Chapter 5: Disaster Interview

7.1K 339 26
                                    

Chapter 5

Disaster Interview


"Ready ka na ba?" tanong sa akin ng handler ko.

Umiling ako. "For some reason, bakit parang mas nakakakaba pa ito kesa sa interviews after ng matches ko noon? I'm sweating like a pig!"

Bukod sa intense lighting set-up for the photoshoot ay pinagpapawisan talaga ako nang sobra! Para bang nanggaling ako sa work-out sa pagiging overworked ng sweatglands ko. Sobrang dyahe!

Hindi ko talaga maintindihan bakit sobrang kinakabahan ako ngayon, kumpara dati na super chill lang naman ako sa lahat ng post-game interviews ko. Damn, this modeling shit is fucking intense.

Tinuro niya ang upuang inuukupa ko kanina na nasa tapat ng airconditioning unit. "Tumapat ka kasi sa aircon para hindi ka pagpawisan. Meron ka pa namang 30 minutes to prepare or calm yourself," sabi pa nito bago ako marahang hinawakan sa braso at pinabalik sa pupuan ko. Sumunod na lang ako dahil ayoko namang magmukhang dugyot sa interview ko.

"May kailangan ka pa ba?" muling tanong ni Marian sa akin.

Honestly, I got everything I need here... except one.

Actually, the reason why I was stressed out was my missing-in-action best friend. Kanina ko pa siya sinusubukang ma-reach! Tinawagan ko na ang phone niya, pinaulanan ng text messages ang inbox at social media accounts niya pero I still haven't gotten any response from him.

Hindi ko talaga ma-contact si Yap! Bukod sa nag-aalala ako kung ano bang nangyari sa gagong 'yun, nagtataka rin ako kung nagsuot 'yung peste kong best friend kung kailan kailangan ko siya.

Siya lang ang alam kong makakapagpakalma sa akin ngayong sobrang kabado ako at na-dyadyahe. Every time na sobra ang kabang nararamdaman ko before a tennis match, he's just one call away to calm me down and give a pep talk.

Pero bakit ngayon hindi ko siya ma-reach? What the fuck is wrong with him?

"Wala naman, Marian. Thank you," sagot ko. "Pero 'yung interview, hindi naman ito magiging super invasive no? Hindi naman sila magtatanong about sa family ko?"

Ngumiti siya sa akin nang marahan. I swear, she has this calming motherly aura kahit magkalapit lang naman ang edad naming dalawa.

"Don't worry, Asher. Lahat ng ayaw mong pag-usapang topics ay nasabi na namin sa kanila. Babantayan din namin 'yung interview, just in case na mag veer away sila sa forbidden topics."

I released the sigh I was holding. "Thank you," I sincerely said to her.

Kinindatan niya ako. "No worries. Just tell me whatever you need, I'm here."

I need Yap.

Hindi naman siguro masamang manghingi ng tulong sa handler ko para mahanap ang best friend ko, diba? I really need him to calm me down. I don't want to turn my first interview into a shitshow and he's the only person who could help me with this shit.

Kinapalan ko na ang mukha ko at lumapit kay Marian para ibulong sa kanya ang request ko. "Can you help me locate my best friend? Nag-aalala na ako kasi hindi siya sumasagot sa mga tawag ko. Usually, nagpaparamdam 'yun every time meron akong kailangang gawin."

Walang anu-ano ay tumango siya at naglabas ng kanyang smartphone. "Okay. Should I use your phone or kunin ko number niya sa'yo?"

I dictated to her Yap's number and proceeded to text him when Marian dialed his number.

To: Yappie

Where the fuck are u?

Bat di ka macontact?

When We HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon