Daegan's P.O.V.
"Your highness, are we still not leaving?" Tanong ni ng servant ko.
Nasa ikalawang palapag kami ng bar at tanaw na tanaw mula rito ang dance floor at ang lugar kung nasaan siya nakaupo kasama ang lalaking kulay abo ang buhok na ngayon ko lamang yata nakita. Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay gusto kong pumunta kung nasaan sila at wakasan ang buhay ng lalaking ito. Naiinis ako nang sobra sa hindi maipaliwanag na dahilan.
"Do you know him?" Sa halip ay tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa lalaking kulay abo ang buhok.
"I have no idea your highness."
"Then leave now. I'll go home myself later."
Kita ko sa sulok ng mata ko ang bahagyang pagbow ng dalawa kong kasama tapos ay parang usok na agad naglaho.
"I'm letting you wondering around my queen to give you a freedom to do whatever the hell you want to do, but I didn't say I would let you hung out with another man."
Nang makita ko siyang lumabas mag-isa ay agad na sinundan ko siya. Pumuwesto siya sa pinaka sulok na parte ng hardin ng bar at malakas na napakawala ng hangin.
Marahan akong naglakad palapit sa kaniya tapos ay nag-teleport sa likuran niya at mahigpit siyang niyakap na ikinatigil niya. Pakiramdam ko lahat ng sama ng loob na dinadala ko ay nawala nang nasa mga bisig ko na ulit siya.
"D-Deagan?"
Hindi ko maiwasang mapangiti. Sa tagal namin nagkahiwalay ay kilalang kilala pa rin niya ako.
"Or should I say Wyvern?"
Ipinatong ko ang baba sa balikat niya. "Ikaw, kung ano ang gusto mong itawag sa akin. Pwede ako kahit alin sa dalawa."
Ramdam ko ang panginginig ng kamay niyang nakahawak sa mga braso kong nakayakap sa kanya.
"Can I see you?"
Hinalik-halikan ko ang leeg niya. God, I missed her so much. "You will see me in a right time."
"Pero ikaw si Daegan?"
I smiled. "I told you, you can call me in any name I'll be fine with it." Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya. "Who's that ash blonde haired guy?"
"He's a friend."
Dahil sa narinig ay nakahinga ako nang maluwang. If she says a friend, then that means he's a friend.
"Can't I really see your whole face?"
Hinawakan ko ang kamay niya't pinagsalikop ang mga daliri namin. "I told you, you'll see me in a right time."
"And when will that be?" Bakas ang panginginig sa boses na tanong niya.
"Kapag kaya na kitang ipaglaban sa lahat. I love you, my queen."
Gustuhin ko mang mag-stay pa sa tabi niya ay hindi maaari. Kailangan kong umalis.
"Sa susunod na magkrus ang landas natin, hindi na kita pakakawalan pa."
Iyon lang at agad na nag-teleport ako paalis. I'm still too weak to fight for you. At kung dumating man ang araw na kasama na kitang muli ay sisiguraduhin kong may sapat na akong lakas para ipaglaban ka sa lahat. Mapa noble vampire man o maging ang mismong hari ng Quinoa Clan. Ayaw kong maulit ang nakaraan na wala akong nagawa. I'll never let that happen again.
Judy Ann's P.O.V.
Wala sa sariling hinahalughog ko ang bawat sulok ng bahay kung saan nakatira sina Daegan noon kahit halata naman na sa rami ng sapot ng gagamba ng bahay, sa rami ng alikabok nito at sa dilim ng bahay ay walang nakatira ngunit ayaw kong tumigil maghanap. Where are they? Saan sila lumipat matapos ang lahat!
BINABASA MO ANG
Her Cruel Return
Spiritual⚠️18+ The Ruthless Vampire Heiress (book two) Everybody believed she had died years ago but nobody knows she manage to escape from her deadly torture and now she's back, she promised to herself to make them suffer and taste her cruel return.