Chapter 9

85 2 0
                                    

"You look wasted." Pansin ni Louie sa akin pagpasok ko sa palasyo. Nasa dulo siya ng hagdanan nakaupo at seryosong nakatitig sa akin.

"Patawad sa lahat ng nagawa ko patawad din kung masyado na akong nakakaabala sa 'yo. Tatanawin kong utang naloob ang pagligtas mo sa akin mula sa kamatayan."

"Diretsuhin mo na lang ako." Seryosong sabi niya.

"Hindi man kita mabababayaran sa lahat ng mga nagawa mo para sa akin pero pag kailangan mo ng tulong ko, magsabi ka lang kahit ano pa iyan tutulungan kita--"

"I want to hear what you really want to say." Singit niya.

Nagbuntong hininga ako. "Simula sa araw na ito ay bubukod na ako. Ayaw kong makadagdag pa sa mga problema mo."

Bigla siyang napatayo. "Alam mo naman na kahit kailan ay hindi ka naging istorbo sa akin. Kailanman ay hindi kita itinuring na iba. Pwede mo gawin lahat ng gusto mong gawin sa palasyong ito dahil hindi ka na naiiba sa amin."

"Hindi mo naiintindihan." Sabi ko na nagpipigil ng luha.

Bigla siyang nag-teleport sa harap ko at hahawakan na sana ang pisngi ko ngunit umatras ako. "Ano ba ang nangyayari sa iyo at nagkakaganito ka?"

"Louie kasi..." Tumingala ako para pigilan ang nagbabadya kong luha. Ayaw ko na maging mahina sa harap ng kahit na sino. Ayaw ko nang maging pasanin. "Pinatay nila ang pamilya ko maging ang nag-iisang kaibigan ko at baka pag nalaman nilang iniligtas mo ako sa dapat ay kamatayang parusa ko ay masisisra ang maayos at tahimik mong palasyo."

Bumakas ang lungkot sa buo niyang mukha. "You're a family to us now Judy, anuman ang mangyari ay nakahanda naman ako."

"Hindi mo naiintindihan! Isang bampira lang ako! Alam mo bang maaaring madamay ang nag-iisang pamilya mo na si Georgia! Hindi lang iyon, paano na ang nasasakupan mo? Hari ka Louie hindi kung sino lang..." Natahimik siya. "kapag makasurvive ako sa ano mang kakaharapin ko ay babalik pa rin ako rito para makita kayong dalawang muli. Maraming salamat sa lahat ng kabutihang naitulong mo. At pakiusap, kung sakali mang magkrus ang landas natin ay magpanggap ka na lang na hindi mo ako kilala. Sana maintindihan mo ako patawad."

Agad na nag-teleport ako patungo sa silid na inaakupa ko. Inimpake lahat ng mga gamit ko at nang matapos ay agad din akong nag-teleport sa lugar na hindi niya iisiping pupuntahan ko. Ayaw ko nang may madamay pa. Ayaw ko nang may masaktan pa uli. Importante na sa akin ang magkapagid na iyon. Ayaw ko silang matulad sa pamilya ko. Hindi ko na kayang mawalan pa sa ikalawang pagkakataon. Baka maloka na ako.

Isang malamig na hangin ang sumalubong sa akin pag-apak ng mga paa ko sa abandonadong lugar malayo sa tatlong kilalang imperyo. May mga bampira rito ngunit hindi sila makontrol ng kanilang pinuno. Papatayin nila kung sino ang gugustuhin nilang patayin maibsan lang ang pagkauhaw nila sa dugo. They are killing their own kind to live. Kaya walang sinuman sa kahit aling imperyo ang nagbalak na umapak sa lugar na ito dahil sa mga baliw na bampirang nakatira rito kaya tinawag nila ang lugar na ito bilang the Haunted Island.

Dati itong kilalang imperyo ngunit simula nang bumagsak ang kanilang ekonomiya at mamatay ang kanilang hari ay nawala na sila sa katinuan. Nakaranas sila ng matinding krisis at tinanggihan silang tanggapin ng bawat imperyo.

Hindi ko alam kung ano ang nagdala sa akin dito ngunit alam kong maaari akong makakuha ng kakampi sa lugar na ito. At kung hindi sila madadaan sa maayos na usapan ay dadaanin ko sila sa dahas.

Nagbuntong hininga ako at dala ang maleta ko ay naglakad ako papasok sa gubat.

Hindi na ako nagtaka nang unang apak ko pa lang sa madilim at makipot na daan ay nakaramdam ako ng napakaraming presensya na animoy nagbabanta ng panganib.

Her Cruel Return Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon