"You're still awake."
Nabaling ang tingin ko sa nilalang na hindi ko man lang namalayang nasa tabi ko na pala kung hindi pa nagsalita.
Kinuha ko ang inoffer niyang wineglass na may lamang dugo at sumimsim nang kaunti. "You're also still awake George."
Nailing siya. "Alam mo bang dalawampung minuto na akong nakatayo sa tabi mo? Paano kung kalaban ako? Baka kanina pa kita napatay." Mahina siyang tumawa at sumimsim nang kaunti sa dugo na nasa basong hawak niya.
She loves mixing blood and wine and I always loved the taste of it. Sa kanya ko lang nalaman na mayroon palang ganon.
"Kapag inatake mo ako malalaman ko rin. Maaaring hindi kita mapansin pero alam ko kung kailan may aatake sa akin."
Itinukod niya ang kaliwang siko sa railings ng balcony at nangalumbabang tinitigan ako. "Until now I'm still curious what's going on in that head of yours. What are you thinking?"
Sumimsim ako ng dugo sa baso ko at tiningala ang bilog na bilog na buwan. "It's nothing. Musta pala kayo ng boyfriend mo?"
Kinikilig siyang mahinang tumili. "He texted me lately that he wants to come here 'cause he missed me already."
Hindi ko maiwasang magtaka. "Then what did you say?"
Sumimangot siya. "Saka na." Tapos ay bumagsak ang mga balikat niya. "Paano ko naman kasi siya uunahin kung nakikita kong ganyan ka."
Nangunot ang noo ko dahil sa kaniyang tinuran. "What do you mean?"
Umirap siya't inubos ang laman ng baso niya tapos ay bigla na lang naglaho. Akala ko ay umalis na ngunit sandali lamang ay bumalik ulit siya at may laman na ulit ang baso niya. Tsk, akala ko ay kung ano na ang ginawa niya.
Sumandal siya patalikod sa railings ng balcony tapos ay uminom sa baso niya saka siya tumingin sa akin na puno ng kaseryosohan ang mukha. "Kahit wala kang emosyon madalas, kahit malamig ang pakikitungo mo sa karamihan, kahit gaano ka pa maging brutal sa harap ng iba, kailanman hindi ko nakitang ngumiti ang mga mata mo. Ang nakikita ko lang dyan ay pagkamuhi at walang hangganang kalungkutan. Judy, learn to let go. Past is past. Kung hahayaan mong magpalamon sa nakaraan ay hindi ka sasaya."
Napatsk na lang ako sa narinig. "George, saying let go is like drinking water. It's easy as f*ck but doing it is like walking in a lane filled with prickles. It's painfully hard. Specially when that past ruined not just yourself but even your entire life."
"Judy--"
"I have to go." Sabi ko sabay lapag ng baso sa coffee table at mabilis na aalis na sana ngunit may pahabol pa siya.
"Aalis ka na naman? Hindi ba pwedeng magpahinga ka naman kahit minsan lang? Hindi ka ba nakakaramdam ng pagod? Hindi masamang sumuko minsan kapag alam mong hindi mo na kaya."
Nilingon ko siya. Walang emosyon ang mukha ko at malamig ang paraan ng pagtingin ko sa kanya kaya kita ko ang bahagyang pagkailang na nararamdaman niya. Walang buhay akong ngumisi. "George, wala na akong pakiramdam. Ito," Turo ko sa puso ko. "manhid na sa lahat ng sakit na pilit nilang isiniksik kahit alam nilang hindi na kasya."
"Judy, revenge is not always an answer in every problem or pain in this world."
"Then what should I do George! What!" Natigilan siya dahil sa biglaang pagtaas ng boses ko. "Let them be happy while they ruined my happiness?! Forgive them when they took everything from me?! Do you think forgiving someone is easy? No! Never! Specially when that bullshit ruined all the happiness you once had!"
Bago pa ako makasabi ng mas masasakit pang salita ay agad na nag-teleport ako paalis. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mahika ko basta namalayan ko na lang na nasa lugar na pala ako ng gyera. Napabuntong hininga ako at parang wala lang na iniiwasan ang mga bala at bomba ng mga taong naglalaban.
BINABASA MO ANG
Her Cruel Return
Spiritual⚠️18+ The Ruthless Vampire Heiress (book two) Everybody believed she had died years ago but nobody knows she manage to escape from her deadly torture and now she's back, she promised to herself to make them suffer and taste her cruel return.