at galit na galit daw yung principal namin.
Kaya pala ang tahimik ng mga estudyante.
Our first and second subject lasted for about two hours before we left the room to take our snacks.
When I was heading to the cafeteria, nadaanan ko ang mga estudyanteng nakalupong na naman.
Lately ang hilig nila sa gulo, how can I say na yung pinaglulupungan nila diyan ay something related to chaos?
Simple! Students here do not waste their time on things that are too good enough for their ears.
They mostly want issues that are connected with the word 'trouble' or 'mess'. Hinding hindi sila magsasayang ng oras kung ikaw ay isang good samaritan na binigyan ng pera ang isang pulubi sa daan.
Absurd right?
Huh! Masanay kana.
When I finally reached the place where they congregated, I see the pitiful situation of Chessy,
Again.
Ngayon, di na talaga siya ma hitsura. Mukhang pinaghandaan ang gagawin sa kaniya, nangangamoy ewan siya. 'Di ko alam kung ano ang ipinambuhos nila kay Chessy but my gut is telling me it's a water from a septic tank. How do I say? Kasi may mga itim na bilog-bilog ang makikitang nakadikit sa buhok at uniform niya, parang tae sa septic tank na nadurog na. And also it stinks! Kaya medyo malayo ang puwesto ng ibang estudyante sa kaniya. Isa lang ang masasabi ko, they exert effort para manapak ng tao.
Napaka talaga!
Hindi pa ba sapat yung ginawang pambubully nila kay Chessy kahapon? Ba't ba ganiyan ugali ng mga tao ngayon? 'Di marunong makuntento sa kung anong ginagawa at specially, sa kung anong meron sila.
Ito ba resulta sa pag reveal ko ng katotohanan? Hindi ko inaasahan ang bagay na 'to. Na ang kabayaran ng kasalanan ay isa ring kasalanan. Dahil sa ginawa nila Chessy na mali sa mata ng karamihan, sinasaktan siya at kinukutya dahilan para sila din ay magkamit ng parehong kasalanan.
How cruel, people tend to judge others because of the mistakes they did which in fact, they are also committing one. Heavier than the sin other had committed.
Hindi ko nilalahat pero kadalasan sa mga tao, kapag nakikita ang ibang nagkakasala... ang bilis nila manghusga. Not realizing first how many of sack their sins was, lucky lang nila dahil hindi pa na-e-expose ang kanilang baho.
BINABASA MO ANG
"YOU'RE DEAD" (COMPLETED)
Horror[TAGLISH STORY] Hira was just an average student who wanted to live peacefully on this wrecked world, but everything changed when she picked up a mysterious book dropped by an old lady. Starting from that day, her life turned upside down without he...