3

799 40 28
                                    

Chapter Three

J's


Iza calling.

Pangalang remirehistro sa cellphone, ni Dean.

Agad ko 'yong dinampot sa study table nya.

Binalot ko muna ang hubad kong katawan bago tuluyang tumayo sa pagkakahiga sa kama.

"Babe." Katok ko sa pinto ng banyo ng kwarto nya. "Si Iza, yung kakambal mo tumatawag."

"Babe. Pakisagot nalang, nagsasabon pa ko, eh."

"Huh? Anong sasabihin ko? Nahihiya ako, babe."

"Hahaha, mabait 'yan. Wag kang mag-alala."

Napatingin ako sa cellphone, patuloy parin ito sa pagtunog.

Sasagutin ko ba? First time ko lang makaka-usap si Iza. Ang kakambal ni Dean, kung nagkataon.

Anong sasabihin ko? Hindi naman nya alam na gf ako ng kapatid nya.

Sa 2 years na relasyon namin ni Dean, both side hindi pa namin naipapakilala ang isa't isa sa aming mga pamilya.

"Babe, mabait 'yang si Iza. Sagutin mo na." sigaw ni Dean mula sa banyo.

Pero nakatulala lang ako sa cellphone habang walang tigil sa pagtunog 'to.

Tinititigan ko lang ang cellphone at nakikipagtalo sa aking isipan kung sasagutin ko nga ba 'to.

"Akin na nga," napitlag ako sa pag agaw ni Dean sa cellphone nya.

Kalalabas lang nito ng banyo. Nakatapis ng towel ang pang-ibabang bahagi nya.

Naitikom ko ang aking bibig habang pinagmamasdan ang katawan ng aking kasintahan.

Payat ang kanyang pangangatawan, ngunit talaga namang malaman at mamuscle 'to.

Wala syang abs pero flat na flat ang kaniyang t'yan.

Lalo syang naging hot sa paningin ko dahil sa mga butil ng tubig na tumutulo sa kanyang katawan na nagmumula sa kanyang lagpas tengang buhok.

Bigla syang tumingin sakin, agad rin syang ngumisi.

Mabilis naman akong napalunok, sa klase ng tingin nya sakin.

Punong puno ito ng paghanga at pagmamahal.

Hindi pagnanasa ang nakikita ko sa mga mata ni Dean, tuwing tinitignan nya ako.

Kundi labis na pag-ibig.

Ang mga sulyap na tanda na nais niya akong maangkin.

Hindi lang ang aking katawan, kundi pati narin ang aking puso na matagal naman na niyang nakamtan.

"Bakit ganyan ka makatingin sakin, babe, ah? Gusto mo pa ba ng round 3?" Nagtaas baba pa ang kanyang makakapal na kilay.

"Sira." Inirapan ko sya, "tawagan mo na 'yang kapatid mo. Maliligo na ko, baka hinahanap narin ako sa bahay."

Tumango lang naman sya kaya pumasok na ko ng banyo para maligo.

----

"Ingat sa pagdadrive," bilin ko lau Dean pagkababa ko ng motorsiklo nito.

Hinubad ko rin ang helmet na nakasuot sa ulo ko at ibinigay ito sa kanya.

Inabot nya yun at tinanggal din ang suot nyang helmet.

Hinawakan nya ang kanang kamay ko.

"Pagkatapos mo kong ipakilala sa parents mo, uuwi naman tayo sa bahay namin. Ipapakilala na din kita kay Mama at Iza."

Heart BeatWhere stories live. Discover now