ERINA'S POV
Naalipungatan ako ng marinig ko ang boses ni Sanika, ng maimulat ko ang mga mata ko ay mukha niya agad ang bumungad sakin. Nailibot ko ang aking paningin sa kabuoan ng silid, napansin kong nasa silid ako.
"Nakatulog ka kanina, kaya dinala ka nalang namin dito" aniya at naupo sa sofang naroon.
"Nasan ako?" Tanong ko.
"Sa opisina ko" napatingin ako sa pinto ng may magsalita, napatingin ako sa kaniya mula ulo hanggang paa pabalik. She's wearing a hospital gown na puti. Doctor.
"A-ahh.." napaamang lang ako dahil wala akong masabi, napaka taray ng itsura niya, sa paraan ng pagtitig niya sakin ay parang may ginawa ako mali kahit meron naman. Nandito sa hospital si Khairo dahil sakin.
"Tss, umayos ka Calandra. You're scaring her" walang ganang ani Sanika habang nangangalikot ng mga libro na nasa mesa sa harap niya. Umirap lang ang babae saka lumapit sakin.
"Are you okay now?" Halata sa mukha niya ang pagiging maarte, pero ramdam ko ang sinseridad sa boses niya.
"A-ah...o-oo" naiilang na sagot ko saka naupo sa gilid ng kama.
"Tss, alam ko namang maganda ako, kaya wag kang nahihiya jan." Aniya saka naupo sa isang sofa, maarte nitong pinag cross ang mga paa at braso saka nakataas ang isang kilay. Pinasadahan niya ako ng tingin saka niya nilagay sa likod ang iilang buhok na nasa harap niya.
"Hindi siya nahihiya, natatakot siya sayo, hindi ka maganda, mukha kang demonyang umahon sa apoy. Ang panget mo" dere-deretsang ani Sanika nang may ngisi sa mga labi, binuklat niya ang nahawakang libro saka pinagcross ang mga paa.
"Ha!" Naasar na singhal ni Calandra saka inayos ang soot na gown. "For your information, I am Calandra Chen-"
"Oh, whatever" putol ni Sanika sa sasabihin ni Calandra, gusto kong matawa pero baka ma offend siya sakin, hindi ko pa siya kilala at alam ko namang hindi niya rin ako kilala. Wala ako sa posisyon para tumawa.
"Tss," mataray na asik ni Calandra, napaka ganda niya, ngunit taglay niya ang pagiging maarte.
"Kamusta na si Khairo?" Singit ko at naitikom ko naman bigla ang bibig ko ng matalim na tumingin sakin si Calandra.
"After what you've done? You're asking about his situation right now?" Maarteng aniya at napa yuko nalang ako. Nakaramdam ako ng guily dahil sa sinabi niya.
"Tsk tsk," iiling iling na ani Sanika "Umayos ka Calandra, baka pag nalaman ni Khairo na tinatakot mo si Erina ay itakwil ka niya." Seryosong ani Sanika, pero halatang wala siyang intensiyong manakot.
"Ha! Whatever" maarteng aniya saka muling bumaling sakin. "Don't just sit there are ask me about him-"
"She's not asking you" natatawang singit ni Sanika.
"Whatever, again" nagkibit balikat lang si Sanika sa sinabi ni Calandra saka muling bumaling sa hawak na libro "Puntahan mo nalang kaya siya ng malaman mo ang kalagayan niya? Total ikaw naman ang dahilan kung bakit siya nandoon" deretsang aniya kaya napa yuko ako sa pagkapahiya.
YOU ARE READING
Sold to a Mafia Boss
ActionA story of a woman who's being sold with her Aunt. Erina Swane