Kabanata 13

338 11 0
                                    

"How's your exam?" Tanong ni Vince kaya agad akong napahalukipkip.

"Ewan ko, mali ata lahat" pabuntong hiningang sabi ko.

He chuckled kaya inirapan ko siya.

"Liar" he said.

Last day na ng finals ngayon kaya next week chill chill nalang kasi Academy Day.Wala akong sasalihang sports pero kailangan ko paring bumalik kasi merong attendance.Parang highschool.

And Vince is playing basketball so I really need to watch.I must watch.Sabi niya e, at gusto ko rin naman. I want to watch him, his play.

Kung sa highchool Intramurals ang hinihintay ng mga students sa college ito.Dito lang kasi kami nakakapagenjoy at walang iniisip na school works.Attendance lang talaga.

At saka wala namang mawawala kung manonood ng games.A lot of sports we'll be played too.Basketball, volleyball, badminton, table tennis and more.

I am not fan of any kind of sports so I didn't dare to join.Baka mapahiya lang ako.Kahit may points pa sa grades 'yan.Ayoko parin. Sports is not for me. I don't have a skill for any sports.

"May practice kayo?" Tanong ko kay Vince kaya tumango tango siya.

Gusto ng department nila manalo kaya nagpapractice talaga sila.I am a real traitor.Mas sinusuportahan ko kasi ang team nila kesa sa amin.Wala lang naman 'yon.

Saka sigurado namang sila ang mananalo. I mean their team has a lot of good players.

"Tara" sabi niya saka ako hinawakan.

I know where we're going.Sa covered court.Masyado nilang sineseryoso ang Academy Day.

Pagkarating namin sa covsred court wala pa ang ibang kasama niya kaya agad akong naupo sa bleachers habang siya nagdribble ng bola at nagshoot.

"Leigh come here" sabi niya kaya inilingan ko kaagad.

"Come" kumbinsi niya ulit.

"Why?" Tanong ko kaya binitawan niya ang bola saka nilapitan ako at pinatayo.

"Ano ba!" Inis na sabi ko ng hinila niya ako papunta sa gitna pero siya tumawa lang.

"Come on" natatawang sabi niya saka pinatayo ako sa harap ng ring.

Not totally harap.I can't explain. Nasa pwesto kami ng free throw.

"Anong gagawin ko?" Tumawa siya saka pinulot ang bola at pinahawak sa akin.

Napanguso ako saka tiningnan 'yon.

"Wala akong planong maging basketball player" pairap na sabi ko.

"Of course you won't." Sabi niya saka pumunta sa likuran ko at hinawakan ang kamay ko saka pinuwesto ang bola.

"Just one shoot Leigh." Sabi ni Vince saka Nishoot ang bola.

At nakakagulat dahil nag shoot 'yon.Siya 'yong kumokontrol sa kamay ko.

"Ang galing ko!" Excited na sabi ko! I can't help it, It's my first time, ngayon lang ako nakashoot at ngayon lang rin kasi ako nagtry.

"Yes you are" natatawang sabi niya.

Sa sobrang tuwa ko ako na mismo ang kumuha ng bola at bumalik sa puwesto namin kanina.I tried to shoot the ball.Pero hindi man lang umabot ang bola sa ring.

Vince laughed and his laugh ecoed in this empty covered court.I frowned.

"Isa pa" sabi niya saka pinulot ang bola at tinulungan akong ishoot and I did it.No, he did it.

Loving So High (MASVEDO SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon