Chapter 4
Model Best Friend
"Ow! Dahan-dahan naman!" singhal ko sa aesthetician na naglilinis ng mukha ko. Hindi naman ako na-inform na may blackheads extraction pa lang magaganap! Sabi nila kanina chill lang naman daw 'to, pero bakit parang mas masakit pa 'to nung nagpa-tattoo ako?
Anong klaseng pag-chi-chill 'to? E parang pinaparusahan ako nang mga tao rito. Matapos nilang ipa-wax ang legs, armpits, at private part ko down there, akala ko maaawa na sila sa akin at titigilan na nila ako. Pati eyebrow at pati facial hair ko, hindi pinatawad!
Kaya hindi na rin ako nagpigil kanina. Sinigaw ko talaga lahat ng sakit at pinagmumura 'yung aesthetician na nag-wax sakin. Nag-sorry naman ako after pero sabi nang first time ko!
Naalala ko ang pinakamalakas na pagsigaw ko kanina.
"Aray! Puta! Sandaleeeee!" Hindi ko talaga alam kung paano ko napigilan ang sarili ko na suntukin 'yung aesthetician na nag-administer ng Brazillian wax sa akin. Wala man lang kasi pasabi at binigla ako! Wala tuloy akong preparation sa huling strip ng wax na hinila niya.
Pucha, hindi man lang naawa sa akin. Diretso na sa pag-explain at bilin ng aftercare na kailangan kong gawin sa mga susunod na araw, hindi man lang ako binigyan ng chance na umiyak.
Sabi pa naman ni Sir Simon kanina, babalik pa raw ako bukas kasi may appointment na raw kami sa new dentist ko. Wala namang major na babaguhin, pero magpapa-bleach daw ako ng ngipin!
Oh no. Ayoko na talaga.
Nakakaloka. Ito na 'yung mundong kinababaliwan ni Stella? Nakaka-stress naman! Tiis-ganda talaga ang labanan. Hindi ako makakatagal dito. I'll just make the most out of it.
Kaya siguro sobrang bait nila sa akin kahapon at sobrang accomodating. Sobrang patient nila habang dina-direct ako paano mag-pose at mag-project habang kinukuha ang head shots ko para sa comcard ko raw na gagamitin for my future go-sees.
Ito-torture pala nila ako today. Sabi kasi nila kahapon sisimulan na naming i-build-up ang portfolio ko. Masyado silang tiwala na papayag ako mag-sign with them. Well, okay naman talaga sila.
Pero kung alam ko lang na uuwi pa akong hairless today, dapat hindi na ako bumalik!
***
"You've done amazing," malakas na bulong ni Sir Red sa make-up artist na nag-ayos sa akin.
"You, too, Abby. You did great," sabi naman ni Sir Simon sa nakuha nilang stylist para sa impromptu shoot na mangyayari. "Bumagay sa kanya ang styling mo kahit last minute."
Mukhang napaganda talaga nila ako nang husto dahil manghang-mangha ang future bosses ko sa aking hitsura ngayon. Pero sa nakikita ko sa salamin, parang wala naman masyadong binago si ate girl? Siguro na-enhance niya lang yung nakikita nila Sir Red at Sir Simon sa akin.
Well, alam ko namang maganda ako pero ang OA nila mag-react ha. Ayaw kalmahan, ako lang naman 'to.
"Kumusta ka naman, Asher?" tanong sa akin ni Sir Red matapos i-compliment bawat tao na nagpaganda sa akin.
Pumeke ako ng ngiti. "Okay lang naman po."
"Uy, ang galang," natatawa nitong puna sa akin. "Kitang-kita sa mukha mo na hindi ka na okay. Be honest, hija. Mas gusto namin 'yun dito. Our talents here in Tatlonghari Modelling Agency are advised to be truthful so we can help them if they have problems."
"Okay, fine." Madali naman akong kausap. Magsabi nang totoo? That's right up my fucking alley. "Tapos na ba ang torture? Hindi pa ba magsisimula 'yung shoot?"
BINABASA MO ANG
When We Happened
RomanceOngpauco Series #4 I knew it from the start. We were never really meant to be together... We just happened. *** Epilogues II, III, & IV are available on PATREON.