Chapter Nine
J'
"Check mate!" Sigaw ni Papa, mula sa sala. Nakaupo ito sa single sofa, kaharap ang babaeng kalaro nya.
"No match talaga ako sainyo tito Jesse." Rinig kong sabi nito. Malakas na tawa naman ang sagot ni Papa.
"Mukhang close na close si Papa sa kakambal ng boyfriend mo ah?" Sabi ni ate Jovy, napatingin ako sakanya. Naghahanda ito ng meryenda para sa bisita namin. Tinutulungan ko naman syang magprepare. Iniligay nya sa maliit na tray ang carbonarang luto ni Mama. Hawak ko naman ang baso at pitsel na may lamang fresh mango juice.
"Tapos kay Dean, noon. Halos isumpa nya." Ismid kong sagot. Napatawa si ate.
"May usapan kayo nila Papa, na hindi ka muna magboboyfriend. Malamang magagalit talaga ang mga yun. Ikaw ba naman mag uwi ng lalaki, pagkatapos mong mawala ng buong magdamag? And then, after nun. Tinago mo na yung boyfriend mo, imbis na ipakilala ng maayos sakanila? Hay, naku! Jemalyn!"
Lalo akong napa ismid. Paano ko naman ipapakilala si Dean, sakanila. Eh, halos mapatay na ni Papa, yung tao.
"Tapos, bigla nalang namin malalaman na buntis ka at wala na yung taong nakabuntis sayo." Sabi ulit ni ate.
"Kahit naman ako nabigla," malungkot kong sabi. "Handa na kami ni Dean, eh. Handa na kaming harapin ang galit ni Mama at Papa, tapos....." Maiiyak na naman ako.
"Oh. Tama, na 'yan. Pasalamat ka at masyadong minahal ng dalawang matandang yun ang anak mo at napatawad ka sa lahat ng pagkakamali mo."
Napahinga ako nang malalim. "Pero ang hindi ko talaga maintindihan kung anong pinakaen ng babaeng yan kay Papa at gustong gusto sya?" Irap kong sabi.
"Bakit ba nanggagalaiti ka? Don't tell me pinagseselosan mo ang kapatid ng boyfriend mo?"
Natigilan ako. Hindi rin ako sigurado kung ano nga ba ang kinakainis ko sa babaeng 'to? Bukod sa napahiya ako sakanya, kay Papa, pagkatapos hinayaan ko lang makita nila ang weak side ko, hinayaan ko lang makita nilang umiiyak ako. Ni hindi ko manlang naipagtanggol ang sarili ko sa pagsabunot at pagsampal sakin ng walang hiyang babaeng...... Grrrrrhhhhh. Ano ba kasing pumasok sa utak ko at niyakap ko ang babaeng kamukha ng boyfriend ko? Ang babaeng kakambal ng boyfriend ko!
Pagkatapos ng eksena sa juice bar, hinanda ko na ang sarili ko sa galit ni Mama at Papa. Alam kong masusundan pa ang sampal at sabunot na ginawa sakin ng babaeng yun. But, to my suprised niyakap ako ni Mama. Nung una hindi ako makareak, tila naguguluhan sa nangyayari. Pero sa init ng yakap sakin ng aking ina, na matagal ko ng gustong maramdaman. Napahagulgol ako. Lahat ng sakit at bigat na nararamdaman ko, binuhos ko sa balikat ni Mama. Umiyak ako ng umiyak sa bisig nya, hindi ko na namalayan kung gaano ako katagal umiyak hanggang makatulog ako. For the first time, yakap at hindi masasakit na salita ang natanggap ko kay Mama, tuwing may nagagawa akong kasalanan. For the first time naramdaman kong may nanay ako.
Kinabukasan, kina usap nila ako tungkol sa pagpapaalam sa pamilya ni Dean tungkol kay Jean. Nung una, nagdadalawang isip pa ko. Naghahalo yung nararamdaman ko, kaba, excitement. Kasi finally, makikilala ko na yung family ng boyfriend ko. Takot, kasi baka magalit sila sakin dahil tinago ko si Jean, sakanila. Tama naman kasi si Papa, eh. May karapatan ang pamilya ni Dean malaman ang tungkol kay Jean. At heto, nga. After ng ilang araw, bumisita ang pamilya ni Dean sa bahay. Si Papa ang kumontak sakanila, dahil nga, customer ito sa ice plant ng mga Wong.
