XII-COOK IT

230 17 1
                                    

The following words, sentences and phrases may contain depictions of violence that may be upsetting for some readers.

Viewers/ readers discretion is highly advised.
__________


Teka? Bakit walang tao sa Cafeteria?

Hindi ko na lang pinansin at dumiretso na sa lagi kong inuupuang spot.

"Uy! Adobo!" Nagtaka ako dahil may adobo na naka serve sa table na pinupuwestuhan ko, pero okay narin dahil paborito ko naman.

Shet! Ang sarap, yun nga lang mas masarap ang luto ni Mama.

Wait lang... kailan pa nag serve ng adobo ang cafeteria? Wala naman 'to noon ah?

Hmm, ang lambot ng laman oh!

Hinanap ko yung pakpak ng manok dahil iyon yung paborito kong parte kapag adobo ang ulam.

Ngunit sa halip na pakpak ng manok ang makita, isang hintuturo ang bumungad sa akin.

Kinutuban ako sa nakita kaya hinalungkat ko pa yung ilalim ng bowl.

But my stomach turned upside down when I see a single eye.

May mata sa adobo!

Ughhhhh!?!

Mangiyak ngiyak akong umurong papalayo sa table, gusto kong isuka ang kinain.

Hindi ko akalaing sa buong buhay ko, makakakain ako ng laman ng tao.

Fvck shit!

Who served this?!?

Bigla akong nanigas ng may masipa ako sa ilalim ng sementadong mesa.

Dahan-dahan ko iyong sinilip,

Bagay na sana hindi ko na lang ginawa.

"AAHHHH!?!"

Nasa ilalim ng mesa ang putol na ulo ni Reighn,

And the left eye is missing.

"YOU'RE DEAD" (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon