Nakahalukipkip na nakatayo ako sa pinakatuktok ng isang flag pole habang tinatanaw ang papasikat na araw hindi alintana ang mga matang nakatingala sa akin sa ibaba. Kung gaano kaganda ang tanawin ganoon naman kapait ang buhay na mayroon ako."Iyan ba ang mahabang damit na madalas na sootin ng reyna?" Rinig kong tanong ng babaeng nasa ibaba sa katabi nito.
"Oo ngunit bakit nakasabit ito sa flag pole?"
"Hindi ba siya ang bagong dayo na nakita natin kagabi?"
"Bakit kaya siya nasa itaas ng flag pole?"
"Ano kaya ang nais niya at naparito siya gayong mukhang galing siya sa marangyang pamilya?"
"Anuman ang kailangan niya at narito siya wala na dapat tayong pakialam. Bakit hindi natin siya atakihin at gawing agahan gayong mukhang malusog ito at naglalaman ng maraming dugo ang ugat niya."
Agad na sinang ayunan ng iba ang sinabing iyon ng lalaki at naghanda ang mga itong atakihin ako.
Gumawa ako ng isang dagger sa kamay ko at malakas na binato sa ulo sa pagitan ng mata ang lalaking lumipad patungo sa akin. Gumawa pa uli ako ng talo pang tmdagger at binato sa noo ang dalawang babaeng mabilis na lumipat patungo sa akin na may dalang matulis na kawayan.
Napasinghap ang mga aatake pa lang sana sa akin nang mabilis na gumawa ako ng maraming dagger at ibinagsak iyon lahat sa harap nila na ikinasingap nila kasabay ng pag atras nila.
"Ang mahabang damit ng reyna na nalagay sa flag pole ay tanda ng pagkatalo ng inyong reyna at dahil wala na ito ay simula sa araw na ito ay dapat kilalanin nyo ako bilang bagong reyna ng lugar na ito at sinuman ang susuway sa akin ay sasapitin ang sinapit ng inyong reyna."
Pagkasabi ko niyon ay agad na nag-teleport ako patungo sa lumang palasyo. Kaya kong ayusin ang lugar na ito at palakasin ang mahihinang bampira na narito.
Kung nais kong matalo ang hari at reyna ng dalawang emperyo ay kailangan ko ng maraming kawal at kapangyarihan.
Tinungo ko ang nakitang master's bed room dala ang mga damit ko at nagpalit. Nang matapos ay kinuha ko ang USB sa bulsa ng maleta ko at nakakalokong ngumisi. Ngayong gabi gaganapin ang anibersaryo ng Quinoa Empire at nasisiyahan akong puntahan ang lugar na iyon invited man ako o hindi
Safarah's P.O.V.
Nagbuntong hininga ako habang pinapanood ang sarili sa salamin habang inaayusan ng mga servant ko. I don't want to attend this party at all. I'm also tired of this life I have. It's exhausting and ha... If I could just runaway. But it's not easy. Para bang hawak ako sa leeg at hirap na hirap na akong huminga. Bumaba ang tingin ko sa tiyan ko. I'm 7 months pregnant and the only thing that keeps me sane is this unborn child in my stomach.
Kahit labag sa loob ko ang pagbubuntis at pinilit lang ako ay minahal ko pa rin ang sanggol na dinadala ko.
"His Majesty said that you have to wear this evening gown your highness." Anang servant ko habang nakayukong inilahad sa akin ang mamahaling evening gown sa harap ko.
Maganda ang evening gown. Isa itong mahabang puting gown at may disenyong puting dyamante at kulay green na kristall na inukit na parang dahon mula dibdib pababa sa palda nito.
Hindi na ako kumibo at hinayaan silang isuot sa akin ang evening gown. Inilahad din sa akin ng mga servant ko ang isang puting maskara na napapalibutan ng balahibo ang bawt parte at may makikinang na dyamante sa paligid ng mata nito.
Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya agad iyong binuksan ng isa sa mga servant ko at pumasok si Leo.
"Ang mahal na hari ay inaanunsyo ang kanyang pagdating mahal na reyna." Pagkasabi niyon ay tumabi siya at pumasok si Kieran.
BINABASA MO ANG
Her Cruel Return
Spiritual⚠️18+ The Ruthless Vampire Heiress (book two) Everybody believed she had died years ago but nobody knows she manage to escape from her deadly torture and now she's back, she promised to herself to make them suffer and taste her cruel return.