Di Inaakalang LoveLife

65 1 2
                                    

Isang friday nasa facebook lang ako nang biglang may nagchat sakin. Yun ay si Kenneth, which is weird kasi hindi kami sobrang close eh. Tinanong niya kung ano ginagawa ko at sinasagot ko naman. Nang biglang pumunta yung topic tungkol sa kaibigan ko at crush niyang si Abbey na wala namang gusto sakanya.  Sabi niya sakin naiinis daw siya paminsan kay Abbey kasi feeling niya pinapaasa lang daw siya at dahil may gumagambala daw kasi. Tapos biglang sinabi niya na may pupuntahan lang siya. Natapos muna dun ang pinag uusapn namin kasi may pupuntahan pala daw siya (Adik lang no?)

Sumunod na sabado..

Nagchat ulit si Kenneth sakin at sabi niya "tuloy natin ang pinagusapan natin kagabi" tapos tinuloy tuloy namin. Tinanong ko,

"sino ba ang gumagambala?"

Sabi niya "Gusto mo talagang malaman?"

"Oo"

"Ikaw eh!"

Nabigla ako at sumakit bigla dibdib ko. Tinanong ko ulit

"Ako?!", sabi ko

"Oo eh", sabi niya

At dahil hindi pa ako sure sabi ko "Wehhh!" kasi parang di ako naniniwala.

Sabi naman niya "Ang dali mo kasing magustuhan eh"

"Pinapaasakit mo naman dibdib ko eh"

"Sorry, pero oo eh may gusto ako sayo"

Nung sinabi niya yun napasabunot ako sa buhok ko at napahawak ako sa dibdib kasi sumasakit na eh. Tinanong ko kung sino pa ang mayalam at sabi niya kaming dalawa palang daw at di pa siya handang malaman ng barkada niya ang totoo.

Dumating na monday...

Nakita ko siya pero hindi pa kami nagpapansinan. pumunta ako sa mga kaibigan ko na parang walang nangyari. nagkukwento si Jasmine nang biglang tumayo ako atlumapit ako kay Kenneth at mga kaibigan niya (na alam na ang situation niya) at sabi ko "Gumagambala pala ah". And after nun bumalik ako kina Jasmine. Little did I know na alam na pala nilang lahat at nalaman ko lang nung naka dating na si Abbey na unang naka alam dahil sakanya sunod sinabi ni Kenneth pagtapos niyang sabihin sakin.

Lumapit sakin si Kenneth at sabi "Usap tayo" at napa ngiti ang mga kaibigan ko. 

Sabi ko "Wag ngayon, pagagalitan tayo eh mamaya nalang" at sabi niya "sige na nga"

Sa buong araw na yun lagi siyang tumatabi sakin. Habang kumakain kami ng lunch nanotice niya na wala akong ganang kumain tinanong niya "Bat di ka kumakain?" sabi ko "Nawawalan ako n gana eh"

"Bakit?" tanong ulit niya.

At sinagot ko "kasi mula nung sinabi mo sakin na may gusto ka sakin, kung ano man ang ginagawa ko, ikaw ang ang unang pumapasok sa isip ko."

Nung sinabi ko yun napatalon siya at tuwang tuwa at kilig na kilig siya.

2 WEEKS LATER~~

Friday na kasama ko na siya palagi, kausap ko din siya palagi. Medyo nakakainis na siya. Alam mo kung bakit? Dahil gusto niyang sabihin ko na mahal ko siya. pinipilit niya ako kahit di ko pa masyado alam ang tunay na nararamdaman ko sakanya.Siya din daw naiinis na kapag di ko pa inamin. Tinanong niya "Alam mo ba kung ano ginagawa ko kapag ako nainis sa babae?", "Ano?!", "hinahalikan ko!"

Nabigla ako at matapang ko na sinabi "Di mo naman kaya eh!"

"Yan ang akala mo! Dali na kasi sabihin mo nalang na mahal mo ako! Three words sabihin mo bilis"

Pabiro kong sinabi, "I....LOVE.....FOOD!!! hahaha!!"

"ahh sige ganyan ka konti nalang! Sabihin mo na kasi eh! Iiwanan kita pag di mo pa sinabi!"

At paulit ulit niyang sinasabi "SIGE NA, SIGE NA, SIGE NA.....!!!!!"

Dun na ako sobrang nainis lahat sinabi ko.

"OO KENNETH MAHAL KITA!! YAN NAMAN ANG GUSTO MONG MARINIG DIBA?!? SOBRA KA NA KASI EH! OO MAHAL KITA KENNETH, MAHAL NA MAHAL KITA SOBRA! AYAW KONG MAWALA KA SA BUHAY KO DI KO KAKAYANIN!!!! OK NA? NASABI KO NA ANG TUNAY KONG NARARAMDAMAN SAYO NA MAHAL KITA!!"

Paiyak na ako habang sinasabi ko yun. 

Napatulala siya (NGANGA!!).

Nagtitigan kami konti habang napupuno ng luha mga mata ko.. Nilapitan niya ako.... Hinawakan niya mukha ko at pinunasan ang mga luha ko...Niyakap niya ako ng mahigpit... Tinigil namin pagtapos ng isang saglit... Naglapitan ang mukha namin.... 

And you decide what's next and ieedit ko nalang hope you enjoyed :3 <3 Di ko na tinuloy kasi parang sobrang cheesy na eh haha! 

Di Inaakalang LoveLifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon