Parati ka nalang bang maghihingalo?
Parati mo nalang bang dadamdamin ang paninibugho,
Sa mga bagay na iyong ginawang mundo na alam mong maaari mong ikaguho,
Pagpahingahin mo na ang puso mong nalulunod na mula sa mga pag-iyak moTahan na, sabihin mo.
Harapin mo at itigil ang pagtakbo mula rito
Tuyuin mo ang mga luhang tumutulo
Ang solusyo'y nasa iyo, at hindi sa paggawa ng mga bagay na ikasisira ng iyong mundo
