Chapter 25

181 6 0
                                    

This is it! After the long eight years run together we are finally in front of the altar. Noon kasi at isang judge lamang ang kumasal sa aming dalawa ni Cyan. I hope that this wedding will be our new start.

"Ella kumain ka na ba?" tanong ni Alex na kakapasok lang sa kuwarto.

Tinignan ko siya sa salamin dahil hindi naman pwedeng ibaling ko sa kaniya ang aking ulo. Hindi pa siya naayusan at katulad ko rin ang suot nito.

"Hindi pa." sagot ko sa kaniya.

Unang inayos ang aking buhok para madali nalang mamaya. Kei, the stylist was busy doing my hair.

Siya nalang ang kinuha naming artist dahil nagprisinta ito nang magpadesign kami ng gown sa kaniya.

"Kumain ka muna kung ganoon." aniya at kinuha ang phone sa purse niya. "Tawagan ko muna sina Alex at dito nalang din kami kakain."

Napangiti ako. "Pakidalhan ako ng strawberry at strawberry shake, please?"

"Copy. Baka maging strawberry na ang mukha ng anak mo niyan." parangal nito habang abala sa pagkakalikot ng cellphone.

Tsaktong pagkatapos na gawin ang aking buhok ay ang pagdating din ng mga kaibigan ko. May dala itong mga styrofoam na lalagyan ng pagkain at mga drinks.

"Hala Ella girl ang ganda mo." namamanghang sabi ni Mika.

Tumawa naman ako sa kaniyang sinabi. "Buhok pa nga lang na ayos sa akin."

"Ay." inilapag niya ang dalang pagkain. "Kain na tayo."

"Ella, here is your food." sabi ni Yua at ibinigay sa akin pagkain.

"Thank you."

"Kumain ka na rin Kei." ani Alicia at binigyan din ng pagkain ang stylist ko.

"Mamaya na nakakahiya naman na sumabay sa inyo." she said softly and readied her make up kit.

"Para ka namang others. Nakikisabay ka nga noon sa amin ng pagtulog at ligo ng high school ngayon ka pa nahiya." ani Mika na ikinapula ng pisngi nito.

"Hanggang nayon wala ka pa ring hiya Mika." nailing na sabi ni Kei.

"Is the dress ready?" tanong ni Yua.

Tumango naman si Kei. "Siyempre, ako pa."

"Kahit anong trabaho nalang ginagawa mo." namamanghang kumento ko.

"Well it's fun to explore things." sagot niya.

"Na try mo na rin na maging stripper?" biglang tanong ni Mika.

Umiling si Kei. "I would try that if I have time."

"Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong ni Alicia.

"Oo. Mag-ayos na tayo baka malate tayo." she said and finished her food.

Kei is one of our high school friend. She is more weirder than us. Mas pinipili nito na maging mag-isa dahil masaya raw. Sumasama rin siya minsan sa gala naming kaso masyadong busy sa mga trabaho niya.

Nagsiayos naman ang mga kaibigan ko. They did each others hair and let Kei do their make up.

Exactly four in the afternoon we are all done. Naunang umalis ang mga kaibigan ko.

"Watch your steps, Ella. Baka matapakan mo ang dress at madapa ka." pagaalalay sa akin ni Kei.

The dress was a sky blue balloon gown. It has white laces on the belt and the heart shaped top, on the end of the dress also. It looks so elegant and simple at the same time.

The Sapphire SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon