7

502 34 9
                                    

Chapter Seven




J's


"Happy 4th years aniversary, babe!"

Tumingala ako sa langit, hinahaplos ang lapidang may pangalan nya. Kasabay ng pag ihip ng hangin ang pagpatak ng butil ng luha mula sa aking mga mata. Nahuhulog rin ang ilang dahon sa malaking puno ng akasya kung saan nakasilong ang ibang nitsu kasama na ang kanya.

"Ang daya mo! Ang daya daya mo!" Hagulgol ko. "Sabi mo walang iwanan 'di ba? Pero umalis ka! Iniwan mo ko nang hindi ka manlang nagpaalam." Ibinalik ko ang tingin sa lapida, inisa isa ang bawat letrang nakaukit dito. "Miss na miss na kita, Dean. Masaya ka ba dyan? Na aalala mo pa ba ako? Namimiss mo rin ba ako ah? Kasi ako hindi kita makalimutan, eh. Kahit anong gawin ko hindi kita makalimutan. Ayoko kitang kalimutan babe, ayoko!"

Dalawang taon na simula nang iwan ako ng kaisa isang lalaking minahal ko. Hanggang ngayon idenial parin ako, hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na wala na sya. Hanggang ngayon pakiramdam ko nandito parin sya, hanggang ngayon nangungulila parin ako sakanya.

"Babe, hindi ko alam paano ako nabubuhay nang wala ka. Gumigising nalang ako kasi kailangan. Humihinga nalang ako na para bang kailangan ko lang huminga. Hindi ko na kayang mabuhay ng wala ka Dean, eh. Ikaw yung laging nandyan para sakin, ikaw lang yung nakikinig kahit na wala sense yung mga sinasabi ko. Ikaw yung umiintindi sakin kahit ang hirap hirap ko nang intindihin." Humagulgol ulit ako. "Miss na miss na kita. Sobrang miss na kita."

Hindi manlang kita nakita nung huling lamay mo, nung libing mo hindi ako makalapit sayo. Nahihiya ako, hindi ko alam paano haharapin ang pamilya mo. Hindi naman nila ako kilala, eh. Ayokong guluhin sila ni Papa at Mama. Iniwasan kong makita ka sa huling sandali mo para lang hindi magulo ang pamilya mo. Iniwasan ko yun pero hanggang ngayon pinagsisisihan kong hindi manlang ako nakapagpaalam sa huling pagkakataon. Hindi manlang kita nakita.

"Jemalyn!" Pinunasan ko ang luha ko. Tumayo ako sa pagkakaupo sa puntod ni Dean, hinarap ko si ate Jovy. "Tulog na 'tong anak mo."

"Sorry, ate Jovz. Ngayon nalang ulit kasi ako nakadalaw kay Dean, eh. Sorry, naghintay ka."

"Hanggang kailan mo itatago kela Papa? Mapabuhay o patay, tinatago mo yang boyfriend mo."

Napatawa ako ng bahagya, "ayoko lang guluhin ni Papa ang mama at kapatid ni Dean."

"Pero Je, karapatan din naman ng pamilya ni Dean na makilala ang anak nya."

Huminga ako nang malalim, lumapit ako kay ate, kinuha sa bisig nya ang natutulog kong anak.

"Hay naku, Jean. Hindi ka na naman nakapagpaalam sa Papa mo." Lumakad ako pabalik sa puntod ni Dean. "Aalis na kami ah? Babalik nalang ulit kami ng anak mo. Bantayan mo kami ah? Dalawin mo naman ako kahit sa panaginip lang. Kahit dun manlang makausap at makita kita." Nag uumpisa na naman mamuo ang luha ko.

"Jemalyn, halika na. Naghihintay na si Papa. Nangako ka sakanya na ikaw ang tatao sa main branch ng juice house natin di ba?"

"Okay." Simpleng sagot ko. Tinignan ko ang anak namin ni Dean, kamukhang kamukha nya ito. Wala atang nakuha sakin, mula sa makakapal na kilay, singkit na mata, at maliit na mukha, eh kay Dean lahat nakuha. kahit labi at ilong kanya parin, ang lakas ng dugo ng Wong na yun. Alam ko may girl version si Dean yung kakambal nya, pero si Jean na anak namin masasabi kong little girl version nya rin talaga. "Say babye na to Papa, anak." Utos ko sakanya kahit pa natutulog ito.

"Byebye, papa." Napangiti ako, kahit tulog nagbyebye sya. Hinaplos ko ang buhok ng 1 year at 3 months old na baby girl ko.

Nung araw na naaksidente si Dean, 'yun din ang araw na nalaman kong buntis ako. Dalawang linggo na. Akala ko sabay silang mawawala sakin nung araw na 'yun pero lumaban ang baby namin. Iniwan man ako ng kaisa isang lalaking minahal ko, binigyan naman nya ko ng pag asa at dahilang mabuhay kahit pa wala na sya.

"Jemalyn?" Napitlag ako sa muling pagtawag ni ate. Muli akong nagpaalam kay Dean, lumakad palapit kay ate at sumakay sa kotse nito.

------

"Aba, ang apo ko! Miss ko 'yan ah?"

"Kung makamiss parang hindi nakikita sa bahay ah?"

"Eh, bakit ba? Lagi kong miss 'tong anak mo eh." Sabi ni Papa tapos pinaghahalikan ang pisngi ng apo nya.

"Pa, yung balbas mo! Mangangati na naman si Jean nyan, eh."

"Yoyo!" Pinigilan ni Jean ang mukha ng lolo nya.

"Sir," may kumatok at dumungaw na babae sa pinto ng office ni Papa. "Nandyan na po yung delivery ng yelo."

"Talaga?" Masiglang sabi ni Papa, napakunot naman ang noo ko. Teka, sya ba ang haharap? Delivery lang naman ng yelo yun bakit sya pa ang haharap? 'di ba manager o back up ang magaasikaso nun? Ibig sabihin ba pati yun trabaho ko? Saka bakit ang saya ni Papa?

"Pa, bakit ikaw ang haharap? Di ba dapat si Leila? Dahil sya naman ang manager natin?" Tukoy ko sa babaeng nasa harap ng pinto.

Humarap sakin si Papa, inabot sa bisig ko si Jean at ngumiti ng malawak.

"May kalaro na ko ng chess." Masayang sabi nya tapos lumakad palabas sa opisina nito. Sumunod naman si Leila sakanya. Muling kumunot ang noo ko. Nagdedeliver ng yelo? Kalaro ng chess?

Ganun ko ba talaga hindi ka kilala si Papa? Hindi ko manlang alam na marunong syang maglaro ng chess. Sa totoo lang, hindi ko nga talaga kilala ang pamilya ko.

Ikaw ba naman ang lumaki sa ibang tao, na ang tanging kasama mo lang sa bahay ay kasambahay nyo dahil busy sila sa pagtatrabaho. Si Papa, busy sa pagpapalago ng negosyo nya. Si Mama, busy sa pagtuturo sa propesyong mahal nya. Si ate, busy sa pagsunod sa mga magulang namin.

Ako? Busy sa pagsuway sa mga gusto nila, mapansin lang. Nung hindi ko pa nakikilala si Dean, lahat ata ng kolokohan nagawa ko na. At dahil sa kolokohan na 'yun muntik pa kong mapahamak. Muntik pa akong marape sa isang gimikin. Iniwan kasi ako ng mga akala ko totoo kong mga kaibigan.

Buti nalang dun din sa bar na 'yun nag gig ang banda nila Dean, niligtas nya ko sa mga lalaking hindi ko naman kilala. Sinabi nyang girlfriend nya ko para lang lubayan ako ng mga lalaking 'yun. Hindi ko close si Dean, ni hindi ko nga sya napapansin sa school, eh.

Pero pagkatapos ng gabing 'yun, hindi ko alam kung dahil lang sa utang na loob o ano pa. Mas pinipili kong sumama sakanya tuwing may gig sila ng banda. Sa totoo lang, naging vocalist din nila ako kasi ang gusto ko naman talaga maging singer o kumanta. Ayokong maging teacher katulad ni ate at mama. Ayokong magmanage ng negosyo ni Papa.

Pero yun lang yung dalawang choice na ibinigay nila sakin. Magiging teacher ako o imamanage ko ang negosyo ni Papa.

Nalibang ako sa pagkanta, nabaling lahat ng attention ko kay Dean. Sa panandaliang kong pagiging vocalist ng banda, masasabi kong naging totoo akong masaya. Nakakalimutan ko ang mga pag aaway ni Papa at Mama dahil sa negosyo, ang pressure sa pag aaral sa kursong hindi ko gusto. Naging masaya ako sa lalaking unang minahal ko. Panandalian, panandalian dahil nalaman agad ni Papa. Tagumpay, for the first time napansin na nila ako.

Nagulat ako pagbaba ko sa motorsiklo ni Dean, galing kami sa gig at inumaga na kami ng uwi. Sinuntok ni Papa si Dean at pinagbantaan na wag na wag na ulit magpapakita sakin. Yun na ang una't huling pagkikita ng parents ko at ng boyfriend ko. Tinanong nila ako pero hindi ako umamin, hindi ko ring tinanggi. Ito ang totoong dahilan kung bakit umabot ng dalawang taong tago ang relasyon namin ni Dean.

Sa ngayon, ang laki na nang pagbabago ni Mama at Papa simula ng dumating si Baby Jean, si Jean din ang dahilan kung bakit madali nila akong napatawad. Bumabawi sila sa mga pagkukulang nila sakin sa pamamagitan ni Jean....

"Deanno, hijo. Mabuti naman at nadalaw ka, matagal tagal narin akong hindi nakakapag laro ng chess." Deanno? Si Dean!

Naibaba ko si Jean, lumakad ako papalapit sa pinto. Si Dean, nga. Nakangiti sya sa harap ni Papa, at ganun din si Papa sakanya. Hindi katulad nung unang pagkikita nila na halos hindi mabura ang galit sa mukha ni Papa.

Namula ang tenga ni Dean, napayuko sya at kinamot ito. Ang gesture na 'yon! Si Dean, si Dean nga 'to.

"Hahaha si Tito talaga, Deann....-" naputol ang sasabihin nya nang tumakbo ako palapit sakanila at niyakap ito ng mahigpit.

"Dean, ikaw nga! Bumalik ka! Bumalik ka na. Binalikan mo na kami ng anak mo." Walang tigil sa pag agos ang luha ko.

Itutuloy............

Heart BeatWhere stories live. Discover now