Chapter 3: Tatlonghari Connection

11.2K 413 66
                                    

Chapter 3

Tatlonghari Connection


"Naligo ka ba?" salubong sa akin ni Yap nang makasakay ako sa kotse niya. Minamata pa ako nito na parang nandidiri sa hitsura ko na pawisan at nakasuot pa rin ng workout clothes ko.

Inangasan ko ang tingin sa kanya. "Hindi. Maraming manyak sa showers dito e," sagot ko, nanghahamon na mang-asar pa.

Umismid ito bago napailing at nagsimulang paandarin ang kanyang kotse. "Iuuwi muna kita. Hindi pwedeng pumunta ka sa isang modelling agency na mukhang dugyot, Asher."

"Mali-late na ko."

Tinuro ko ang orasan sa dashboard ng kanyang kotse. 8:30 am na, 10 am ang meeting ko meeting ko sa Tatlonghari Modelling Agency.

Muli siyang umiling. "Iuuwi muna kita. Dun ka na maligo sa unit ko. Tingin mo ba may kukuha sa'yong modelling agency kung amoy maasim ka?"

Napasinghap ako sa sinabi niya. "Hindi ako amoy maasim!" sigaw ko bago itinaas ang aking mga braso at pabalik-balik na inamoy ang mga kili-kili ko.

Medyo may konting amoy pawis. Pero 'tang ina naman, hindi naman ako amoy putok!

Tumawa nang malakas si Yap. "Alam mo tawag diyan? Sensory adaptation," pang-aasar pa nito. "Nasanay ka na sa sarili mong amoy."

"Gago ka ah?!" sigaw ko sa kanya bago inamoy naman ang dryfit shirt na suot ko. Paano kasi kung totoo nga sinasabi ni Yap? Ayoko namang magmukhang gago sa harap ng mga makaka-meeting ko sa modelling agency na pupuntahan ko.

"Pero hindi nga? Maasim nga?"

"Gago, hindi," natatawa nitong sagot bago inabot ng kanang kamay niya ang buhok ko para guluhin. "Ayoko lang mapulaan ka, ibang industriya 'tong papasukan mo. I just want you to be prepared and put your best foot forward."

"I can always back out, you know?" I'm good with rejections, lalo na kung justified. At sa kaso ngayon, meron pa rin akong doubts sa path na pinagtutulakan nila sa akin. "Hindi pa naman ako totally sold dito sa clout na meron ako ngayon. Pwedeng-pwede nila akong bitawan anytime."

"Kaya nga gagalingan mo na sa umpisa pa lang. Hindi lahat nagkakaroon nang ganitong opportunity, Ash. Kung alam mo lang kung ilang beses napaiyak si Stella sa mga casting calls at go-sees na pinupuntahan niya... It's a cutthroat industry."

Sheesh. Naipasok na naman sa usapan si Stella. I looked away from him and rolled my eyes at the window. Pero akalain mo may puso pala 'yung girlfriend niyang maldita? May nakakapagpaiyak pala dun?

Iniisip ko pa lang na malalaman ni Stella na hindi ako tinanggap sa Tatlonghari Modelling Agency dahil mukha akong basahan, mas nagkakaroon ng sense sa akin ang sinasabi ng best friend ko.

Well, may sense naman talaga ang mga sinabi niya.

Napabuntong-hininga ako. "Okay, fine! Panalo ka na."

Tinignan ko siyang muli at nakitang nakangisi ito habang ang mga mata ay nakatuon sa kalsada. "Bilisan mo maligo ah?"

"Mabilis naman talaga ako maligo. Huwag mo nga akong magaya sa girlfriend mo."

"May mga naiwan din na make-up si Stella sa unit ko. Gamitin mo na lang ang kailangan mo."

Seryoso ba 'tong gagong 'to?!

"Eww. Ayoko nga," singhal ko sa kanya. "Ang unsanitary mo naman."

Knowing his girlfriend, mas magagalit 'yun na pinakialaman ko ang mga gamit niya kesa kasama ko ngayon ang jowa niya. Naalala ko tuloy 'yung time na nagpang-abot kami sa condo unit ni Yap, nagalit si Stella kasi apparently suot ko 'yung indoor slippers daw niya!

When We HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon