Chapter 29: Mafia War 1

1.1K 32 1
                                    


THIRD PERSON'S POV

ANG BOONG building ay binalot ng kadiliman, lahat sila ay walang makita kundi ang dilim na nasa paligid nila. Lahat sila ay nangangapa, hindi makakilos ng tama.

"Erina!" Sigaw ni Khairo.

"Khairo!" Sigaw naman ni Erina sa kabilang banda,

"Erina! Where are you?!" Muling sigaw ni Khairo, at sa kabilang banda ay naririnig ni Erina ang boses ni Khairo, pero sa pagkakatantiya niya ay malayo ito. Nasa iilang metro ang layo.

"Guys!" Sigaw naman ni Calandra. Akmang maglalakad siya ng maramdaman niyang may tumama sa ulo niya.

"Erina..." Usal ni Khairo ng makita si Erina sa isang sulok, nangunot ang noo niya ng makita niya ang isang lalaki sa likod ni Erina. "Erina!" Sigaw niya ng makita niya kung pano hampasin sa ulo si Erina.

LAHAT sila ay parang mga bulag na walang makita ni anino, napaka dilim ng paligid. Tanging tenga at pakiramdam lamang ang kanilang tanging nagagawa. Nakikiramdaman sila ngunit parang napaka layo nilang lahat sa isa't isa.

Sa sitwasiyong ito ay parang talo na sila, na ang tanging magagawa nalang nila ay ang sumuko sa kalaban at hintaying mamatay.

"Kuya...." Umiiyak na usal ni Lillianne sa kabilang banda habang nakatali ang mga kamay at paa pati ang leeg ay may kadena.

Sa likod niya ay may lalaking naka tayo at tila naka balot ang boong katawan sa itim na damit. At parang kahit anong oras ay nakahandang ilatigo kay Lillianne ang hawak na latigo.

Hindi paman dumadampi sa katawan ni Lillianne ang latigo ay para na siyang nabugbog dahil sa kahinaang nakikita sa boong pagkatao niya. Umiiyak sa sobrang hapdi ng ulo, habang umaagos ang dugo rito.

SA KABILANG banda ay nahihirapang maka lutang si Sanika, patagal ng patagal ay umaapaw ang tubig sa malaking acquarium na kinalalagyan niya. Napapapikit nalang siya at ang tanging iniisip ay ang kaligtasan ng kapatid.

"Erina...." Kahit na hirap na hirap ay nagawa niyang mabigkas ang pangalan ng kapatid, gusto niyang maging malakas para sa kapatid.

Kasabay ng tubig na umaagos mula sa taas ay ang pag agos mg kaniyang mga luha, alam niya sa sarili niya na kahit anong pilit niyang maging malakas ay hindi niya maitatanggi ang takot na nararamdaman niya. Takot para sa kaniyang kapatid.

"LARA! Sanika!" Sa kabilang banda naman ay sumisigaw at humahangos si Maxwell, hawak hawak niya ang cellphone na siyang nagbibigay ng liwanag. "Damn!" Sigaw niya at panay ang linga sa paligid, pero kahit anino ng mga kasamahan niya ay hindi niya makita.

Gusto niyang libutin ang boong paligid kahit na binabalot ito ng kadiliman, ayaw niyang huminto hanggat hindi niya nakikita ang kaniyang kasamahan lalo na si Sanika at ang kapatid niya.

"Sanika..." Muling banggit niya sa pangalan ni Sanika matapos tumakbo, napa hawak nalang siya sa mga tuhod niya sa sobrang pagod at kawalan ng pag-asa.

Naibagsak niya ang sarili sa sahig at umiyak sa mga palad, sobrang panghihina dahil sa pag aalala at takot na nararamdaman niya.

"Ahhhhhh!!" Sigaw niya na parang binabalot ng galit ang boong pagkatao. "Wait and see Miss Wood! I'm going to kill you bitch!" Sigaw niya na halos mag echo ang boses niya sa paligid, pero kahit hininga ay wala siyang marinig bilang tugon.

"MAXWELL?" Tanong ni Gray sa kabilang banda, hindi man kakitaan ng takot ay mahahalata naman sa kaniya ang pag aalala para sa mga kasama.

"Hay....damn this Woods," inis na aniya saka kinuha ang isang salamin na nasa bag niyang dala dala niya. "Thanks to that hawk lady, for this night vision glasess" aniya matapos isoot ang sunglasses na binigay sa kaniya ni Lara.

Sold to a Mafia BossWhere stories live. Discover now