Chapter 7

236 8 16
                                    

Safarah's P.O.V.

"Buhay nga siya Kieran bakit ba ayaw mong maniwala!" Sigaw ko sa asawa ko na may kasama nang galit. Mula nang makauwi ako sa palasyo ay hindi na nawala sa isip ko ang babaeng iyon. Ang mukhang iyon na nagsilbi nang bangungot sa buhay ko.

"Safarah! Matagal na siyang patay at ikaw mismo, nakita mo iyon sa dalawang mga mata mo kung paano siya bawian ng buhay hindi mo ba matandaan!" Sigaw ni Kieran sa akin habang niyuyugyog ako na animoy pinaparating sa akin na naprapraning lang ako.

Pero hindi ako napapraning. Totoo ang nakita ko at hindi iyon imahinasyon. Nakita ko sa mismong harap ko ang babaeng iyon hindi ko lang maintindihan kung bakit napapikit lang ako sandali ay wala na akong nakitang ni bakas o amoy niya. But I am pretty sure, she was there.

"Kieran believe me, buhay pa siya--"

"Safarah, calm down. Paano kung imagination mo lang ang lahat? Na sa kakaisip mo sa kanya eh nakikita mo na siya kahit hindi naman dapat?"

Hindi ako nakaimik. Walang araw na hindi ko siya inisip, walang araw na hindi ako nakaramdam ng guilt. I was guilty for what we had done to her. 

"But how can you explain the death of our men?" Seryoso na ako sa mga sandaling ito. Hindi ko alam kung bakit sa talas ng pakiramdam ko ay hindi ko man lang napansin na naubos na ang mga tauhang dapat ay nagbabantay sa akin mula sa malayo. At sa rami nila hindi ko alam kung bakit wala man lang nakapagsabi sa akin na may masama nang nangyayari.

Sandali siyang natahimik ngunit sa huli ay nagbuntong hininga siya't naihilamos ang mga palad sa mukha. "Baka may gusto lang sirain ang buhay natin at ang imperyo. Simula bukas ay magha-hire ako ng mas malakas na mga bantay mo at huwag ka muna aalis sa imperyo para na rin sa kaligtasan mo hindi pa natin alam kung anuman ang pakay ng nasa likod ng lahat ng ito alam kong sasabihin mo lang na kaya mong protektahan ang sarili mo ngunit iba na ang sitwasyon mo ngayon dinadala mo na ang aking tagapagmana kaya ingatan mo ang sarili mo maliwanag?"

Tumungo na lang ako. Wala naman akong karapatan na suwayin siya. Kailan ba ako nagkaroon ng karapatan para mag-decide para sa sarili ko? Minsan gusto kong maging selfish na lang at mawala sa mundo ngunit simula nang mabuntis ako ay nagkaroon ako ng pag-asang magpatuloy ulit kahit na hirap na hirap na ako sa buhay na mayroon ako.

"Mawawala ako nang ilang linggo at ayaw ko makarinig ng kahit anong mali at hindi kaaya-ayang gagawin mo naiintindihan mo ako?" Sinabi niya iyon sa walang emosyon na paraan na para bang ang maging kabiyak ako ay isang pasanin para sa kanya.

Sa tagal namin nagsama hindi ko kailanman naramdaman ang pagmamahal ng isang asawa galing sa kanya. Hindi ko rin ninais na magdalang tao lalo na kung ang ama ay katulad niyang walang puso.

Magsasalita pa lang sana ako nang talikuran niya ako. Ni tapunan ako ng tingin ay hindi niya ginawa. Basta na lang siya umalis nang walang paalam.

What am I expecting? Pinakasalan niya lang ako dahil sa mga makukuha niya mula sa akin. Wala akong kakayanan na labanan siya dahil kung gaano ako kalakas, higit na mas malakas naman siya sa akin.

'You are just too coward to fight for your rights.'

Mapait akong napangiti. Kailan ba ako naging matapang para ipaglaban ang dapat? I'm weak. I don't trust myself. Wala akong tiwala sa mga kaya kong gawin.

"Your highness, the king's father want you to join him in his art room."

Napalingon ako sa maid at ngumiti. "Thank you, you can leave now."

Nagbow lang ito at umalis na. Ako naman ay agad na nag-teleport papunta sa art room ng aking father-in-law dito rin sa palasyo.

"Your highness." Bati ko nang makarating at bahagyang tumungo.

Her Cruel Return Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon