Kabanata 29

299 9 0
                                    

Agad kong niyakap sina Mama at Papa pagkalabas na pagkalabas ko ng airport.

"Ma! Pa! I missed you so much!"

"God Leigh, ibang iba ka na." Sabi ni Mama na tinawanan ko lang saka nagpunas ng kaunting luha.

"Mama, Papa, sabing dalawin niyo ako sa New York eh!"

Tatlo kaming natawa bago naglakad papunta sa pick up namin na naka park sa hindi kalayuan.

"Leigh kailan mo ipapakilala sa akin ang boyfriend mo?" Sabi ni Papa habang nagdadrive.

"Wala, tatanda akong dalaga." Buntong hiningang sabi ko.

I don't think I can my myself a boyfriend again.

"Hindi ako naniniwala." Sabi ni Mama sabay iling.

Pagkarating na pagkarating namin sa bahay agad akong tumakbo palabas kasi sobrang namiss ko ang bahay namin.Pagpasok ko napaatras ako kasi may confetti na pumutok.

"Welcome home Leigh!" Sabi ng mga kaibigan ko at sabay saby nila akong niyakap.

"Oh my god" gulat na sabi ko saka niyakap sila pabalik.I can't help but to shed tears for seeing them again. I just missed them so much.

"I missed you all" I said while wiping my tears.

"Hanep! May accent na siya" tawang sabi ni Jelai at sabay palo ng mahina sa braso.

Agad ulit akong niyakap ni Marga at hinawak hawakan sa kung saan saan.

"Ako lang 'to" natatawang sabi ko.

"Hey Jack and Kyle" I greeted.

Kyle thumbs up while Jack stared at me before smiling.

"Nice seeing you again Leigh"

Kumain kami ng kaunting hinanda nila.I missed this foods, minsan nalang kasi ako nakakakain ng pansit o kaya adobo.

"Saan na pasalubong ko!" Agad na sumbat ni Jelai pagkatapos naming kumain.

"Wala, wala akong pera." Irap na sabi ko kaya tinulak tulak niya ako at tinuro turo.

"Wala? Ano gusto mo isalvage kita?" kunwaring nagbabanta na sabi ni Jelai.

Natawa ako bago umiling iling at bumalik sa living room kung saan ang mga maleta ko.

"Papa ako na" sabi ko kay Papa kasi akmang iaakyat na niya sa taas.

Agad kong binuksan ang isang maleta kung saan punong puno ng bags, shirts, pants, at saka shorts from designer's brands.Hindi ako bumili ng shoes kasi hindi ko sure ang size nila.

"Pakshet ang ganda" sabi ni Jelai at Marga habang sinusuri ang bag.

Malambing ko naman na niyakap si Mama at Papa at binigyan ng isang painting na nabili ko pa sa isang exhibit sa Spain dati.Alam kong magugustuhan nila 'yan kasi from ancient times pa ang painting.

"Baka naubos na ang pera mo nito anak" sabi ni Papa na inilingan ko.

"Nag-iipon naman ako Pa."

"Nasaan ang mga chocolates?!" Hirit ni Jelai kaya tinuro ko ang isang maleta.

"Ingay mo parin Jelai" nakangiwing sabi ko kaya inirapan niya ako.

"Oh I have something for you" sabi ko at binuksan ang tatlong maleta kung saan nakalagay ang perfumes na binili ko para sa kanila,It was from victoria's secret.

Bimili rin ako ng ilang jewelries kina Jelai at watches para kina Jack.

Binilhan ko naman sina Mama ng mga bagong damit. Worth it naman kasi ang mga binili ko. I want the best for them.

Loving So High (MASVEDO SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon