Jann's POV
Another day has passed. Di ko parin makalimutan yung nakita namin sa litrato ni John mukha syang dumaan sa maraming sakit. Ano na naman kaya mangyayari neto? Meron na naman ba silang plano? Sila ba ang may gawa nito? Ano ba talaga ang gusto nila? Bakit ba nila ginagawa ito? May motibo silang di ko gustong malaman. Naiinis ako bakit ba nangyayari ito? Pati ako nadadamay? Wala naman akong kinalaman dito ah! Di ko na nga lang iisipin yung mga nangyayari. Umubob ako sa desk ko at pinakinggan lang ang mga kaklase ko "Wala na ba talaga si John?" -Josephine "Oo? Sabi nila eh, pero di pa naman sigurado." -Chescka. Ano bang mga pinag-iisip netong mga to? Mga sira ulong mga bata to?! May natatanaw akong parang lubid sa loob ng cabinet sa likod ko, yun yung lagayan namin ng walis, dust pan, timba at bunot. Mejo may mabahong amoy na lumalabas doon, pero pano nagkaroon ng ganung tali sa loob nun? Eh parang plastic na tali? Kaya nilapitan ko yun, nakaka-curious eh. So ayun kinuha ko yung susi sa sabitan neto, binuksan ko yung pinto naamoy ko ang napaka bahong amoy nito. Bumugsak sakin at natapon ang laman nun sakin "AHHHH!" napasigaw ako sa sobrang pagkagulat. Nakita kong puno ako ng dugo at nakita kong may bahagi ng katawan ng tao. Fuck it! What's this? Nanlaki yung mata ko. Si John! Si John ang laman! Sa sobrang takot at gulat kaya nagdilim ang paningin ko. Pag mulat ng mata ko ang puti ng paligid ko, nasaan ako? Tumayo ako at nakita kong nasa clinic ako ng school. Pumasok yung nurse at nginitian nya ko "Okay ka na?" Ngumiti naman rin ako. "Okay na po." "Buti at kumalma ka na kanina kasi sigaw ka ng sigaw at halos magwala ka na." Ngumiti sya. "Ugh" napakamot ako sa ulo ko. "Jann..." "Po?" Nagtaka ako sa tono ni Nurse Min kasi parang iba eh, parang may kinakatakukan sya. "Jann sana wag na wag kang sasali sa mga nangyayari sa section mo, stay away from the issues. It's for your sake, sabi ni Mr. Wilzard it's a secret of our school so please don't tell to anyone what you saw earlier. It's for our safety so please just obey what's Mr. Wilzard want us to do." Sabi nya na may lungkot at takot sa mata nya. Wala na kong magagawa kailangan ko na ngang manahimik, ayokong madamay pa. "Opo Ms. Min" nakangiting sagot ko at yumakap sya sakin. "Goodboy talaga si Jann" sabi nya at humiwalay sakin.
Isang linggo na ang nakaraan mula ng makita ko yung bangkay ni John. At tuwing lunch break ay pumupunta ako kay Nurse Min at sabay kaming kumakain at kung minsan pati ang kambal kasabay namin. Si Johann madalas nang tahimik. Nagtataka na ako. Di naman sya ganyan dati eh. Namimiss ko na tuloy yung mapagbirong Johann. Haayy pag nagtatanong ako ang lagi nyang sagot eh "Wala don't mind me" "Huh? No I'm just not feeling well pare." Yan lang tapos wala nang sagot pa lagi na syang tulala what happened to my best buddy? There's something wrong I can feel it. And I'm going to find ways to know what's wrong with him. I can't look at him while he's in that situation. I will protect them in all ways I can and I promised to myself that we will be together until the end no matter what happen.
***
BINABASA MO ANG
Secrets
Mystery / ThrillerIt is something about secrets that secrets might be very very dangerous that can kill someone