Nag-aabang ako sa paggising ni Hira, hanggang ngayon pa rin kasi ay nanatiling nakapikit ang kaniyang mga mata at mahimbing na nakatihaya sa puting kama.
Gusto ko siyang gisingin ngunit hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya ang tungkol sa pagkawala ng kaniyang Ina.
Natatakot ako sa magiging reaksiyon niya kapag nalaman niyang wala na ang sariling Ina dahil sa kaniya.
Naikuwento nga pala sa akin ng kaklase niya na lumabas ang mama ni Hira dis oras ng gabi para hanapin siya, hindi raw kasi nagpaalam si Hira na aalis ng bahay at gabi ng uuwi. Natawagan pa raw ang kaklase ni Hira ng Ina niya't tinanong kung kasama niya ba ang anak nito.
Hindi siya makapaniwala na ang kani-kaninang kausap ay nakaratay na sa Morgue ngayon.
Kaya naman labis na lang daw ang pagkagulat ng kaklase ni Hira ng bigla siyang tawagan ng Ina nito ngunit boses lalake ang narinig niya, iyon pala ay pulis ang tumawag sa kaniya na kinalikot ang cellphone ng nasagasaan at number ng kaklase ni Hira ang unang nakita sa call log kaya siya ang tinawagan. Ng marinig na patay na ang Ina ng kaniyang kaklase, ang dugo niya'y kamuntikan na siyang takasan.
Base sa ikinuwento niya, nakita raw sa cctv na malapit sa lugar kung saan nabangga si Tita ang pagbangga ng isang sasakyan sa kaniya. Hindi ito huminto sa halip ay ipinagpatuloy lamang ang pagtakbo.
Gagawin naman daw ng kapulisan ang lahat upang mahuli ang walang pusong namangga kay Tita.
Ang ikinababahala namin ay kung paano uunawain ni Hira ang lahat.
Gayong ang dahilan pa naman ng pagkamatay ni Tita ay dahil sa paghahanap sa kaniya, na lingid sa kaalaman ng iba ay hindi naman talaga kasalanan ni Hira,
Kungdi ang lahat ng ito ay kasalanan ni Aya.
Kung hindi na lang sana siya bumalik ay hindi magkakagulo ang lahat, dinamay niya pa ang kaibigan kong si Terrence.
Napatuwid ako ng upo dahil sa biglang pagbangon ni Hira, habol-habol niya ang hininga na para bang kakagaling lamang sa ilang kilometrong marathon.
"H-Hira?" tawag ko sa kaniya kaya siya sa aki'y napalingon.
Umiling siya ng makailang beses bago ako sinagot "H-hindi iyon totoo diba? Diba Ino?" habol niya parin ang hininga habang parang ayaw paniwalaan ang kaniyang naiisip "-ang pangit ng panaginip ko. N-namatay daw si Mama? H-ha-hahaha.. bakit naman mangyayari iyon? K-kasama ko pa nga siya kanina eh." Ginawaran niya ako ng tingin, tingin na parang sinasabing sang-ayunan ko ang gusto niyang paniwalaan.
Ibinaling ko ang mga mata sa ibaba, malayo sa mga mata niyang humihingi ngayon ng pagkalinga.
Kalingang gustong madama mula sa sariling Ina, na ngayo'y gaya ng dati ay hinding hindi niya na ulit makikita.
Pinalipas ko muna ang kalahating oras bago ko ipinaliwanag sa kaniya ang lahat. Hindi magkamayaw si Hira sa pag-iyak na walang ibang nagawa kungdi tanggapin ang katotohanang kay bigat.
Katotohanang hindi niya na muling mayayakap ang minamahal na Ina, dahil wala na ito sa tabi niya at ito'y pumanaw't sumalangit na.
"Kasalanan niya ang lahat ng ito." Nagdilim ang paningin ni Hira ng ipunto siguro ng kaniyang isipan na nangyari ang lahat ng kamalasang naranasan niya dahil kay Aya. Naikuwento ko narin pala sa kaniya ang kasagutang hinahanap niya.
Ang dahilan kung bakit nakikita niyang namamatay ang mga taong iyon.
"Gusto ko siyang makausap Ino, matutulungan mo ba ako ulit?" Kinabahan ako sa gusto niyang mangyari, hindi madali ang lahat ng iyon.
Lumipas ang ilang araw matapos ng libing ni Tita, nandito kami ngayon sa bahay kung saan ko nakausap si Aya nung araw na inamin niyang siya ang pumatay sa kanilang lahat.
May plano si Hira, kakausapin niya si Aya.
Hindi ko alam kung ano pa ang plano niya pero ang gusto niyang mangyari ay sasabihin niya sa akin lahat ng gusto niyang sabihin sa babaeng iyon upang ako na ang magpabatid nito sa kaniya.
Ngunit ipinaliwanag ko sa kaniya na mas maaari kung silang dalawa ang makakapag-usap ni Aya dahil katawan niya ang naagrabyado sa ginawa nito. I volunteered myself to be Aya's receptacle for a day.
Kaya lang may problema kami, hindi namin alam kung paano ito kukumbinsihin na sa akin na muna sasapi.
Sa huli wala kaming nagawa kungdi ang humingi ng tulong sa Ina ni Aya, alam niya pala ang mga gawain ng anak niyang matagal ng patay.
Kasabwat siya sa paghingi nito ng tulong sa isang demonyo upang maibalik siya mula sa pagkabuhay at iyong librong napulot ni Hira na ihinulog ng Ina ni Aya ang siyang naging tulay upang makapasok si Aya sa katawan ni Hira.
May kung anong spell ang librong iyon na kapag dinampot ng kung sino at binasa ang pamagat nito ay siyang nakatadhana upang maging sisidlan ni Aya.
Noong una ay nasiyahan ang Ina nito dahil bumalik na sa pagkabuhay ang anak niya ngunit ng naglaon, nalaman niya na pumapatay ito ng tao para makapaghiganti sa mga taong lumapastangan sa kaniya.
Pinigilan niyang gumawa ng karumaldumal na krimen ang anak niya, ayon pa sa kaniya ay hindi niya isinugal ang sariling makagawa ng kasalanan na makipagkasundo sa isang demonyo upang buhayin ang anak niya at gumawa rin ng kasalanan.
Nabuhay nga ito ngunit hindi niya naman nakapiling ang anak na biglaang kinuha sa kaniya at sa halip mas inatupag pa nito ang ibang tao.
Hindi niya na masikmura ang kahayupang ginagawa ng anak niya at napagdesisyunang tulungan kami upang patigilin na ito.
Kung sa totoo nga lang daw ay naghahanap siya ng tiyempo upang kausapin ito ngunit ilang araw na itong hindi nagpaparamdam sa kaniya, nakakausap niya lang daw si Aya kapag sumasapi ito sa katawan ni Hira.
Hindi katulad dati na nakakausap niya ito sa pamamagitan ng demonyong kaibigan ni Aya.
Talking about friend, binabagabag parin ako ng sinabi ni Aya nung huling usap namin.
Hindi ko na naitanong sa kaniya kung anong ibig sabihin niya sa kailangan niya lang bigyan ng present ang kaibigan niya at isasama niya si Hira sa kaniya pagkatapos ng lahat ng ito.
"Hijo, sigurado ka bang binasa mo ang pamagat nung librong pinulot ni Hira?" Naitanong sa akin ng mama ni Aya.
"Opo." Sagot ko, ang sabi niya kasi ay basahin ko raw ang pamagat niyon para sa akin ang diretso ni Aya kapag naisipan niyang sumapi na kay Hira. Ang nakapagtataka lang ay ilang araw na simula ng araw na iyon ay hindi niya na ulit sinapian si Hira, ilang araw na namin siyang hinihintay upang makausap.
"Bakit po kaya hindi niyo tawagin si Aya? Baka po maisipan niyang sumapi kapag narinig niya ang boses niyo?" Suhestiyon ni Hira na siya namang sinubukan ng Ina ni Aya.
Makalipas ang pangatlong pagtawag niya,
Nakaramdam ako ng pagkahilo.
__________
Two more chapters to go bhie! And we'll reach the end. Just read ahead!
LOVELOTS💜
BINABASA MO ANG
"YOU'RE DEAD" (COMPLETED)
Horror[TAGLISH STORY] Hira was just an average student who wanted to live peacefully on this wrecked world, but everything changed when she picked up a mysterious book dropped by an old lady. Starting from that day, her life turned upside down without he...