Maraming minuto rin siguro akong nakaupo lang kung saan ako nakaupo nang may maramdaman akong presensyang papalapit kaya mabilis na nag-teleport ako paalis at itinago ang sarili sa katawan ng malaking puno. Hindi ko alam kung sino ang may-ari ng presenya dahil alam kong walang nakakaalam ng lugar na ito maliban sa akin at kay Judy.
Sumilip ako para tignan ang may-ari ng presenya para lang matigilan nang makita siya. Napatitig ako sa kaniyang namulsa tapos ay tumingala na para bang ninanamnam ang preskong hangin.
Bigla ay nabuhay ang labis na pangungulila sa puso ko habang lumilipas ang mga sandaling nakatitig lang ako sa kaniya. Umangat ang kamay ko na para bang gusto ko siyang hawakan.
My wife... I missed her so much that I just want to run where she's standing right now and hug her. Hahakbang na sana ang mga paa ko palapit sa kaniya ngunit pinili kong tumalikod at nag-teleport na lang pauwi.
Hindi pa ito ang tamang panahon para magpakita sa kaniya. Isa pa ay naduduwag ako. Hindi. Nahihiya ako. Nahihiya ako sa sarili ko na dahil sa akin ay naghirap siya nang sobra. Gayun pa man, hindi ko pa rin maiwasang hindi ma-curious. Ano ang nangyari sa kaniya? Bakit pakiramdam ko ay ibang iba na siya?
Masaya akong malaman na buhay pa siya pero nalilito ako dahil alam kong patay na siya dapat ngayon. Palabas lang ba ang balitang pagbitay sa kaniya?
Pagdating ko sa silid ko dito sa palasyo ay agad na tinungo ko ang ref ko at kumuha ng isang garapon ng jelly. Tinungo ko ang study table ko kung saan nakatambak ang aaralin ko para sa paghahanda dahil ako ang nakatakdang magiging susunod na hari ng aming tribo.
Inilapag ko sa tabi ang garapon ng jelly saka kumuha ng makapal na libro kung saan nakasulat ang mga dapat kong gawin at nabuburyo iyong binasa. Binuksan ko ang garapon at kumuha ng isang jelly at kinain nang hindi inaalis ang tingin sa binabasa.
Ibinaba ko rin ang hawak na libro nang pumasok siya sa isip ko. I wonder why she was there. Naihilig ko na lang ang noo sa lamesa. My wife. Even if I can see her I can't hug her. I don't know what is stopping me to show myself from her. Maybe because of the fact that she doesn't need anyone anymore?
Inabot ko ang picture frame kung nasaan siya. Since wala siyang litrato sa akin ay pinilit kong pag-aralan kung paano iguhit ang mukha niya kahit napakahina ko sa art. Ayaw ko siyang makalimutan kahit anong mangyari kaya ko iginuhit ang mukha niya na kahit hindi man perpekto ang pagkakagawa ay alam ko sa sarili kong ganito pa rin ang itsura niya.
Napalingon ako sa pinto nang makarinig ako ng magkakaksunod na katok. Mabilis na itinabi ko ang litrato at inayos ang sarili. "Sino iyan!"
"It's Billie. The king is asking for your presence."
Nagbuntong hininga ako't tumayo saka naglakad patungo sa pinto at walang ganang binuksan. Agad na yumuko si Billie nang makita ako na ikinabuntong hininga ko.
"I've told you already that you don't have to do that."
Umayos siya ng tayo at hinagod ang batok niya. "It's my way of respecting you your majesty."
Nagbuntong hininga lang ako at nilampasan siya saka naglakad patungo sa silid kung saan madalas naroon ang aking ama at ang aking ina. Ang kanilang trono.
Pagdating ko sa kuwartong sadya ko ay bahagya akong kumatok. Ayon sa patakaran ay hindi ka pwedeng pumasok rito nang hindi kumakatok. Ang dami nilang trip.
"It's Deagan!"
"Come in!" Agad na tugon ng aking ama.
Marahang binuksan ko ang pinto at nang makapasok ay bahagyang nag-bow ang dalawang maid na nakasalubong ko at hinayaan pa muna akong lampasan sila bago sila lumabas.
BINABASA MO ANG
Her Cruel Return
Spiritual⚠️18+ The Ruthless Vampire Heiress (book two) Everybody believed she had died years ago but nobody knows she manage to escape from her deadly torture and now she's back, she promised to herself to make them suffer and taste her cruel return.