LARA'S POV
HINDI KO alam kong tama ba itong pinaplano namin, kinakabahan ako, hindi para sa kaligtasan ko kundi para sa aming lahat.
"Hindi ba natin sasabihin sa Ferriors ang plano?" Tanong ko kay Sky na ngayun ay naka upo sa passenger's set sa tabi ko, habang ang siko ay nakatukod sa bintana at ang kamay ay naka hawak sa baba na parang malalim ang iniisip.
Bumuntong hininga siya bago lumingon sa akin.
"Hindi ko alam," Aniya at muling itinoon ang paningin sa daan, bumuntong hininga naman ako saka binuhay ang makina at humarorot paalis.
Ang bigat sa dibdib, hindi ko alam kung ano ba ang dapat naming gawin. May sariling plano ang magkapatid, at may sariling plano rin ang Ferreriors.
LIAM'S POV
WALANG kasiguraduhan ang aming mga plano, si boss ay parang wala sa sarili. Hindi pa lumalabas sa kwarto niya.
"Ayos lang ba si boss?" Tanong ko sa kawalan.
"Stop asking and do your job, huwag kang magsasalita. Naririndi ako sa boses mo," nakangiwi akong tumingin kay Calandra na ngayun ay abala sa pag hahalo ng mga medicines sa bottle.
"Bakit ba laging mainit 'yang ulo mo sakin? Nagtatanong lang e," asik ko at narinig ko pa siyang bumuntong hininga habang sinisilip ang maliliit na bottles.
"Just because you're Liam" parang naiirita niyang sagot.
"Malamang, e ano naman kung ako 'to?"
"I said stop asking, you're annoying me" asik niya.
"Ang sungit mo"
"At ang ingay mo"
"Anong masama dun?"
"Ang pag iingay mo" asik niya at inis na inilapag sa mesa ang hawak niyang bottle at sinamaan ako ng tingin.
"Ano bang problema mo sakin at lagi kang naiinis ha?!" Pag papranka ko at bununtong hininga siya.
"Huwag kanang maraming tanong, tapusin na natin 'tong trabaho na 'to dahil naiirita na ako sa pagmumukha mo"
"Ha! Ikaw pa talaga nairita sa mukhang 'to ha?" Hindi maka paniwalang sabi ko at siniringan niya lang ako. "Sa gwapo kong 'to, nairita ka pa? Pasalamat ka nga at nakikita mo ang pagmumukha 'to"
"Mas mag papasalamat ako kung hindi kita nakikita, no face of yours less annoyed. Tss," asik niya bago ako talikuran, namamangha ko naman siyang sinundan ng tingin.
"Ha! Nakaka turn off ka!" Sigaw ko.
"Hindi ko sinabing ma turn on ka" pahabol niya at nakagat ko naman ang labi ko sa pagpipigil ng galit.
"Pasalamat ka gusto kita,"
"Nah, I felt cursed" nakangiwing aniya at napanganga naman ako.
"Ha! I'm going to uncrush you!" Asik ko at napa hagikhik naman siya.
"Okay, I don't care anyway" walang ganang aniya saka muling kumuha ng ibang medecine bottle.
Napapaluha naman akong tumalikod sa kaniya.
"Bakit ba napaka manhid niya? Ganito ba lahat ng babae?" Bulong ko sa sarili ko saka napa tingin sa gamot na hawak ko "Gwapo naman ako, pinagkakaguluhan" kausap ko ang hawak kong gamot "Kahit ata gayumahin ko ang babaeng 'to hindi eepekto." Naiiyak kong sabi habang nakatingin kay Calandra.
YOU ARE READING
Sold to a Mafia Boss
ActionA story of a woman who's being sold with her Aunt. Erina Swane