Chapter 8: The Model's Olympic Dreams

6.9K 239 21
                                    

Chapter 8

The Model's Olympic Dreams


We have been in Sir Red's house for 5 hours now. At this rate, I'm not sure if tonight is going to by the way Sir Simon, Sir Red, and the rest of the team were bouncing off on each other's ideas at the "fun" photoshoot they will subject me to.

We first talked about the House of Red, of course. And wow... ang galing-galing ng concepts ni Sir Red! Alam ko na rin kung bakit alangan siya na ilabas ito this year. The dresses are so beautiful but I bet they are also hard to make.

All 50 designs, which are both day and night garments, are still halfway done. Sobrang intricate ng designs and you could tell my boss is really into the teeniest, tiniest details. Tama nga ang mga sinabi ng mga kumag sa House of Andersen, what they make are wearable art pieces.

I don't know if I'm going to pull this off, lalo na't grabeng pressure pala ang haharapin ko dahil ako lang naman ang magbubukas ng show... at ang magsasara rin.

I don't want to disappoint my bosses anymore than I have today, so I'm just going to do my best and practice my walk until I drop.

We all turned to Sir Red when stood up. "We've already talked about the House of Red for hours, I think it's time naman to talk about our plans for Asher."

Nag-agree naman ang lahat dahil mukhang ready na rin ang karamihan na mag move-on sa ibang agenda today.

"Are you okay with a social media overhaul, Asher?" tanong sa akin ni Sir Simon.

Tumango ako. "Walang kaso sakin." Expected ko na rin naman na magkakaroon sila ng slight control sa content na ilalabas ko sa social media accounts ko, lalo na't dumarami ang pumapasok na brand campaigns ko.

"How about having social media manager? Para hindi mo na masyado pag-iisipan ang branding mo when you post on your accounts because someone can do it for you."

Grabe. Hindi naman ako ganun katamad para iasa pa sa iba ang pag-upload ng photos at pagpost. Tsaka baka basahin pa nun 'yung personal messages ko, mahirap na.

Umiling ako kay Sir Simon. "No, thanks. I still value my privacy. Kaya ko namang magpost on my own, sabihan niyo lang ako kung anong mga kailangan kong i-post."

"Alright, then." Humarap ito sa akin at ngumiti. "So, let's talk about your branding..."

Umabot pa ng halos dalawang oras ang pag-eexplain sa akin ni Sir Simon about my social media branding. Panay tango lang naman ako kahit hindi na naabsorb ng utak ko 'yung mga sinasabi niyang technical terms. I'm just going to wing it. Sila rin naman ang magsasabi kung ano mga kailangan ko i-post. Tsaka I'm never going to post anything scandalous on my pages.

Sumunod na topic naman in-open ng dalawang bosses namin ay tungkol na sa editorial photoshoot ko at ang pag-iisip ng mga concepts na magandang gawin para sa isang up and coming model na balak nilang gawing household name.

"Now, for your editorial shoots," umpisa ni Sir Red bago umupo sa tabi ko sa kanyang napakalaking gray sectional couch. "What the people from Andersen said to you irked me, that your lack of editorial photos gives the indication that you cannot do editorial. We're going to do something about that and we're going BIG."

Narinig ko ang pag-agree ng mga kasama namin. Ang napili nilang Creative Directors, ang Head Stylist at mga assistants nito. Pati na rin ng female photographer na tumanggap ng hamon nila sa mala-halimaw na project na ito. Lahat sila ay humabol lang sa meeting na ito at game na game na makipag-collaborate sa TMA.

"Ilang layouts po ang gagawin natin, sir?" tanong ng EA ni Sir Red, si Miss Lyn. Siya ang gumagawa ng minutes of the meeting.

"I want 10 layouts."

When We HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon