sana hindi nalang

143 0 0
                                        

Sikat na sikat ang katagang sana hindi nalang kita nakilala.

Mga linyahang ating naririnig kada may taong lumuluha,

Kada may taong nagtatanong bakit ako pa?

Iluluwa ng ating mga bibig na sana hindi nalang,

Hindi ka nalang sana dumating pa nang sa gayon hindi na sana ako nasasaktan pa.

Noong nakilala kita,

Ikaw na syang nagbigay saya,

sa kahit na maiksing panahong pagsasama

Naramdaman ko na isa akong prinsesa.

Ang swerte ko, turan ko sa aking sarili

Nang mga panahong iyon, hinaharap sa aking isipa'y di nagawi

Hanggang sa unti unti lumabo,

Doon ko napagtanto,

baka nga wala, wala pa sa tamang panahon para madama,

Madama ang isang napakasarap na pangyayari, ang magmahal,

Na hindi ko lubos na naisip na sya rin palang magdudulot na kakaibang sakit at hapdi.

Sinabi ko noon sa aking sarili,

Hinding hindi ko sasabihin na "sana hindi nalang kita nakilala"

Bakit? Sapagkat hindi ko makakalimutan ang mga bagay na syang naghatid ng ganoon at natatanging pangyayari,

na lubos na nagdulot ng saya sa aking sarili

Ngunit ngayon alam ko na,

Kung bakit nasasabi nilang sana hindi nalang,

Sana hindi ka nalang dumating,

Sana hindi nalang kita nakilala,

Sana hindi nalang nangyari ang mga bagay at alaalang iyong binigay

Dahil sa kabila ng kasiyahan noong mga panahong iyon,

ganitong sakit naman pala ang madarama sa ngayon.

Poems 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon