5

523 33 9
                                    

Chapter Five



J's


May humahaplos sa pisngi ko.

Unti unti kong minulat ang nakapikit kong mata. Maamong mukha ni Dean ang bumungad sakin.

Ngumiti ako, hinawakan ang malaking kamay nitong nasa kanang pisngi ko.

"Matulog ka pa, babe." Ngumiti sya ng tipid.

Tumango ako, pinikit kong muli ang mga mata ko, dinadama ang mainit na palad nito sa mukha ko.

Naramdaman ko ang labi ni Dean sa noo ko pababa sa tungki ng ilong hanggang maramdaman ko ito sa labi ko.

"I love you, Jessica. Tandaan mo, mahal na mahal kita."

"So, bukod sa magkamukha kayo ng kakambal mo ano pa ang pagkakapareho nyo?"

"Pagkakatulad namin?....." Ngumiti sya. "Kumakamot sa tenga kapag nahihiya o napapahiya, hehehe."

"Namumula rin ang tenga mo kapag kinikilig ka, ganun din ba sya?"

"Namumula ang tenga ko? Hahaha, hindi ko napapansin yun ah?"

"Kasi hindi mo nakikita pero sa kakambal mo? Napapansin mo?"

"Hmmm," kunwari nag isip sya. " Palagi ko syang nakikitang namumula ang tenga kapag nakatitig kay Carly."

"So, parehas nga kayo. Ganun karin kapag nakatitig sakin hahaha."

Ngumit sya, bahagya nyang piningot ang ilong ko. "Lagi naman akong kinikilig tuwing nakikita kita."

"Sus, bola." Nakangiting sabi ko.

"Hindi kita binobola ah? Totoo yun."

"Oo na nga po." Inirapan ko sya tapos sabay kaming natawa. "Sa pagkain? Ano yung kinakain nyo parehas? O parehas nyong paborito?"

"Chicken wings, yun ang palagi naming nirerequest ni Iza kay Mama simula bata pa kami."

"Hmmmm," natakam ako. "Favorite ko rin yun."

"I know." Natatawang sabi ni Dean. "Pero akala ko wings talaga yung favorite ni D, pork steak pala." Ngumiti sya ng malawak na tila ba may naalala, "pork steak ni Carly."

"Di ba yung Carly, yung?"

"Yung babaeng parehas naming gusto." Inismiran ko sya, tapos ang gago tumawa pa. "Hahaha, teka. Tinatanong mo kung anong pagkakapareho namin ni Iza di ba?"

"Cheee! Ewan ko sayo."

"Hindi kami talo ni Carly, mahal na mahal nya si D, eh."

"Hindi kayo talo? Ibig sabihin tomboy din ang Carly na yun, tulad ng kapatid mo?"

"Hmmmm, I don't know. Hindi ko alam kung tomboy rin ba ang tawag sa kilos babaeng nagkakagusto sa babaeng kilos lalaki."

"Eh di ba, tomboy naman ang tawag sa babaeng nagkakagusto sa kapwa babae?"

"Ang alam ko, tomboy ang tawag sa babaeng nagpepretend na maging lalaki." Napakamot sya sa tenga nya, siguro nahihiya sa klase ng pinag uusapan namin. "Kay D mo nalang itanong ang bagay na 'yan. Baka sya may sagot sa tanong mo."

Heart BeatWhere stories live. Discover now