Chapter Eight
D's
Basa. Basang basa na ang balikat ko dahil sa iyak ng babaeng bigla nalang yumakap sakin. Hindi ko na mabilang kung ilang minuto na syang umiiyak sa balikat ko.
Hindi ko rin alam kung ano ba dapat na ireak ko. Basta pinatong ko lang yung mga palad ko sa likod n'ya. Masuyo itong hinahaplos.
"Jema!" Sabi ni tito Jesse. Jema? Itong bang babaeng 'to ang tinatawag n'ya? Hindi naman ito natinag, patuloy lang sa pag iyak sa balikat ko.
"Ah, miss?" Tawag ko. Ilang beses kong tinap ang likod at balikat n'ya. Pero ganun parin, umiiyak lang s'ya.
Nagkatinginan kami ni tito Jesse, kahit s'ya makikita sa mata nito ang pagkalito sa inaasal ng babaeng kayakap ko.
"Mahal, hindi pa ba tayo.....-" Naku, yari! Nanlaki ang mga mata ni Carly. Agad kong tinaas ang mga kamay ko. Magsasalita na sana ako nang hablutin n'ya ang buhok ng babaeng kayakap ko. "Hoy, babae. Sinong nagbigay sayo ng karapang yakapin ang girlfriend ko?" Sabunot n'ya dito.
Taranta kong niyakap si Carly pilit na nilalayo sa babaeng sinasabunutan n'ya. Hindi ito lumalaban para bang hindi pa natatauhan sa mga nangyayari.
'Mahal, bitaw na. Please? Huminahon ka." Bulong ko kay Carly. Nakaagaw narin kami ng attention ng iba. Nakatingin na samin ang ibang customer at ibang staff ng juice house. "Nakakahiya. Pinagtitinginan na tayo." Malaking isyo 'to. Lalo pa't kilalang volleyball player 'tong girlfriend ko.
"Nakakahiya?" Bulyaw n'ya. Binitawan ni Carly ang buhok nung babae tapos nagpumiglas sa yakap ko. "Ako pa ang nakakahiya?"
"Mahal, huminahon ka please?" Mahina kong sabi. "Pag usapan natin ng maayos 'to, ah?"
"Girlfriend?" Sabi nung babae. Hilam ang luha n'ya. Mukhang ngayon palang s'ya natauhan sa nangyayari. Yakap n'ya ang sarili n'ya. Tulala lang s'yang nakatingin sakin.
"Oo. Girlfriend ko 'tong babaeng nilalandi mo." Bulyaw ni Carly. Humigpit ang yakap ko sakanya. Susugod ulit, eh.
"Mahal!" Frustrated kong sabi.
"Ano?" Sigaw n'ya. Napitlag at napapikit ako.
"Mama!" Tawag ng isang maliit na batang babae. Umiiyak ito. Tyansa ko, baby pa. Siguro, mga one and half years old or mas baby pa.
"Naku! Ang baby ko." Parang ngayon lang din natauhan si tito Jesse. Sinalubong n'ya yung baby, mabilis itong kinarga.
"Mama!" Sabi ulit nung baby, pilit n'yang inaabot yung babaeng nakayakap sakin kanina. Humagulgol ito. Lumapit kay tito Jesse, kinuha yung baby at mahigpit itong niyakap.
"Deans," tawag sakin ni Carly. "Kahawig mo yung baby." Napabitaw ako sa pagkakayakap sakanya. Tumingin sa gawi nila tito Jesse. Nagpalit palit din ang mata n'ya samin nung baby. Kahit ako, parang namamalik mata. Sobrang kahawig ko nga yung bata, nung baby pa ko.
"Tito Jesse?" Manghang tawag ko sakanya. Sumeryoso ang mukha nito. Tinignan n'ya yung babaeng nakayakap sakin kanina.
"Mag usap tayo, Jessica Margarett. Madami kang ipapaliwanag sakin." Sabi nito.
"Pa." Nanginginig ang boses nung babae. Umiiyak parin s'ya kasabay nung baby.
"Ah, tito Jesse. Pasensya na po sa gulong nangyari."
"Tatawagan kita kapag malinaw na sakin ang lahat." Sabi n'ya. Pumasok ito sa office nito, hila hila yung babaeng may kargang baby.
"So, hindi mo parin ipapaliwanag kung ano yung naabutan kong yakapang eksena kanina?"