Ayos! May part 2 na oh, Taray! Sana ma-enjoy niyo ito. Pahintay nalang yung ibang updates.
~~Gr. 6(12 y/o)~~
Kaka-grade. 6 lang naming magkakaibigan.Natupad naman ang usapan naming, "Walang iwanan". Pero makakagraduate nadin kami, buti na nga lang nagbukas na highschool department sa school namin eh. Excited kami sa first day ng klase dahil magkikita-kita nanaman kaming magbabarkada eh. Pero di masyado excited kasi andito nanaman ang mga assignments, mga nakakastress na teachers, mga test, at kung ano-ano pang away ng mga studyante sa eskwelahan. Lahat ng kaklase ko dati kaklase ko nanaman ngayon kasama na dun sina Abbey, Pamela, Karen, Jam, Daniel, Evan. Sino-Sino kaya mga makikilala namin pag highschool na kami? Tanong ko sa isip ko. Binalewala ko muna dahil kasisimula palang ng buhay bilang gr. 6 eh.
So pumasok ako sa bago naming classroom. Nakita ko ang mga bago naming mga kaklase at ibang mga luma. Konti palang kami dito ngayon eh. Habang hinihintay ko barkada ko, nakipag-usap ako sa mga kakilala ko, sakanila ko tinanong kung sino-sino yung mga bago naming kaklase.
"Sup bro, sino-sino naman ang ating mga newbies this year?", tinanong ko kay Arren.
"Di ko pa alam eh, di ko pa natanong" sagot naman niya.
"Uy Jan-Jan, tanongin mo nga, matapang ka naman diba? haha, tanongin mo muna yung lalaki", ang sabi ko kay Jan-Jan,
"Huh?? ikaw na ah duwag ako eh!" ang sabi niya, tapos hinabol namin siya ni Arren. Tingin siguro nila mga bagtit kami. Di ko na tinanong kasi nakarating na si Abbey.
"BABE!!", Oo 'babe' ang tawagan namin, pasigaw niya itong sinabi. tumakbo siya sakin at niyakap ako ng sobrang higpit halos di nako makahinga. Ang dami-dami niya kaagad nakwento sakin halos buong summer niya ang kwuinento niya. Di ko siya masisisi, mukhang sobrang saya ng bakasyon eh. Kaya yun never- ending ang kung ano-anong storya na pinagkukwento namin. Hanggang sa nagsidatingan kaming lahat at di na natapos ang sangdamakmak na pangyayari galing sakanilang bakasyon.
Napatigil ang mundo sa paligid ko nagmakita ko siya. Pumasok si Evan si pinto at napatitig ako ng saglit, nangmakita niya ko nilayo ko ang tingin ko. Bumalik ako sa pagkikinig sa mga kaibigan ko. Ewan ko pero lagi nalang may feeling sa loob ng dibdib ko tuwing nakikita ko siya, kahit di ko naman siya crush ngayon. Buti nga nasa iisang barkada lang kami eh, para naman hindi awkward.
Oo nga pala! yung mga bago naming kaklase... Di na importante yun. Maliban sa, dahil ugali naman niya ito, nagkacrush si Evan sa babaeng bago, siya si Aliyah. obsessed na obsessed si Evan kay Aliyah, sarap ngang asarin eh hahaha.
Buong taon di natapos ang pangaasar kay kung kani-kanino. Isabay mo na diyan ang di natapos na mga quiz, seatworks, exam, assignments, at kakulitan ng mga kaklase ko at ang mga sermon ng mga guro namin.
||Sorry guys, wala masyadong kilig moments tungkol lang naman kasi dapat ito sa buhay namin bilang gr.6 eh pero dahil 1:50 am ko na ito ginawa, di ko na tinapos dahil tinamad ako. Wag kayo magalit ah! chill lang mga dude, relax!! Yung sunod na update babalik tayo from the start. Yung meron na si Kenneth and everything at yung mga kaklase naming sina Jasmine at Rachel at kung sino-sino pang nandiyan. sana na-enjoy niyo namin kahit konti lang na-update ko naman eh hehe:3 So yun, pahintay nalang ng susunod na update baka di na ako tamarin sa ganong lagay.||
-TaTa<3
BINABASA MO ANG
Di Inaakalang LoveLife
Teen FictionAlam mo yung feeling na akala mo di ka na magkaka-lovelife? Tapos sinasabi lang ng mga kaibigan mo na 'Darating din yan tiwala lang' at 'Konting tiis pa!'. Ang dami ko nang napagdaanan pero di dumating eh. Pero lahat yun nag bago dahil sa isang ara...