Jann'sPOV....Pagtapos nung nangyari sakin nung isang araw at yung mga napapansin ko sa kambal na kaibigan ko pati narin yung mga pagbabagong nagaganap ng unti unti sa loob ng classroom namin o baka pati narin sa mga buhay namin mismo kahit na nangako ako sa sarili ko na hahanap ako ng paraan para malaman yung mga nangyayari sa amin ngayon may konting takot akong nararamdaman dahil di na biro ang nagaganap
Ngayon ko naiisip kung tama nga ba yung desisyon ko na gawin to? O eto pa yung magiging dahilan ng pagkapahamak ko? Mula ng malaman ko na anak pala ako ng Dad ko sa ibang babae ay parang sira na ang buhay ko! Dahil ako na mismo ang nakonsensya para kay Mom na tumayong ina ko kahit pala hindi nya ako tunay na anak, asan ang ina ko? At bakit nagawa ni Dad ang pagtaksilan si mom na sobrang mapagmahal at mabait? I just cant understand why?Hindi ako kumibo naging malayo ang loob ko kay Dad, si Mom ang naging kadamay ko ang dating mabuting pag sasama namin ni Dad ay naglaho ng parang bula mabuti at andyan si Mom....
Pero ang masama dun biglang nagkasakit si Mom nawalan sya ng lakas tumayo at magsalita tanging haplos sa aking pisngi ang nagpapadama ng pagmamahal nya sakin kahit nga hindi nya ko tunay na anak MAHAL NA MAHAL ko ang Mom ko at alam kong mas mahal na mahal nya ko dahil ramdam ko yun... Mahal ko rin naman si Dad di ko lang talaga matanggap na nagawa nya yung sabi ng iba na nakakaalam sa maduming sikreto ng aking pagkatao eh natural lang daw para sa isang tulad ni Dad na nasa larangan ng pulitika BULLSHIT! pano nila nasasabi yun?! Anong akala nila sa dandamin ni Mom? At sa damdamin ko? Pagkatapos ng ilang bwan binawi na si Mom mula sakin iniwan nya nako, bakit? Bakit nya ko iniwan sya lang ang kadamay ko sya lang ang nag mamahal sakin pero iniwan nya ko. Pero siguro nga okay nang namahinga na si Mom dahil sa dami ng sama nh loob, pasakit at pagkabigo na nakamit nya ay malamang pagod na sya...
Napayuko nalang ako at naibulong ang "Mom tama po ba ang ginagawa ko? Natatakot na ko sa totoo lang pero di ko maiwasan na makielam nakasalalay ang mga kaibigan ko dito at maaaring pati ang buhay ko.....Mom tulungan nyo po ako alam ko pong naririnig nyo ko mom please naguguluhan na po ako.." bigla nalang pumatak ang luha sa mga mata ko sobrang miss ko na ang Mom ko sana di nalang sya kinuha sakin sya lang ang meron ako eh, sya lang ang nakakausap ko sa mga bagay na nakakapag pagulo ng isip ko... Sana nga tama tong ginagawa ko sana nga ayokong magkamali at ayokong magdalawang isip sa mga bagay bagay na gagawin ko sa buhay ko minsan lang ako pwedeng mabuhay at gawing mabuti ang pamumuhay ko kaya kailangang this time ay tama ako...

BINABASA MO ANG
Secrets
Mystery / ThrillerIt is something about secrets that secrets might be very very dangerous that can kill someone