6

521 24 5
                                    

Chapter Six


D's


"Ian, gusto ko ring matutong maggitara at magbisekleta. Bakit sobrang dali lang sayo? Pero bakit hindi ko matutunan?"

"Baka kasi hindi lang talaga para sayo? Hahaha, maglaro ka nalang kasi ng luto-lutuan o chinese garter tulad ni Carly at Tots."

Matalim na tingin ang sagot ko sa sinabi nya. Tumawa nang malakas si Ian, inabot nya ang kamay sakin upang tulungan akong makatayo mula sa pagkakasimpleng sa bisekleta. Mahapdi ang siko at tuhod ko, may dugong umaagos dito.

"Yari na naman tayo kay Mama," seryosong sabi ni Ian.

"Ang daya kasi ni Papa, eh. Ikaw tinuran ka nya magbike tapos ako hindi?" Nakanguso kong sabi.

"Kasi babae ka. Hindi naman kasi pangbabae ang paglalaro ng bisekleta."

"Bakit si Carly? Si Tots? Nagbabike din naman sila ah? Bakit ako hindi pwede?"

Napakamot sa tenga nya si Ian, ganyan sya kapag nauubusan na nang idadahilan o kapag nahihiya or napapahiya. Ang gesture na 'yan talaga ang pagkakapareho naming dalawa.

"Isipin mo nalang na hindi talaga para sayo ang pagtugtog o pagbibisekleta. Siguro, hindi mo palang nadidiscover yung bagay kung saan ka magaling."

Tumango ako. "Hindi nga siguro para sakin ang paggigitara pero ang pagbibisekleta kakayanin ko. Kung kaya mo, ni Carly at Tots, kakayanin ko rin." Determinado kong sabi.

Ngumiti si Ian, ginulo nya ang nakatali kong buhok. "Okay. Tuturuan kita. Kung hindi nagawa ni Papa, ako ang gagawa."

"Talaga?" Kumikislap ang mata ko habang sinasabi ko 'yun.

"Hindi tayo susuko hanggat hindi mo natutunan. Lagi akong naka alalay sayo Iza, hanggang kaya mo na."

"You the best talaga, Ian."

"Syempre naman!" Ginulo nya ulit ang buhok ko.








"Iza...."

"Bakit ganun, Ian? Kung kailan ko nahanap yung bagay kung saan ako magaling, bigla naman 'tong binawi sakin? Pati si Papa nawala pa. Bakit Ian?"

"Ssshhhhh, Iza. Hindi ka pa ganun kagaling.. baka mapano ulit ang puso mo. Alam mo namang hindi ka pwedeng ma-stress."

Humagulgol ako. "Si papa, ang volleyball. Bakit kailangan sabay pa silang mawala sakin?"

"Iza..., nandito pa kami ni Mama, masakit ang pagkawala ni Papa. Pero kailangan nating tanggapin. Kailangan nating magpatuloy sa buhay. Siguradong yun din ang gusto ni Papa makita."

"Iza, makinig ka. 'di ba sabi ko sayo yung mga hindi nagawa ni Papa ako ang gagawa para sayo? Tatapusin ko ang naumpisahan ni Papa. Bibigay ko rin sayo ang sarili kong buhay.... Tulad ng plano ni Papa..."

Heart BeatWhere stories live. Discover now