4

533 28 5
                                    

Chapter Four

D's

"Mama," nakangiting tawag ko sakanya. Nag-aayos sya ng mga delivery, more on nag aasist para ilagay sa truck.

Maliit lang ang factory namin, factory ng yelo. Ang negosyong iniwan ni Papa para sa aming magkapatid, sa ngayon si Mama muna ang nag-aasikaso dahil nag-aaral pa kami ni Ian, I mean ako nalang pala ang nag-aaral.

"Iza, anak. Anong ginagawa mo dito? Masyadong mainit baka mapano ka."

"Eh, ma. Naiinip ako sa bahay, eh. Wala naman akong ginagawa dun, tapos ko na din mga assignment ko. Hayaan mo na kong tumulong dito."

"Umuwi ka nalang, tawagan mo ang mga kaibigan mo, si Carly. Mapapagod ka lang dito anak, eh."

Napanguso ako, lagi nalang akong tinatratong parang baby. Nakakainis talaga!

"Ahm, ma'am Judin. Nandito po si Mr. Galanza ng JMG juice house." Singit ni Terrice sa usapan naming mag-ina.

"Huh? Ano daw ang sadya?"

"Nagtatanong po kung may avail tayong yelo, mukhang nagkaproblema po ata sa supplier nila."

"Meron pa ba? Alam ko kasi fully book na lahat ng supply natin."

"Actually po, Ma'am. May limang vloke po tayong avail, nagcancel po kasi si Mrs. Roque."

"Ohhhh. So, ilang ba ang kailangan ng JMG juice bar?"

"Miss. Terrice, paki asikaso naman po 'tong delivery namin para maka alis na kami."

Napatingin sila mama kay mang Roger, ang isa sa mga driver ng delivery truck namin.

"Ma'am pasensya na po. Hindi ko po natanong kung ilan ang kailangan."

"Sige. Okay lang. Asikasuhin mo muna ang iba nating delivery. Ako ng bahala kay Mr. Galanza."

"Thank you po Ma'am. Nasa labas po sya ng office nyo naghihintay." Sabi ni Terrice bago tumakbo patungo kay mang Roger.

Masipag 'yang si Terrice, sa pagkaka alam ko breadwinner 'yan. May isang anak na babae, limang taon ata ang edad. May anak na sya pero walang asawa, single mom, kumbaga. Sa bata nyang 'yan, napaka responsable na. Matanda lang at sakin si Terrice ng dalawang taon. 20 years old na ko, so, 22 palang si Terrice.

"Naku, anak. Umuwi ka muna sa bahay ang daming orders ngayon, hindi kita maaasikaso."

"Tutulong nga po ako. Mukhang kulang din kayo sa tao ngayon."

"Ang kulit mo talagang bata ka. Mapapagod ka nga," naiirita na ata si Mama.

Napanguso nalang ulit ako, bakit ba kasi binibaby nila ako? Imbis na makalimutan kong may sakit ako palagi nalang nila pinapaalala.

"Umuwi ka na ah? Naghihintay na ang bagong client natin."

Hindi na ako hinintay sumagot ni Mama, lumakad na sya papasok sa maliit na buliding katabi ng planta kung saan nakaimbak ang mga yelo sa factory namin.

Ngumiti ako, sinundan ko si Mama papasok sa building hanggang huminto ito sa tapat ng office nya. May nakatayong lalaki roon, kayumangi ang kulay ng balat nito, mataba at sa tansya ko halos kasing tangkad ko lang o mas matangkad pa ko. Maliit sya para sa isang lalaki, parang si Luigi, hehehe.

"Mr. Galanza?" Patanong na sabi ni Mama, inabot nya ang kamay sa lalaki. "Pasensya na po kung napaghintay kita. Madami po kasing orders ngayong araw." Magalang na sabi ulit ni Mama.

Heart BeatWhere stories live. Discover now