Chapter 28: Revenge

1.3K 37 1
                                    

LILLIANNE'S POV

ABALA parin kami sa pag aasikaso ng mga baril ni Gray ng makaramdam ako ng gutom, kaya nag paalam ako sa kaniyang bumaba at magluluto. Pero ng buksan ko ang ref ay walang kalaman laman, tanging pera peraso lamang ang naroon.

"Ha!" Hindi makapaniwalang singhal ko saka kinuha ang isang in can na juice, pero nang tingnan ko ay dalawang araw ng expired 'yun. Napailing nalang ako saka isinara ang ref.

"Oh, I forgot to tell you. Wala na palang pagkain," napatingin ako kay Gray na kakapasok lang sa kitchen "Si Sanika ang bumibili ng groceries, but....you know, she's not been here this days." Aniya saka sumandal sa pader.

Napangiwi naman ako sa kaniya. "Hayst....ang tatamad niyo talaga," asik ko at nilagpasan siya.

"Where are you going?" Nilingon ko siya ng muli siyang magsalita.

"Bibili ng makakain," pagtataray ko at humakbang siya palapit sakin, ang hindi ko inaasahan ay ang pag pitik niya sa noo ko. Kaya sinamaan ko siya ng paningin.

"Ano ba?! Masakit 'yun ha!" Sigaw ko sa kaniya at seryoso siyang tumingin sakin.

"Paano kung makita ka isa sa mga tauhan ni Mr. Wayne na naghahanap sayo?" Asik niya at ngumiwi lang ako.

"Don't worry, I can handle myself. At saka diyan lang naman 'yung grocery store" asik ko at kinuha ang nag ko.

Lalagpasan kona sana siya ng hilain niya ang damit ko at nagitla ako ng isoot niya ang sombrero sa akin, hindi ko alam kung saan niya 'yun nakuha.

"Safety first," aniya at napa atras ako ng akma niyang isosuot ang mask saakin.

"Para naman akong nagtatago sa lagay na'yan" asik ko at sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Malay natin nasa labas ang kalaban, mas mabuting makasiguro" aniya at ngumiwi lang ako saka siya tinalikuran. Ngunit bago ako maka labas ay muli ko siyang nilingon.

"Hindi porket sinabi kong anak ka ni dad— anak ka ni Mr. Wayne, ay ituturing narin kitang kapatid. I have only one, brother. And that is kuya Sky," alam kong masakit para sa kaniya ang sinabi ko pero wala na akong pakealam pa doon.

Bago ko siya talikuran ay ngumiti siya ng mapakla, ng makalabas ako ay napapikit ako ng mariin. Kinagat ko ang ibabang labi ko sa pag kaguilty.

Bakit ko ba sinabi 'yun?

"Hayst!" Singhal ko at binaliwala nalamang ang nararamdaman.

Hindi kalayuan ang grocery store sa village nina Mr. Ferrer kaya hindi ako natagalang maka abot doon. Natagalan lang ako sa pamimili, dahil pagdating talaga sa mga pagkain o pamimili ay matagal ako, dahil napaka picky ko. Mapili ako sa mga bagay bagay.

Matapos kung mamili ay lumabas narin ako sa store na 'yun, napabuntong hininga ako ng maramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Nakuskus ko ang braso ko para mabawasan kahit papano ang lamig.

Napatingin ako sa relo ko at napagtantong oras din pala ang itinagal ko sa loob, kaya napatingin nalang ako sa paligid at nagsimulang maglakad.

Habang naglalakad pabalik sa village ay nakakaramdam ako ng kakaibang presensiya, lalo pa nang mapadaan ako sa tahimik na daan. Walang sasakyang dumadaan at kung meron man ay isa lang o dalawa.

Sold to a Mafia BossWhere stories live. Discover now