Chapter 1

532 20 8
                                    

15 Months Ago

DAEGAN's P.O.V.

Nakapamulsang naglalakad ako habang tinatahak ang masukal na daan sa kagubatan at sinusundan ang amoy ng preskong dugo. Dugo ng kalahi ko. Some of my men reported me that some of them got killed by a woman so I immediately went here to check what's really goin' on.

Habang papalapit ako ay mas lalo kong naamoy ang amoy ng mga dugo minsan ay may amoy na rin ng dugo ng tao. Whoever was this mysterious woman, she better have to explain why the hell she's killing my men when I know they don't hurt anyone even humans. We prefer to associate with hospitals for the blood we needed than killing innocent people like what other clan do.

Natigil ako sa paghakbang nang malanghap ang pamilyar na amoy na iyon. It can't be. Biglang binalot ng samut-saring emosyon ang puso ko nang muli kong malanghap ang pamilyar na pabangong iyon.

Imbis na maglakad pa ay mabilis na nagtago ako patungo sa mataas na parte ng puno at itinago lahat ng prisensya ko saka sinilip ang pinagmumulan ng dugo.

Parang tumigil ang mundo ko nang makita siya. Kinurot ko ang sarili baka nananaginip lang ako saka siya sinilip ngunit totoo ang nakikita ko. God... I thought she's dead.

Bigla ay binalot ng matinding kasiyahan ang puso ko at akmang lalapitang na sana siya nang may durugin siyang ulo ng taong nakagapos gamit ang lubid. Hindi pa siya nakuntento at parang hibang na paulit-ulit niya itong sinaksak.

She's smiling devilishly that made me shiver in fear. Bigla ay bumalik sa isip ko ang panahon noong bago ko pa lang siya nakilala. Ganoon din siya ngumiti noon ngunit ang pinagkaiba nga lang parang may matinding galit na ang mga mata niya ngayon. 

Mapait akong napangiti nang makita siyang parang wala sa sariling winawakasan ang bawat buhay na nasa paligid niya.

Knowing her alive made me happy but the fact that she became cruel than before hurts me a lot. This woman feels stranger to me. Her eyes now held with no emotion but I can feel the hatred whenever she kills as if she's so pissed to everyone's existence.

"Please spare my life! I'm begging you!"

She laugh coldly made me shiver in fear. It's not that I am afraid of her. I can't just believe she'd changed... in a worst way.

"Give me a reason why I shall not kill you poor creature."

"I have family! I have two kids and they--"

Napapikit na lang ako nang marinig ko ang patilapon ng isang bagay patungo si direksiyon ko at nang tignan ko ang nasa ibaba kung saan tumama ang bagay na iyon ay lihim akong napabuntong hininga nang makitang isa iyong ulo ng tao.

Nang marinig ko ang malademonyo niyang halakhak ay parang kinurot ang puso ko dahil sa pagkadismaya. Para bang bawat dugong makikita niya ay nagbibigay iyon ng buhay sa kaniya at bawat takot na makikita niya sa mga biktima niya ay nagbibigay lang iyon ng dahilan para magpatuloy siyang pumatay.

Rinig ko ang hagulhol ng mga buhay pang biktima niya at mga pakiusap nito ngunit walang awa niyang pinatay ang natitira pa.

"A paradise."

Tumayo ako at pinanood siya. She's licking her hand that was now covered with blood while smelling the smell of the fresh blood around her. Napaka brutal ng pagpatay niya sa lahat. Kung hindi pinutulan ng kamay o paa ay pinutulan niya ng dila bago pinatay. Mayroon din durog ang ulo at labas pa ang mata.

Mabilis na nag-teleport siya paalis nang makontento na siya. Nang hindi ko na maramdaman ang presensya niya ay agad na gumawa ako ng malalim na hukay gamit ang kapangyarihan ko at inilibing lahat ng mga bangkay roon. Ang kakaiba sa clan namin ay kapag mamatay ang bawat isa hindi nagiging abo gaya ng iba bagkus parang tao lang na marahang naagnas ang katawan.

Her Cruel Return Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon