2

812 34 12
                                    

Chapter Two


D's


"Kamusta pala si Ian?" Tanong ni Tots, bestfreind ko.

Nanonood ako ng practice nila sa loob ng gym ng UP diliman.

Kateam ko sya no'ng high school ako. Silang dalawa ni Carly. Pero nasa FEU na 'to.

May jowa naman si Tots, dun.
Si Celine Domingo. Middle blocker, nila.

Libero/servic specialist naman si Carly.

Kung hindi lang sana sa kundisyon ko, baka nasa FEU rin ako. Dahil nirecuit din ako ng school na 'yun.

Pero kinukuha rin ako ng lasalle at ateneo noon.

At sa ateneo ko nga napagdesisyonan na mag-try out, dahil narin sa idol kong si Jia Morado.

Kaya lang nawala lahat ng pangarap ko, dahil nga......

"Hoy, Deans!" Napitlag ako sa pagtapik sakin ni Tots.

"Sorry ano ulit 'yong tinatanong mo?"

"Ang sabi ko kamusta na si Ian?"

"Si Ian? Matagal-tagal narin syang hindi umuuwi."

"Ayaw nya kasing malaman ni Mama na hindi na sya nag-aaral at tumutugtog nalang sya sa bar."

Matagal tagal ko naring hindi nakikita ang kakambal ko, mga dalawang taon narin siguro.

Sa cellphone nalang namin sya nakikita ni Mama.

Lagi nyang dinadahilan kapag pinapauwi sya nito, marami daw syang ginagawa.

Pero ang totoo, ayaw nya lang mag alala si Mama na hindi na nga sya nag-aaral.

Kasi nawala na ang scholarship nya. Dahil sa pagbabanda nya na naka apekto sa pag-aaral nya.

"Mas gugustuhin pa ba nya na malaman ng Mama nyo sa iba? Mas lalo atang magagalit si tita nun."

"Kinausap ko na sya tungkol dyan. Pero ayaw nya talagang makinig sakin"

"Magkakambal nga kayo parehas kayong pasaway." Nagpailing-iling pa si Tots.

"Tara na nga. Umuwi na tayo," sinukbit nya ang duffel bag nya sa balikat nito.

Inakbayan nya ko.

Pagkalabas palang namin ng gym, agad akong napahinto. Nung may maalala ako.

"Bakit?" Takang tanong ni Tots.

"Si Carly, dadaanan pa natin sya 'di ba?" Ngumisi naman sya.

"Anong ngisi yan?" Nakataas na kilay na tanong ko.

"Hahaha, wala. Ang ibig sabihin ng ngisi na 'to. Eh makikita ko si Celine my love ko!"

"Sus ang baduy mo," tinanggal ko ang pagkakaakbay nya sakin at lumakad palayo sa kanya.

Agad naman nya kong hinabol at inakbayan ulit.

"Gusto ko lang malaman Deans, dati ayaw mong ligawan si Carly dahil gusto rin sya ni Ian."

"Pero diba may Girlfriend na sya? Ano pa bang pumipigil sayo para ipursue si Carly?"

"Alam mo namang matagal ka na nyang gusto at hinihintay ka lang nya."

"Ayoko lang masira ang friendship namin ni Carly, magbestfriend kami at magkababata pa."

"Ang hirap isugal nung pinagsamahan namin, kapag hindi nagwork out ang relasyon namin."

Heart BeatWhere stories live. Discover now