~10 years old(gr. 4)~
YES!! birthday ko nanaman! nakuha kong mabuhay sa gantong kalagayan!! Pagkapasok na pagkapasok ko iimbitahan ko na ang mga kaibigan ko(actually, isa lang siya, sad nuh?)
Magkaibigan pa kami ni Anna nung mga panahong ito. Siya ang unang inimbitahan ko sa bahay ko para makapunta sa birthday ko. Excited na excited kaming dalawa at kung ano-ano ang pinagsasasabi namin. Karamihan dun ay mga nonsense,
"Eh paano kung pumunta si Enrique Gil??" sabi ni Anna,
"Hihimatayin ako noh!" sinabi ko, "Gusto mo ba akong pataying ng maaga??" Biniro ko.
Di na kami natigil sa katatawa, ayan tuloy sinuway kami.
Oras ng assembly, pumunta kami sa mga linya namin kasama ang iba naming kaklase. Dahil may mga "special mention" ang school namin pagdating sa mga birthday, sobra ngang excited si Anna na sinigaw niya na birthday ko. Ayan tuloy alam na ng lahat, dahil special mention nga, pinapunta ako sa harapan at kinantahan ako ng buong school ng "Happy Birthday!". Medyo nainis ako kay Anna kasi alam naman niyang ayoko na tinawatag ako mula sa grupo ng mga tao o di kaya ang tinatawag ata na "Publicity". Sa opinion ko ay medyo parang nakakahiya sa parte ko lang naman. Ewan ko nalang sa mga papansin sa buhay, ipapahiya ang sarili para lang makakuha ng pansin.
~Sa bahay (ang oras ng patry)~
Unang beses palang makikilala ni mommy si Anna. Si Anna naman nakasabay ko siyang umuwi. Sa buong lakad papunta sa bahay namin, parang di ko siya nakitang lumakad dahil talon siya ng talon sa sobrang saya. Nakarating kami sa bahay kaya naghiyawan ang mga aso. Tahol here, there, and everywhere kaya pinatigil ko kasi sakin lang naman nakikinig mga aso dun eh.Dumating din ang ibang mga kapitbahay namin at mga kumare ni mommy. nagset-up ng sound sistem, luto na ang mga pagkain, at kung ano-ano pang ginagawa sa nisang normal na birthday.
Eto na nga naman ang nangyari, bago magsimula ang party, binigyan ni Anna si mommy ng ideya na imbitahan ang crsuh ko. Oo inimbitahan ni Anna si Evan. Sobrang inis ko nanaman kasi di naman siya nagpaalam eh, pero sobrang tuwa ko din naman dahil nasa birthday mo si crush eh hehe. Pagkadating ni Evan nakaporma pa siya, naka berdeng tshirt at maong na pantalon. Nakasuot ang headset niya at agad itong tinanggal.
Salamat at hindi sila nagtilian ng "Ayiee", Sabi ko sa isip ko dahil kahit alam ni mommy ayoko pa rin ng ganun, dahil malamang nakakahiya.
So yun,normal party lang, may mga laro, kainan, tawanan, at kung ano-ano pa.
Nang tumagal yung party, habang hinihintay ng mga kaibigan ko ang mga sundo nila naglaro kami sa kwarto ko, kasama ang mga kaibigan ko sa kapitbahay. naglaro kami ng "Truth or Dare".
Kung ano-ano pinag-gagagawa namin at kung ano-ano ang pinagsasasabi namin sa mga tanong at utos nila.
Nang mapili ulit si Evan, pumili siya ng dare, pero first time etong pumili siya ng dare. Dahil sa sobrang katalinuhan ni Anna(pilosopo here!), siya ang pumili ng dare.
Dare: Halikan ako sa cheeks.
Lumaki ang mulat ng mata ni Evan. Nagkulay kamatis pa nga ang mga pisngi niya eh, pero nabigla nalang ako.
Wala siyang sinabi, papalapit na siya saakin, dapat nga lalayo pa ako pero dahil sa kilig at kulit ng mga kaibigan ko, sinigurado nila na nasa isang lugar lang ako kaya ang daming kamay ang nakahawak sakin.
Palapit ng palapit si Evan, unti-unti akong namumula sa hiya, nakalayo ang mukha ko ng bahagya habang nakapikit. Nang maglapit ang mukha namin, dumilat ako konti nang makita ang maamong mukha ni Evan. Naramdaman bago niya tinuloy ang halik, pumikit din siya kaya napapikit din ako. Naramdaman ko na nakadikit ang mga labi niya sa pisngi ko, medyo huminahon ako dahil sa konting saglit lang nun, naisip ko na "Eto na ang first kiss ko", kahit sa pisngi lang yun, kinilig parin ako sobra pero di ko pinakita, di ko kayang ipakita ang naramdaman ko.
Nang nakalayo na siya sakin, binaba ko ang balikat ko dahil hawak-hawak ako nung nangyari eh. Nag-relax na ako at para di halata na kinilig ako, kunwari nandiri ako sa nangyari. Pinupunasan ko ang pisngi ko ng bahagya nang sa ganun ay "matanggal" ang "marka ng halik". Pati sila nagsisitalon sa sobrang kilig. Nang matapos sila ay nagpatuloy kami sa paglaro, pero di parin natanggal sa isip ko ang halik na naranasan ko.
||Musta yun ha? sana nagenjoy kayo kahit papano. Sa totoo lang dito ko sa school ginawa yan eh. Para sa mga nagview ng story na ito nakakilala ko sa school, salamat nalang :3 Pahintay nalang ang susunod na update kasi as usual busy nanaman, madami nanaman gagawin pero susubukan kong magupdate kahit konti||
-TaTa
BINABASA MO ANG
Di Inaakalang LoveLife
Dla nastolatkówAlam mo yung feeling na akala mo di ka na magkaka-lovelife? Tapos sinasabi lang ng mga kaibigan mo na 'Darating din yan tiwala lang' at 'Konting tiis pa!'. Ang dami ko nang napagdaanan pero di dumating eh. Pero lahat yun nag bago dahil sa isang ara...