Kabanata 7

375 12 0
                                    

Sabi nila hindi daw natin mapipigilan ang damdamin natin.Even if we try so hard to stop it. Maybe that was true.
Because day by day, Vince and I gets closer and closer even more.I don't want to lie because I feel so happy whenever he's around.Palagi kaming magkasama at parang lahat na ng emosyon niya saulo ko.

Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng iba tungkol sa amin, ang alam ko lang, magkaibigan lang kami.

Yes we are friends.Friends that can't sleep without texting each other.Magkaibigan na alam ang password ng phone ng isa't isa. Ang bilis ng mga pangyayari.

I know that something is building between us but I don't want to conclude.I want to clarify things first.

Because I know.Alam kong mahirap kapag nagtuloy tuloy 'to.Vince is the type of guy that you can't help but to fall in love with.He is beyond perfect and I am afraid of that.

Takot ako sa kaniya.Not literally afraid but I am afraid to get drown.Because now, I am nearly drowning.

"Leigh ang tagal mo" natawa ako sa sinabi ni Jelai.

We are now at my favorite place.Sa bench sa likod ng building namin.Hindi ko alam kung bakit sila nagpatawag ng 'meeting' daw.

"Alam mo namang hindi pareho ang schedule natin ah"

"Oo na, oo na"

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko at mukhang kilala ko na kung sino.Of course it's him.Tiningnan ko siya at nakita kong tamad lang siyang nakasandal.

"Marga tara na!" Saway ni Jelai kay Marga na ngiting ngiti sa tabi niya.

I know that smile.Palagi nilang tinatanong kung anong meron sa amin ni Vince.I told them the truth.We are friends.No more no less.

"Hindi ka na busy diba?"

"Uhmm hindi na."

I already finished my reports with the help of this guy beside me.At sa susunod na araw pa naman ipapasa.So okay na ako ngayon.Aral nalang para sa quizes.

"Yehey! Outing tayo Leigh!"

Natawa ako.Akala ko kung ano na.

"Saan?"

"Saan ba? Sa Vista Coloma? Garden Falls? Kayo!"

Nag usap sina Jelai at Marga kung saan.

Dahan dahang umakyat ang kamay ni Vince papunta sa sandalan sa likuran ko kaya sinundan ko muna 'yon ng tingin bago siya binalingan.He lazily raise his brow. Hinayaan ko nalang saka nagkibit balikat.

"Buron River nalang tayo."

Buron River is one of the tourist spot here in our province.The water is so cold and it's very clean.Kaya binabalik balikan talaga. Saka nakakawala talaga siya ng stress.

"Sama sila Jack sa atin" pahayag ni Marga.

Tumango tango ako.

"Who's Jack" tanong ni Vince na kaming dalawa lang ang nakarinig.

"A friend" mahinang sagot ko.

He nod.

"At Leigh, sama mo na bodyguard mo" natatawang sabi ni Jelai kaya binato ko siya ng plastic.

Natawa silang dalawa ni Marga at nag apir pa.

"Tss" sabi Ni Vince sa tabi ko.

Hindi nagtagal dumating si Jack kasama ang iba niyang kabarkada.And of course when Jelai saw Kyle they fight like cat and dog again.

"O san tayo?"

"Buron River"

"Kailan ba 'yan?" tanong ko ulit.

Loving So High (MASVEDO SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon