Our 1st year

28 1 1
                                    

(May suggestion ang isang reader eh :3)

(Picked up where we left off)

Naglapitan muka namin..... At HINALIKAN niya ako!!!! Nung una super intense pero tumagal konti and i just went with it.

Di ko mapaniwalaan! May first kiss na ako at galing pa sa taong mahal ko at mahal din ako. 

Di nagtagal naging kami rin. Pinakilala ko siya sa daddy ko. Nung una naurat si daddy pero nung sinabi ni Kenneth na aalagaan niya ako at di pababayaan, na-convince niya si daddy. Lagi niya akong sinusundo at hinahatid. Lagi siyang nasa tabi ko at di siya yung tipong "overly-attached" na kailangan lagi ko siyang kinakausap at pinapansin. Binibigyan ko siya ng space kung kailangan niya at tinutulungan ko pag kailangan niya ako.

Minsan lang kami nagaaway at small things lang ang dahilan. The best part ay Nagpapaalam muna siya bago siya kumausap ng babae at sasabihin niya sakin lahat ng pinagusapan nila pagtapos no matter what it is. Natupad ang wish ko na magkaboyfriend na tulad ni Kenneth, pero takot ako na may mangyaring masama dahil ganon ang buhay eh. Bibigyan ka ng magandang pangyayari pero may kabarayan na masamang pangyayari. Lahat na mangyari wag lang kami mag hiwalay at iiwasan kong mang yari yun.

1st Anniversary~~

Pinaka unang anniversay namin ni Kenneth. Akalain mo nagsurvive kami ng isang taon. Ang tanong magpapatuloy ba to habang buhay? Di natin alam, kaya for now we just go with the flow.

Sinundo ako ni Kenneth gamit kotse ng papa niya. Bago kami umalis nagpaalam muna kami kay daddy. Pagpasok ko ng kotse, sa upuan may nakalagay na puting rosas na may tag na nakasulat "Happy 1st year mahal ko". Wow kilig much? nag thank you ako sakanya pagkapasok niya. Nagdrive kami papunta sa SM. Kumain kami ng Sbarro at nag usap usap kami konti. Grabe ang saya ng gabing yun. May regalo siya sakin at yun ay ang locket na heart na ang tagal ko nang gustong bilihin. Hindi lang siya ang may gift sakin, malamang meron din ako gift sakanya. Dahil mahilig siya sa skateboard, naghanap ako ng original na set na lagi niyang sinasabi sakin at balang araw daw ay makakabili din siya nun. Todo hanap naman ako sa internet kung san pwedeng mabili yun. Finally na hanap ko na din ang Original Airwalk Longboard with extra set rubber wheels which is around 4k. Ok lang naman kasi mahilig naman ako magsave kaya meron akong pangbili ng gift niya. Dahil masyado malaki yun plano ko ibigay sa bahay nalang para masubukan din naman niya. Nag stop by kami sa GSS(Geek Skate Shop) habang nasa mall kami para makatingin siya ng mga bagong boards, trucks, at wheels para sa paborito niyang skateboard pero sabi ko wag na muna sa susunod nalang. Naglibot kami konti, nag food trip, at nag arcade. Pagtapos nang lahat umuwi na kami at pinapasok ko siya saglit at pinaupo ko para magibigay ko regal niya. Pinapikit ko siya ng mata habang kinukuha ko yung longboard niya. Pagkakuha ko nilagay ko to sa harap niya at binuksan niya mata niya. Nakita niya yung longboard at paulit-ulit niya akong yinayakap at hinahalikan at nagpapasalamat. 

Sinubukan niya to sa labas ng bahay at grabe, tuwang-tuwa siya. Lumapit uli siya sakin, nagpasalamat ulit, niyakap niya ako, at hinalikan. Nagpaalam na siya para umuwi at nag good night na siya samin ni daddy.

Susunod na araw pumunta siya ng school gamit yung skateboard na binigay ko kagabi. Sobrang tuwa ko naman dahil nagustuhan niya ang regalo ko. At ako din naman gamit ko yung necklace na binigay niya. Kinamusta niya ako at nakasunod ang mga kaibigan niya sakanya. 

Lahat normal na nangyayari, yung mga teacher turo dito, turo dun, mga estudyante aral dito, ligawan dun, lokohan kung saan-saan. Di na nagbago yun since nagstart ang shcool year. Nakakasawa na nga eh, pero buti nalang andiyan si Kenneth na nagpapasaya ng buhay ko. Ako din kaya pinapasaya ang buhay niya?

Isang hapon naglalakad kami ni Kenneth papuntang classroom. Habang naglalakad kami tahimik lang, at dahil ang awkward tinanong ko, "Pinapasaya ko ba buhay mo?". Ang weird pakinggan para sakin pero tinanong ko parin (adik lang noh?). Sinagot niya ko "Oo naman, sobrang swerte ko nga sayo eh, para kang simple pero pag naging kaclose ka at kilala mo na yung taong yun kaswertehan at kasayahan ang makukuha!". Ayan nanaman ang mga bola ni Kenneth, pero sweet naman eh. Napangiti naman ako nung sinabi niya yun at di na ko nagsalita kasi malapit na kami sa classroom eh.

(Wala masyado nangyayari dahil alam niyo na TURO HERE, TURO THERE, TURO EVERYWHERE!!!!)

Finally natapos din ang klase! Hinatid ako ni Kenneth sa bahay. Nag hello saglit kay daddy at nag pahinga konti at umuwi na siya. Yan ang routine namin ni Kenneth araw-araw pero di naman nakakasawa. Masaya kami palaging magkasama. 

Susunod na araw~

Eto nanaman tayo. Same routine padin pero nung nakarating kami sa school may assembly daw lahat ng highschool students lang. Dito kami na excite dahil siguro may program nanaman kami at practice ulit para sa sayaw, kanta, acting, at kung ano-ano pang ginagawa sa programa. Nagannounce yung principal namin yung tungkol sa darating na JS-Prom. Eto na! Yung pinaka hinihintay na event samin. Di namin na realise na malapit na pala dahil alam mo naman masyadong normal ang buhay namin dito sa school.

Plano-plano nanaman ang mga choreographers para sa waltz namin at plano-plano nanaman ang mga musicians namin para sa anong kanta dahil kailangan nilang mag blend. Kailangan din ng mga partener ang mga students kaya kilig to the bones silang lahat hanngang sa araw ng prom dahil ligawan TO THE MAX ang buwan na ito. Kasama ako sa dance commitee with my bff dance partner na si Rachel. Kasama na din sila Pamela at si Jam. Lahat ng iplaplano na yun dapat isang linggo tapos na para practice nalang sa mga susunod na araw. Dahil sa mga plano-plano na ito nakalimutan ko sabihin kay Kenneth dahil alam kong siya ang magiging partner ko sa prom.

Author's note: Inwan ko muna dito dahil ako din magplaplano ng kung ano ang gagawin ko dito. Also expect a new story pero di ko pa sure kung kelan ko uupload. English siya para mabasa ng iba pang tao. So hope you enjoyed and i need suggestions kung anong kanta, anong klaseng sayaw, sino-sino ang magkapartner, and locations at iadd ko nalang and i'll give credits don't worry :3

Di Inaakalang LoveLifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon