Balik sa Simula Part 2

18 1 0
                                    

   Eh yun na nga. Hopeless crush nalang ang meron samin ni Jam. Mga kawawang bata noh?? But wait a minute?? ano toh? JR may crush kay Jam?? ayun di na hopeless crush meron si Jam, hopeless ADMIRER nalang! Ang aming tinatawag na koneho dahl pagtitignan mo and facial features niya, ang laki ng pisngi at lalong lalo na ang ngipin sa harap. Takte! pwede mo nang gawing salamin to be honest lang ah! So ako nalang ang may hopeless crush kay JJ. Pero di parin nawawala ang konting-konting crush ko kay Ken. Hopeless parin nga naman, haaay nako nga naman, oo!

"You have a message from Kenneth" Sabi sakin ng isa sa mga pinaka mahal ko sa buhay kung saan hindi ako hopeless. Lang hiya noh? Facebook nalang talaga ang pumapansin sakin. 

Anyway, i-move aside muna ang lovelife kong non-existing. Binuksan ko chatbox ni Ken. Mabait siya ah, may smiley face bawat message niya eh.

"Hi :) ano gawa mo? :)" Close tayo teh??

"Wala lang nakaupo, ikaw?" maldita ang peg ko eh bakit ba??

"Wala lang nakahiga lang"

Wala na ko maisip na topic kaya pinasok ko si Abbey. Si Abbey na crush niya at ng kaibigan naming si Dan. 

"Musta kayo ni Abbey?" Tanong ko,

"Ayos lang naman"

"Ahh, edi ayos! :D"

"Di rin eh"

"Bakit naman?" nagtaka ako,

"Di naman kasi niya ako mapansin-pansin, at tinatanggian niya ang panliligaw ko eh. At parang may gumagambala na din kasi eh"

"Siguro nga naman para kay Dan na siya"

"Pero, sabihin mo sakin ang totoo, may gusto ba siya sakin?"

"Wag mo nalang sabihin na sinabi ko ah. Oo may gusto siya pero pag nag-gigitara ka lang"

"Pag nag-gigitara lang?? Konting saglit lang pala:("

"At least may gusto parin, oh diba?"

"May gumagambala na din kasi eh, kaya parang nawawala ang crush ko sakanya"

"Sino naman ang gumagambala dito ABER??"

"Bukas ko nalang sabihin, may pupuntahan lang ako. Sige bye :)"

Ano trip neto? walang hiyang suspense ito!! TAENA!! Kailangan malaman agad to nila Abbey! Oo ganun eh noh? Sabihin agad sa mga kaibigan! 

Susunod na araw, may malaki akong pagkakamali. DI KO NASABI!!! Buong araw ko sila kasama! bakit di ko natandaan?? Ano toh? short-term memory loss?? yang tataa? walang hiya nga naman oh! Pero dahil di ko na nasabi, di ko nalang talaga sasabihin. Carry lang naman yun eh, at kailangan ko lahat ng full details bago ko sabihin sakanila. Baka kung saan-saan mapunta ang mga hula nila eh, baka mahusgahan pa tong si Kenneth. 

Kenneth...

Ay oo nga pala! ngayon niya sasabihin kung sino gumagambala sa pagkagusto niya kay Abbey! Ano ba meron sakin ngayon at ang dami kong nakakalimutan! 

Nagmadali akong magonline sa facebook, pagkaload ng newsfeed ko, nawala nanaman sa isip ko yung dapat kong gagawin at nagscroll down nalang at tawa ng tawa sa kung ano-ano nakikita ko sa walang kwentang newsfeed ko. Then naalala ko nalang nung nagbukas nanaman ang chatbox ni Ken. Tinapik ko ang noo ko dahil sa kabobohan ko. Push my stupidity to the side muna ulit. 

"Hi, tuloy natin yung pinagusapan nating kagabi" Wow ah! Excited? walang kamustahan??

"Hi, Ok sige. So sino na nga yung gumagambala?"

"Gusto mo talaga malaman??"

Bobo pala to eh, teka nga't babarahin ko lang.

"Magtatanong bako kung ayaw kong malaman?? Oh sige wag mo nalang sabihin kasi tinanong ko eh!"

"Eto naman, pilosopo masyado? Seryoso nga?"

"OO malamang! gusto ko malaman!"

Ang tagal ko naghintay ah! mga 3 minuto kasi nagbrowse pako konti. Siguro nagiipo ng tapang para sabihin sakin. Bakit naman kasi, magsasabi hindi pa nagipon ng tapanag kagabi. Bobo lang?? pramis, saludo ako sayo Ken!

"Sabihin ko na nga!" Biglang sabi niya ulit,

"Dude, walang pumipigil sayo"

"Ano ba naman toh eh! nagseseryoso na nga eh!" Shiet, galit na ata,

"O eto na, sabihin mo na kasi"

Tapos pinaghintay nanaman ako ng siguro m=ng mga ilang segundo

Typing...

typing...

typing...

typing...


Tagal ah! Habang pangalan?? AAAGGHH bilis!! Papatayin ako ng suspense nato eh! Sinara ko muna chatbox dahil baka maubos pasensya ko. Ilang segundo nanaman ang nakalipas. Finally nagblue na ang nakatagong chatbox. Binuksan ko. Nagulat ako sa sinabi niya.

"Ikaw eh!"

||Boom!! Basahin niyo ulit from the start tapos tuloy-tuloy na ulit hehehe. Di joke lang, wag niyo basahin ulit. Major details noh? Ang daming details hehe. Di ko nalang dinagdag sa simula dati eh kasi... ewan ko eh, tinamad nanaman siguro ako:P. So anyway, sa next chapter, isa pang storya ni Ken at Sarah! oh ayan na pangalan ng nagkukuwento satin ah!! Next chapter yung nagmamahalan pa sila, habang si Evan ay nandun. Bigyan ko kayo ng idea sa kung ano mangyayari sa susunod na chapter okay?? Basta hntaying niyo nalang. Di rin naman tatagal kasi summer naman na eh. Stay tuned sa Di Inaakalang lovelife ni Sarah:3||

_Tata_

"Oh take me back to the start"-The Scientist.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Di Inaakalang LoveLifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon