Balik sa Simula..

17 1 0
                                    

Eto na babalik na tayo sa simula, as in simulang simula palang ng highschool life namin ah. Kasama na dito ang kung paano kami nagkakakilala. Eto na ang yesterday and today natin. The complete story. So sit back and keep reading.

||Back to school(First day high)||

First day high! dayum! Eto nanaman kaming magbabarkada, medyo nabawasan, pero konti lang naman at hindi lahat so carry-boom-pak lang yan! 

Kadarating ko ng school ngang makakita ako ng mga posibleng bagong mga kaklase namin. Una kong nakita ay matangkad, maputi, pango, payat, and everything. Wala masyado itsura pero madami parin siguro nagkakacrush. Tapos habang kung saan-saan ako lumilingon, nakita ko si

"DUDE!!" sigaw ko nang makita ko si bespren kong si Daniel, tumakbo ako sakanya tapo niyakap. Actually, pagulpi ko siyan niyakap dahil maliit ako eh kaya tinalunan ko siya, at hinila pababa.

"Dude!" sigaw niya din sakin sabay suntok sa braso ko. 

"Ang weak mo parin pala, dude" komento ko sa suntok niyang panlampa. 

"Asa ka dude! naawa lang ako!" depensa niya sa sarili.

"Anyway, dude, sino naman yang n00b na yan? yang bago nating bibiktimahin?" tanong ko ng pabiro.

"Ah yan? si Kenneth yan,kakilala ko na yan eh dati pa, di yan magiging biktima, isa pa yang suspect na sasali satin" ang sagot sakin ni Daniel.

"Ganun ba? okay fine!" sabi ko ulit, nilapitan ko tong Kenneth na to para i-welcome siya.

"Uy pre, welcome to our school, maya-maya pakilala ka nalang namin ni Dan sa iba, ayos ba yun?" hamon ko sakanya. um'oo nalang siya pero di pa siya nagsasalita, di pa siguro komortable sakin, kay Dan palang siguro, kanina halos walang katapusan silang nag-usap eh. Tsaka nagsidatingan ang iba pang barkadamates namin.

~Sa loob ng classroom~

Dahil first day palang, kahit saan muna kami pwedeng umupo kasi wala pa kaming seating arrangement. Magkasama kaming mga babaeng kasama sa barkada namin dati. Napansin namin magkakasama lahat ng mga lalaki, kasama na ang mgo n00bs. (Oo bakit? n00bs ang tawag namin sakanila eh). Nag orientation kami, nagkakilalanan at ganun-ganun, buong araw halos panay meet up games, as in yung "find a person who like this and that, who has this and that" and everything! Tapos nakilala na namin ang iba naming mga teacher, yung iba strikto at yung iba medyo nakikisama naman samin pag minsan lang. Yung iba kinaiinisan na namin, yung iba naman nagustuhan na namin. Nagka-overnight party kami sa school pero mga highschool students lang kasi mas masaya pag ganun eh. 

Alam niyo naman ang usual na ginagawa pag overnight ang activity eh. Takutan, kainan, iyakan, at mga ganung bagay. Ayun madaming ganun sa party namin na yun, at nakilala na din namin yung iba,marami na din kaming mga bagong kaibigan, ang talagang nadagdagan lang sa grupo namin ay si Rachel, Jasmine, Kenneth, Jeremy, Mike at iiba-iba pa. Kung ano-ano na nalaman namin sa isa't-isa at malakas na din kaagad ang samahan namin.

~Bagong school, Bagong crush~

"Ayieeeeeee!!!" Sigaw ng buong klase dahil kay Daniel at Abbey. Matagal na silang naging magka-love team sa klase namin. Sikat siya na love team kasi pati lahat ng guro namin alam ang tungkol dito at pintulan din naman hehe. Kahit ngayon at highschool na kami, di parin nabibitawan ang 4EVER AbbNiel! Kaso nga lang, di maiiwasan ang mga epal sa mga lovelife, mga panira kumbaga. Yes you guessed it, si Kenneth ang panira. Actually, pang spice-up nga lang siya eh. Masyado na kasi madaling makasama si Abbey. 

Isang Friday, dahil may music subjet kami, nagulat kami, nagdala ng gitara si Kenneth. Di namin alam, marunong pala yun mag gitara. Nagpa-sampol naman kami malamang. Tumugtog siya ng "Kahit Maputi na ang Buhok ko". Sa moment na yun, ang daming napatunganga na babae, nganga lahat eh kasama na kaming barkada girls. At dahil dun, madaming nagka-"dent" kay Kenneth. "Dent" as in "Small liking". Sino ba naman ang di magkakagusto sa musikero? 

Buong reses namin siya pinagusapan,

"Aminin niyo na!" ang hamon ni Jam saming lahat,

"Ako aamin ako, na-fall ako konti, sino sunod?" tanong niya ulit,

"Ako konti lang" sabay tangin sa likod kung nasaan siya.

Si Abbey naman, ang hirap biyakin pramis!

"Umamin ka na Abbey!"

"Oo nga, kaming lahat umamin na eh, di naman maiiwasan yan eh."

"Sabihin mo na kasi, kahit konti may gusto kasakanya"

Hinahamon namin siya. Aamin lang kasi yan kung lahat kami ay against na sakanya. So finally! Umamin na din siya.

"Oo na nga! pero konti lang naman, I mean, sino bang hindi magkakagusto sa isang musician?" taray ni ateh! Tag-Lish? i-Push mo Yen teh!! Sabay lumingon kaming lahat sakanya at kinilig ba naman kaming lahat amp!

Yun na nga! Epal-mode na si Ken. Ayan na siya, sumasabat kina Daniel at Abbey. Ayan tuloy, ang daming awkward moments sa paligid ni Abbey. Nasa isang tabi sii Daniel at sa kabila naman si Ken. Boom panes! agawan na ito!

Lumingon sa direksyon ko si Abbey kasi nasa likod ako ng classroom, sabi niya na walang boses "Ang awkward!" sabay turo sa kilawa at kanan niya. Halos buong first quarter namin, ganun ang routine. Tabi kay Abbey ang dalawa at di sila magpapansinan. Nagaway pa ata sila dahil dito dati eh.Ewan ko lang, outdated ako eh. 

~Wag solohin~ 

Hindi lang sila Abbey ang may ka-lovelife. Kami-kami din uy! Si Evan, medyo matagal ko na siyang hindi naging crush, nanaman! Parang progress yun kasi, yun naman ang plano ko eh. Si Rachel naman ang ka-lovelife niya and internet. Si Mike naman napamahal kay hard/easy-to-get na si Jasmine na sa kutis bagay sila. Ako naman inaasar ni Aldrich kay Evan, di ko nalang pinansin kasi okay na yun kay Rachel. Si Pam kay Jeremy, kaso dati nagka-crush ako kay Jeremy pero out of the way na ko sakanilang dalawa. Ako naman at si Jam, kawawang mga bata, koneho ang humahabol samin, taena! Kambal nga naman kasi ang turing samin noon eh, paano naman kasi, halos parati magkakapareho ang nagugustuhan, adik lang noh? Sa yun na nga, koneho palang ang humahabol samin.

Di Inaakalang LoveLifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon