Ganito kasi yun...

21 1 2
                                    

Tapos na yung prom. Ang boring ng mga pangyayari kaya lets move on sa mga napapanahong balita xD.

~~

Ang daming nagbago. Pati yung feelings ni Kenneth sakin parang nagbabago.

Ganito kasi yun...

Nalito siya. Kasi may nagugustuhan siyang ibang babae. Dun ko na hinala na di na ko mahal neto. Pero ayun ako parin daw ang gusto niya. Dalawang beses ito nangyari. At dun na talaga ako nag-give up. Di ko na kayang masktan pa. Nung pangatlong beses nagusap ulit kami tungkol dito. Same response padin, nanakasawa na nang pakinggan eh. Nung susunod na gabi nagchat siya sakin. Sabi niya "Kailangan natin magusap bukas" tapos wala na siyang ibang sinabi pa.

Eto na nga. Alam ko na ang mangyayari. Sinabi ko ito sa bestfriend ko, si Daniel, na best friend din ni Kenneth.

"Bro, may sabihin ako sayo. Bad news eh"

"Anu yun bro?? Ano nangyari nanaman sainyo ni Ken?"

"Chill ka lang bro!"

"Ano nga kasi yun??"

"Nagusap kami ni kenneth. Sabi niya kailangan daw namin magusap bukas. Alam mo naman na siguro ibig sabihin nun?"

"ano?"

"Makikipag break ata siya eh. Yun ang alam ko ah. Parang seryoso kasi eh."

Tapos eto na, nag wala na si Daniel. Sabi niya,

"ANO?! KAPAL NG MUKHA NUN AH! UNAHAN MO NA BRO BAGO PA SIYA ANG GUMAWA! UUPAKAN KO NA TALAGA YUNG G***NG YUN!"

"Bro huminahon ka nga! Di mo pa nga alam eh. Malay mo may ibang sasabihin. Basta bro satin lang to ah. Ge na bro. Gudnayt"

"ge bro, sabihan mo lang ako sa mga nangyari ah, ge na gudnayt na din bro"

Ang O.A noh? Ay oo nga pala sinabi ko din to kay Karen. Same situation din. Nag O.A mode din si Karen. Ganon ba talaga nila ako kamahal? Hahaha jk. Eto ang sinabi niya.

"Bes, na'lets-talk'- zone ako ni kenneth."

"HUH? ANO SABI NIYA??"

"kumalma ka nga! Wala yun lang sabi niya kailangan daw namin magusap bukas. No emoticons. Juat words"

"OMG OMG OMG!!"

"i think its a B.U"

"TF!! SASAPAKIN KO YUN PAG SINAKTAN KA NIYA, I SWEAR!!"

"kalma lang. Di pa natin alam. Walang rason na sinabi eh malay mo iba naman pala. Pero im still gonna need you there."

"Nandun talaga ako!! Kasi ako sasapak dun eh!"

Tapos ibang topic na kami pagtapos kong sinabi.

~Next day

Eto na... positibo ako na break up talaga ang mangyayari. Nilapitan ako ni Daniel, sabi niya "Unahan mo na!". Tapos binatukan ko siya kasi pinaalala niya pa sakin. Mga 20 min. ang nakalipas since nakarating ako ng school.

Biglang tinawag nako ni Kenneth. Eto na ang moment of truth. Sinundan ko siya sa pinakamalapit na staircase. Nakatayo lang kami. Akala ko nga mahabahabang usapan eh, hindi pala.

Nasa likod ang mg kamay niya, relaxed ang pag tayo niya pero parang kinakabahan pa siya, tumingin si sa taas as if nagpapacute, tapos ayun 2 minuto walang nagsasalita. Nararamdaman ko sila Daniel at Karen sa likod ko pero medyo malayo sila.

Sinimulan ni Kenneth, pababa siyang nakatingin kasi maliit ako eh.

"Sorry, im falling for the girl, hindi ko sinasadyang ipaasa ka, sorry talaga"

Dun tumigil ang puso ko.

Pero bahala na, di naman ako ang nawalan eh, kahit pakiramdam ko na ako nga ang nawalan.

Ayos lang i-iinom ko nalang to GHOHOL kasama ang barkada. Pang pawala ng over all stress haha.

Tandaan lang niya na minahal ki siya hanggang langit, pinaglaban, at inintindi ko siya. Di ko talaga siya makakalimutan dahil naging malaking bahagi siya ng buhay ko.

||A/N: Sorry sa bagong update, mali kasi yung napublish ko eh at nadelete ko pa yung lahat ng progress ko kaya short lang ang natype ko ang dami ko sana sinulat eh pero bakakaurat tong takteng phone na toh. Pero at least natapos na. Busy ba eh haha. See you sa susunod na mga storya. Open ako sa kahit anong suggestions. Sa susu

Di Inaakalang LoveLifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon