XLVII-KNIFE IN A POCKET

93 9 0
                                    

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Ino.

Gulat na gulat siyang napatingin sa akin.

"Si Aya na ang kaharap mo Hira, nandito na siya." Bulong sa akin ng mama ni Aya, nagdilim na naman ang paningin ko ng maalala ko ang lahat dahil sa kaniya.

Gustong gusto ko siyang sugurin ngayon ngunit hindi ko pwedeng kalimutan na katawan ni Ino ang kinalalagyan niya.

Kung nagulat siya dahil nakita ako, mas nagulat siya ng makita ang sariling Ina na kasama ko.

"M-mama?" napaigtad din siya ng boses lalake ang marinig matapos niyang magsalita.

"Aya... itigil mo na ito anak. Maawa ka sa mga taong nadamay dahil sa mga pinanggagawa mo. Aya anak, please. Patahimikin mo na ang kaluluwa mong matagal na dapat namamahinga." Sinimulan siyang kausapin ng Ina.

Ngunit ngisi lang ang nakita kong iginanti niya.

"What the heck are you thinking Hira? Replacing yourself as Ino? Hindi niyo ako madadala sa ganito, kung sa tingin niyo hindi ko maisasakatuparan ang mga plano ko dahil si Ino ang sisidlan ko ngayon puwes nagkakamali kayo!" Ihinarang ko ang sarili sa Ina niya ng bigla niyang damputin ang isang tipak ng semento sa sahig, medyo may kalakihan ito at sigurado akong hindi na naman maganda ang iniisip niya kung paano niya gagamitin ang bagay na iyon.

"Ano pa bang kailangan mo Aya? Pinatay mo na silang lahat!?! Pati mama ko dinamay mo sa kalokohan mo! Hindi pa ba sapat ang lahat ng iyon ha? Manahimik kana sa kabilang buhay!" Nasigawan ko siya dahil sa labis na galit. Sobra-sobra na ang mga pinanggagawa niya, bakit ba hindi na lang siya bumalik sa kung ano na siya at pagbayaran sa kabilang buhay ang mga kasalanang ginawa niya?

Nginisihan niya ulit ako "Ganun naman talaga ang gagawin ko Hira eh, babalik na ako dahil tapos ko ng kitilin ang buhay ng mga taong kumitil sa buhay ko. Kaso, may bayarin akong dapat pagbayaran at ikaw ang pambayad na iyon. Sa totoo lang may gusto pa sana akong sabihin kay Ino kaya lang hindi ko na magagawa ang bagay na iyon dahil siya ang sisidlan ko ngayon. Dapat sana nasabi ko na yun nung araw na iyon eh, kaso epal ka kasi kaya naudlot ang usapan namin ni Ino but on the second thought mas maganda narin pala itong nasa katawan niya ako para magamit ko siya upang kuhanin ka." Sa dami ng sinabi niya, ang kuhanin lang ako at ipambayad ako ang tumatak sa isipan ko.

Anong ibig niyang sabihin?

"AYA!?! Itigil mo na ito ngayon na! Manahimik kana ng mapayapa Aya! Parang awa mo na, hindi kita pinalaki ng ganito." Umiiyak na habang nakaluhod ang Ina ni Aya, nagmamakaawa na sana ay itigil niya na ang panggugulo sa buhay ng ibang tao.

Nabaling dito ang tingin niya "Bakit ma? Hindi ba't ikaw ang may gusto na mabuhay ulit ako? Bakit mo ako tinatraydor ngayon? Anak mo ako diba?" Sa halip na ang Ina niya ang sumagot, ako na ang humalili para rito.

"Hindi porket anak ka niya ay susuportahan ka niya sa lahat ng gusto mo kahit mali paman yon. Oo nga't anak ka niya Aya, pero may konsensiya ang mama mo. Alam niyang mali ang ginagawa mo at kailangan iyong matigil." Kitang kita ko ang paghigpit ng hawak niya sa tipak ng semento.

"YOU'RE DEAD" (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon