Ihahalintulad ko

84 0 0
                                    

Nagkulong ako sa kwarto
Hindi upang magmukmok upang isipin ang sakit na dala ng alaala mo
Bagkus, kumuha ako ng isang libro
Libro na aking binuklat at nagbasa mula sa mga unang pahina
Na hindi ko alam kung paano ako nahantong sa sitwasyong ito
Sitwasyon kung saan na sa pagbabasa ko ay naiuugnay ko na pala ang sarili ko.

Hanggang sa hindi ko na namalayan, natapos ko na pala.
Tapos ko na pala ang pagbabasa sa libro.
Tapos na pala ang nasimulan ko.
Ilang oras palang ang nakalilipas, ngunit parang may kulang na.
Sa maikling panahon, kasabay ng paglagas ng mga dahon, kasabay ng paglagaslas ng mga alon,
Na sa ilang bilang ng pagdaan ng mga araw, hindi ko namalayan, na-"hook" na pala ako sa istorya.
At ang mas nakakatawa pa, ay mas na-attach na pala ako sa mga karakter.

Kung kaya't sa pagtatapos na iyon, sa pagtigil ko sa pagbabasa sapagkat natapos na, napasabi ako sa sarili ko,
bakit ganito, bakit parang may kulang, bakit parang may hindi tama, hindi ko maintindihan, pero parang may bara, parang may kulang sa sarili ko, parang may isang sitwasyon na kailangan upang mapunan ang pagkukulang na nararamdaman ko.

At dahil pala iyon sa mga karakter.
Hindi ko lubos na naisip, na ganon pala ang maidudulot nito,
na sa sandaling matapos ang lahat, sa sandaling maubos na ang mga pahina, sa sandaling marating ko na ang wakas ng istorya, makapag-iiwan pala ito ng puwang sa sarili ko, sa isip ko at hindi sa lahat ay sa puso ko.

At dito, dito ko maihahalintulad ang sana'y salitang "tayo". Pero, tama nga bang sabihing tayo? O baka mas angkop ang salitang mayroong ikaw
at ako, ngunit walang naging tayo.

Muling kong ihahalintulad ang lahat sa pagbabasa ko ng libro.

Sa pagtatapos ng isang yugto, hindi ako maaaring hihinto at magmukmok na lamang sa sulok na walang patid ng pag-iisip kung ano na nga bang nangyari....kung ano na nga bang nangyari sa mga karakter ng librong binasa ko, dahil hindi naman sila totoo.

Hindi sila totoo.

At oo, iyon ang totoo, na ang mga karakter na pinaniwalaan at kinahumalingan ko ay hindi totoo.

Kung kaya't naisip ko, ilang araw din ang ginugol ko, hindi lamang pamatay oras, ngunit pati narin sa pagtalikod ko sa realidad sa aking mundo, sapagkat sa pagbabasang ito, namulat ako...
Namulat ako sa mga bagay na maaaring iparanas ang kasiyahan sayo kahit hindi totoo, at dadating sa punto na matatapos din ang lahat. Na mararating mo ang huling pahina. Na doon mo mababasa ang salitang "wakas".

Kung kaya't kinailangan kong magdesisyon, ang magbuklat ng panibagong yugto? O ang magbalik sa normal na daloy ng buhay ko bago ko pa man buksan ang unang yugto sa bagong karanasang ito?

At mas pinili kong magbalik sa dati bago pa man ako tuluyang malunod sa masyadong pagkahumaling sa sitwasyong ganito.

 Panahon na para isantabi ang mga bagay na tapos na. At bilang pagkakaklaro, isinasara ko na ang librong ito. Hanggang sa huling pahina, nawa ay naunawaan mo.

Poems 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon