Huli

255 3 0
                                    

Huli

Ngayong gabi muli kong babalikan
Mga alaalang nagdaan,
Unang beses na aking maranasan
Ngiti sa aking mukha'y kay hirap nang tumbasan

Walang mapaglagyan itong galak sa aking sarili
Tila ba'y sa mahabang panahon ito'y mananatili
Dadalhin ko saan man magpunta
Pagka't ganitong pangyayari'y minsan lang at di dapat itatwa

Saksi ang marami sa kung paano ito nangyari
Isip nila'y napakaswerte ng aking sarili
Salamat sa isang bagay na aking di inasahan
Na syang nagbigay tuwa't galak na natanim sa aking isipan

Ngunit sa pagdaan ng panahon di ko inaasahan
Gugustuhin ko rin pala itong kalimutan
Hindi dahil sa ayaw ko na itong maalala
Ngunit sapagkat sakit na lamang ang dinadala

Pinapangako kong ito na ang huli
Huli para ito'y isaisip at ibalik ang lahat sa kung paano nangyari
Ipagpatawad mo hindi ko ito gusto limutin
Ngunit iyon na lamang ang natitirang dahilan, ang ito'y ibaon na lamang at huwag na muling alalahanin.

Ito na ang huli na aki'y itong iisipin
Ika'y aking tuluyan nang palalayain
Bagkus hindi ka man sa akin
Ngunit sa parte ng puso ko'y nariyan ka parin.

Poems 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon