Ay sorry, akala niyo tapos na?? Hahahaha!! Hindi ah! Kasi ito talaga ang lovelife na di mo aakalain. Matagal-tagal din toh kaya hintay lang kayo sa mga updates (busy ako sa school eh)
**From the Very Beggining**
Sino ba dito ang di makalimutan ang first crush? Lahat naman ata eh.
Di mo talaga makakalimutan yan, first love eh.
At dahil diyan di ko din naman makakalimutan ang sakin.
Grade 2 ako nung nakilala ko si Evan. Oo, siya ang first crush ko. Bakit ko siya naging crush? Kasi ang cute niya, mabait, matalino. Wala pa ako masyado kaibigan dati kasi, bago palang all sa school in yun. Si Anna palang talaga ang first best friend ko, ewan ko lang kung pano ko siya naging best friend eh.
Speaking of friends, meron nung minsan nakasali ako sa isang grupo. Nagalit si Anna sakin kasi ayaw niya talaga sa grupong pinasali ako. Ayaw daw kasi niya sa mga babae sa grupong yon. Ewan ko kung bakit ayaw niya sa kanila, mababait naman sila. So nagalit siya tapos nawalan ako ng kaibigan. Boom panes! Bilis noh. Parang isang pikit ko lang, at.... BOOM! Waley na.
Nawalan nga ako, pero, may tumanggap sakin, at yun Ang mga tunay kong mga kaibigan. Matagal-tagal ko din sila naging kaibigan, kaya umabot hanggang sa ngayong first year ng highschool life namin. Medyo may dumagdag pero, pare-parehas parin kaming magbabarkada.
Anyway, balik kay Evan. Sabi ko nga, cute siya, malambing kung minsan, matalino, athletic, at mga yun.
Naging kabarkada ko din siya hanggang ngayon, kasama ng iba. Pero simula nang naging sobrang close naming lahat, di ko na siya naging crush. (Sinasabi ko sainyo, mahaba-habang kuwento ito).
Edi yun na nga, habang palapit kami sa highschool life dati, ang dami rin nagkacrush kay Evan. Actually, nakasama uli ako sa mga nagkacrush sakanya(lupet noh?). Hay! Naalala ko pa tuloy, birthday noon ni Abbey, malamang pumunta ako, best friend eh. Pumunta din si Karen, Evan, Pamela, Jam, sayang nga wala si Daniel eh. Edi yun, birthday no Abbey pumunta kaming 4 na magkaklase, si Evan nga lang ata lalaking kaklase na pumunta eh. Nakita ko, CHINA-CHANSINGAN NI KAREN SI EVAN!! Oo crush ko nun dati si Evan pati sina Karen at Abbey crush nila. Nung gabing yun sobrang malapit ni Karen sakanya, hindi ako nainggit, kinilig ako! Mas matangkad pa naman dati si Karen kaya tumatawa din ako kasi ang awkward. Sinabi ko din to kay Abbey, Pamela, at Jam, ayun, tawa sila ng tawa. (PUTA! IKAW BA NAMAN BABAE MAS MATANGKAD SA CRUSH MO TAPOS LALAPITAN MO PA, PARA MO NA DIN MINALIIT CRUSH MO! Hahahaha!!).
||Okay, yan muna sa ngayon busy parin ako eh, kaya hintay nalang kayo tenks :3 lub lub lub ❤❤||
-TataBear
BINABASA MO ANG
Di Inaakalang LoveLife
Teen FictionAlam mo yung feeling na akala mo di ka na magkaka-lovelife? Tapos sinasabi lang ng mga kaibigan mo na 'Darating din yan tiwala lang' at 'Konting tiis pa!'. Ang dami ko nang napagdaanan pero di dumating eh. Pero lahat yun nag bago dahil sa isang ara...