Kabanata 5

377 12 0
                                    

"Leigh bakit hindi ka pa umaalis? Malalate ka na ah?" Bungad ni Mama sa akin pagkababa ko.

"No, vacant 'yong first class ko."

"Ganoon ba? Sige, commute ka nalang muna kasi nasa farm na ang papa mo."

Tumango tango ako saka kumain na ng breakfast.Pagkatapos ko kaagad akong naglakad patungong highway para maghintay ng masasakyan.Wala kasing masyadong pumapasok na sasakyan sa amin.

Mabuti naman at may dumaan na trisikel kaya nagpahatid ako sa school.Pagkarating ko dumiretso agad ako sa klase ko na agad din namang natapos.

"Leigh, anong plano mo kay John?"

Nasa cafeteria kami ngayon naglalunch.Hinihintay namin si Jelai kasi hindi pa ata tapos ang klase niya.

Nagkibit balikat ako kay Marga.Since Last week na hinatid niya ako hindi na niya ako tinantanan.And I didn't even said that he have a chance.Napagtanto ko na ayoko parin pala.Kahit anong mangyari, ayoko parin.

"Bakit?"

"Ayoko nga sa mayaman" nakaismid na sagot ko.

Ayoko naman talaga.

"Asus, baka sa isang araw ang pinakamayaman dito sa Masvedo ang gusto mo"

"Who?"

She laugh mockingly at me.

"Sullivan, Fuentabella, Castañeda mamili ka." Inirapan ko siya sa sinabi niya.

"Kaya nga, hindi naman sa nang aano pero kung tutuusin kaunti lang naman ang lamang nina John sa inyo.He is not super rich like the Sullivan's Leigh."

Nagkibit balikat ulit ako.

So what, ayoko pa rin.

Napatawa ulit siya kasi hindi ako nakasagot.

"Balita ko malapit na daw umuwi 'yong tagapagmana ng mga Fuentabella ah. 'Yon nalang?"

Sinamaan ko siya ng tingin.Fuentabella.They are one of the riches family here in Masvedo.And they own huge lots here and even in our neighbor provinces. May mga negosyo rin sila na hindi ko alam kung ano basta ang alam ko mayaman sila. Marami naming mayayaman sa probinsya na 'to.

"Shut up Marga."

"I will Leigh" nang aasar na sabi niya.

"Hey" sabay kaming napaangat ng tingin kila Jack na biglang sumulpot.

Tinanguan ko sila.

"Leigh"

"Hi"

"Pwede?" Tumango ako kaya naupo silang dalawa ni Kyle.

"Long time no see ah, saang bundok kayo galing?"

"Tumahimik ka Marga, di ka nakakatuwa."

"Bakit nandito kayo!"

Napatawa ako ng mahina dahil sa biglang pagsulpot rin ni Jelai.

"Sa'yo ba 'to?" Supok rin ni Kyle.

Napailing nalang ako saka kumain.Hindi ko nalang sila pinakialaman sa pag iingay nila.

Kyle and Jelai are still throwing hurtful words for each other but I know that they are not serious.We are used to it.While Marga and Jack are laughing while watching them.

"Gago!"

Muntik ko ng ibuga ang tubig na iniinom ko kasi ang lakas ng boses ni Jelai.

"Jelai, hinaan mo ng boses mo" agad na pagsaway ko.

Loving So High (MASVEDO SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon