Kabanata 1

514 19 0
                                    

"Tita Lyn mauna na po kami" ngumiti naman si Mama sa sinabi ni Marga.

Lumabas na kami ni Jelai sa gate namin saka nagsimulang maglakad patungo sa basketball court na malapit kina Jelai.

"Bilis na Leigh, nandoon na daw sina Jelai." Napairap nalang ako.

Ayoko naman kasi talagang sumama kaso mapilit si Jelai at si Marga.

Third Year college na kami kaya hindi ko na gusto ang basketball.Gusto ko nalang na manatili sa bahay ngayong bakasyon tutal nalalapit na lang naman ang pasukan.

"Sabi kasing ayoko eh."

"KJ mo!"

Napasimangot tuloy ako.Hindi sa kj pero ayoko lang talaga. I am not fond of that game anymore, I grew up.

"Umaayaw ka lang kasi alam mong nandoon si John.Ayaw mo kasing magpaligaw, alam mo namang patay na patay sayo 'yon.Mayaman pa." Napangiwi ako sa sinabi niya.

"Isipin mo, mula elementary hanggang college gusto ka.Swerte mo."

Napabuntong hininga lang ako saka hindi na siya sinagot.

"Hindi naman kita masisisi.Hirap naman kasing kalimutan si Vince.Gusto mo pa ba siya?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Marga at agad umiling iling.Hindi na.Ang tagal na kaya n'on.

"Asus, eh bakit di ka nagkacrush ng iba?"

Ewan ko. Nagkibit balikat nalang ako.

"Bilisan mo nalang" tumawa siya sa pag iwas ko ng topic.

Biglang nag vibrate ang phone ko kaya tiningnan ko kung sino ang nagmessage.

Jelai:

Saan na kayo? Bilis magsisimula na.

"Magsisimula na daw." Tamad na sabi ko kay Marga kaya nagmadali naman siya.

Ano bang meron sa basketball at parang atat na atat sila? Yes, I admit I liked that game before but I changed.

"Bilis na Leigh!"

Ang layo naman kasi ng basketball court.Nandoon na sa unahan si Marga habang ako nasa likuran parin.Hindi ko naman kasi gustong manood kaya bakit ako magmamadali?

Mukhang nainis na si Marga sa sobrang bagal ko kaya binalikan niya ako at hinila kaya wala na akong nagawa.

Ayoko ng kahit anong sports.Gusto ko nalang na mag aral.Well, rumampa narin.

When I stepped in in highschool I began to enter pageant. At first ayoko pero kalaunan nagustuhan ko narin kaya nagtuloy tuloy.

At so far wala pa namang talo.Sinwerte lang yata.

"Ang bagal mo kasi Leigh" reklamo ni Marga kasi pagdating namin sa Basketball court andami ng tao kaya wala ng mauupuan.

Ayoko naman kasi talaga.

May mga bumati sa akin kaya nahihiya naman akong ngumiti.Medyo kilala kasi ako dahil na rin sa pagpapageant at Reyna daw ako ng Masvedo eh. I won a lot of pageants in this province so they gave me that title.

Lol

Medyo lumawak rin kasi ng lupa namin pero hindi kasing lawak ng mga mayayamqn dito.Sakto lang.

"Teka text ko nga si Jelai" pagmamaktol ni Marga kaya humalukipkip ako.

Hindi ako maarte pero ang init kasi madaming tao.

Ilang sandali pa bigla akong hinila ni Marga papunta sa unahan kaya sumiksik kami sa mga tao.

Loving So High (MASVEDO SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon