Kabanata 30

348 5 0
                                    

"Anak papasyal ka ba ngayon?" Tanong ni Mama ng maabutan ako na nakahalukipkip sa sala.

"Hindi ko alam, I'm tired." matamlay na sabi ko.

Nakita kong bihis na bihis si Mama kaya agad napaayos ng upo.

"May pupuntahan kayo Ma?"

"Oo eh, sa kaibigan namin sa kabilang barangay.Sumama ka nalang sa amin."

Napanguso ako saka umiling-iling.

"I don't want to."

"Sige dito ka nalang, sandali lang naman kami." napatango nalang ako.

Nang makaalis sina Mama niyakap ko ang unan at sakto namang tumawag si Daddy kaya agad kong sinagot.

"Leigh, how are you?"

"Dad I'm fine here."

"Uuwi ka dito sa Manila o didiretso ka sa New York?"

I sighed.

"It depends Dad, why?"

He sighed on the other line too.

"I am thinking that I should go back in New York tomorrow.Hindi na kita hihintayin?"

"Okay lang, didiretso nalang pala ako sa New York kung ganoon."

"Magtatagal ka pa ba diyan?"

"Two more weeks Dad.May naiwan kasi akong trabaho sa office ko."

"Okay, tumawag ka nalang kapag uuwi ka na NY. Ipapadala ko ang plane."

"I'll take the public plane Dad.Ayokong gamitin ang private plane mo."

Napatawa siya ng mahina kaya napanguso ako.

"Okay fine, just text me everyday."

" I will."

Pagkatapos ng tawag ni Daddy umakyat ako sa kwarto ko saka kinuha ang wallet ko.

Tinawagan ko rin si Jelai.

"Jelai pasyal tayo" aya ko.

"Sorry Leigh, may gagawin ako ngayon.Try mo si Marga."

Napabuntong hininga ako saka pinatay ang tawag at si Marga naman ang tinawagan pero sabi niya may ginagawa rin siya.

Kinuha ko nalang ang susi ng kotse saka nilabas ang kotse.Hindi ko alam kung saan ako pupunta kasi wala naman akong naiisip. Gusto ko lang abalahin ang sarili ko para hindi ako malunod kakaisip.

Napabuntong hininga nalang ako saka nagdrive papunta sa bayan.I missed touring around the palengke ang buy some things. Hahanap ako ng mga local products na pwede kong gamitin.

Pagkapark na pagkapark ko agad akong lumabas at agad ring nanuot ang init ng araw.Tirik na tirik kasi ang araw ngayon kaya medyo maalinsangan, tanghali na kasi.

Napangiti ako saka pumunta sa mga stalls kung saan nagbebenta ng mga murang damit na sobrang comfortable sa katawan.

Nagsusuot ako nito noon, pero hindi gaano kasi may mall naman dito.At saka medyo may kaya naman kami kaya hindi ako parati dito bumibili.Pero lahat ng pambahay ko noon sa palengke lang talaga.

I am not here to buy clothes though, I wanna buy some local hats, bags, slippers and anything.Pero bibili nalang rin ako kapag nagustuhan ko.

"Leigh! Nakabalik ka na pala!" Bati sa akin ng isang babae na nginitian ko nalang rin.

"Hello" nahihiyang bati ko kasi hindi ko siya maalala.

She is not my classmate in Elementary, highschool and college.

Loving So High (MASVEDO SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon